Chapter 60 - Courting... Death

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tulad ng dati, hinatid ni Cally si Prin sa school. 

"See you later" sabi nito na haplos ang pisngi niya at binigyan siya ng mabilis ng halik sa labi. 

Nahihiya si Prin kay Xander na nagmaneho para sa kanila dahil kita niya ang pamumula ng pisngi nito. Pero patuloy na nagpapanggap na walang nakikita sa backseat. Hasa si Xander bilang chauffeur kaya kunwari ay wala itong nakikita. 

"Thank you sa paghatid, husbie…" tanging nasabi ni Prin. Kinuha niya ang mga gamit at lumabas na ng sasakyan. 

Nang makabalik sila nang nagdaang araw, nakahinga ng maluwag ang pamilya nila. Hindi kasi alam ng mga ito kung saan sila tumungo at wala pang signal ng telepono sa probinsya na pinuntahan nila. 

Ang luko-lukong Cally naman, kinatwiran na kailangan din nila na mag-solo na dalawa paminsan-minsan na walang istorbo. Walang nagawa ang pamilya nila dahil may sarili rin naman silang mundo na dalawa at dapat gampanan bilang mag-asawa. 

Napailing na lang si Prin. Wala talagang makakabali sa kung ano talaga ang gustuhin ni Cally.

Napansin agad siya ng mga kaeskwela pagbaba pa lang niya ng sasakyan.

"Hello, Prin!" Binabati siya ng mga ito kahit na hindi niya kaklase o kakilala. 

Iba ang tingin na ipinupukol sa kanya ng mga estudyante sa school. Ang iba ay inggit. Ang iba naman ay paghanga. Pansin ni Prin na mas mabait sa kanya ang mga ito kumpara ng mga nakaraang araw. 

Kada maglalakad siya patungong kwarto kung nasaan ang klase niya, may bumabati sa kanya o kaya naman ay bigla siyang pag-uusapan. 

Instant popular si Prin sa school dahil sa match na ginawa niya kay Sean. Lalo na't tumatak sa kaisipan ng mga ito ang ginawa niya sa Race. 

Nang maalala si Sean, hindi niya alam kung tinuloy nito ang pagpost sa social media account nito na tulad ng pusta ni Cally. Wala siyang nadidinig kay Bella. 

Nagkibit-balikat din siya agad dahil wala na rin naman siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay hindi na siya istorbuhin ng lalaki. 

Pagpasok niya ng pintuan, napansin agad niya ang balloons na nakakabit sa upuan niya at may bouquet pa ng rosas sa ibabaw ng table. Naisip agad niya kung nagkamali ba siya ng kwarto na napasukan. Pero pamilyar ng mukha ng mga kaklase niya. 

Kinikilig ang mga kaklase niyang babae. Tumuloy si Prin sa paglakad patungo sa pwesto niya sa klase at nakita ang card. 

'I'm sorry - Sean' 

Tumaas agad ang kilay niya. Mukhang naghahanap talaga ng sakit ng katawan ang lalaki. 

"Mga classmate sino ang may gusto ng bulaklak?" tanong niya sa mga ito. 

"Ayyy! Ako! Ako! Ako!" isa-isang nagsipagtaasan ng kamay ang mga kababaihan. 

Inabot niya sa katabi niya ang bulaklak. "okay, get one and pass!" sabi niya sa mga ito. 

Kinuha niya ang nakakabit na limang piraso ng pink na lobo, lumabas at pinalipad iyon sa kawalan. 

Hindi lang ito tumupad sa bet ni Cally, kahit sa nais niya ay hindi rin sumunod ang binata. 

Pumasok muli si Prin sa loob ng klase. At nagsimula na magtingin sa internet kung paano gumawa ng cake. 

Iyon naman kasi ang pusta nito, kailangan niyang ipagluto si Cally dahil natalo siya dito sa race. 

Habang busy siya sa pag-browse dahil wala pa naman ang instructor nila para sa oras na iyon, may mga nagsipasukan na grupo ng limang kalalakihan. Ang iba ay may bitbit na gitara at ang iba ay kumakanta. 

Hindi sana niya papansinin pero huminto sa harapan niya ang mga ito. Clueless siya sa nangyayari nang biglang nagsitilian ang mga kaklase niyang babae. Pumasok si Sean sa loob ng kwarto. 

"Miss Prin, sana ay nagustuhan mo ang harana ko" 

Prin "..." 

Gusto niyang bigyan ng upper cut ang lalaki nang mga oras na iyon. 

Huminga ng malalim si Prin at pinipigil ang inis na nararamdaman niya. "Ano ang ibig sabihin nito?" taas-kilay na tanong niya. 

"Nanliligaw ako" 

"May usapan na tayo na hindi mo ako guguluhin" sita niya sa lalaki. 

"Sabi nga ng matatanda, kapag tumibok ang puso, hahamakin ang lahat. Pasensya na, makulit ako kaya itutuloy ko ang nais ko." sagot nito. 

Hindi alam ni Prin kung nasaan ang utak ng lalaki. Hindi lang mayabang si Sean, wala din isang-salita ang lalaki. 

"Alam mo Sean, kung mahal mo pa ang buhay mo, mabuti pa na itigil mo na ito. Have you seen my boyfriend? Sorry, pero hindi ka papasa kahit sa daliri niya sa paa." prangka na sabi niya at halatang naaalibadbaran kay Sean. 

Dumating ang Instructor nila na pinagpasalamat niya. 

"Ma'am ginugulo po nila ako" sumbong niya dito. 

"Mr. Sean, labas!" singhal nito. 

Nagpasensya ang mga lalaki na nangharana sa kanya sa instructor. 

Inangat lang ni Sean ang gilid ng labi nito. "Hindi pa ito ang huli, Prin" 

Inikutan niya ito ng mata. Kapag nalaman ni Cally na nililigawan siya doon, hindi lang ang lalaki ang mananagot. Siguradong pati siya ay parurusahan nito.