Chapter 61 - Mayor's first attempt

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kapag nangulit pa ang lalaki kay Prin, sigurado na bibigyan niya na talaga ng leksyon ang lalaki na parang hindi naman nag-aaral sa school nila.

Sa parte naman ni Sean, kinapalan talaga nito ang mukha na pumasok sa araw na iyon dahil kumalat na ang video nito sa social media. Hindi lang ang laban nila ni Prin sa shooting, kung hindi pati na rin ang racing.

Tila kinalimutan naman ng mga kaeskwela niya ang naganap.

Iyon nga lang, mas sumikat si Prin sa school. Kaya mas lalong nagkainteres si Sean sa babae. Kung magiging girlfriend niya ito, sa tingin niya ay babalik ang reputasyon na meron siya sa school.

Sa klase naman, nagtataka si Prin kung bakit wala pa si Bella. Absent ito sa unang klase. Natapos na ang unang klase at hindi niya nakita ang kaibigan. Lumabas siya para pumunta sa susunod na class.

Nakita niya doon si Bella. Nakangiti niya itong nilapitan pero seryoso lang ang kaibigan niya. Halatang malalim ang iniisip.

"Okay ka na, Dear?" Pangangamusta niya dito. Mukhang wala na ang bahid ng pasa at bukol nito sa noo. Pero napansin niya na may pasa ito sa braso.

"Gawa ba yan ng masamang loob nung nakaraang araw?" Tanong niya.

Bigla nitong tinakpan ang braso. "Uhmm.. wala ito"

Halata ni Prin na may hindi tama sa kaibigan niya. Nagduda si Prin sa sagot ni Bella.

"Anong nangyari d'yan? Sabi mo sa'kin, I'm your best buddy here." Pagtatampo niya habang turo ang pasa nito.

Nakita na lang ni Prin na lumuluha ang kaibigan niya.

"Yung boyfriend ko kasi nahuli ko kagabi na may babae kaya nakipaghiwalay ako sa kanya. Ang gag*, ayaw akong tigilan. Huhuhu" sabi nito habang umiyak.

Nilapitan niya ito at niyakap. Naisip ni Prin na maswerte siya kay Cally. Hindi babaero ang asawa niya. Bigla niyang naisip kung hindi nga ba talaga babaero si Cally.

Biglang sumulpot sa isip niya ang matalim na tingin ni Cally. 'Sorry na master'

'Hmmm. So far, wala naman siyang naging girlfriend' iyon ang pagkakaalam ni Prin.

"Mabuti naman at nakipaghiwalay ka na. Huwag ka nang umiyak. Marami akong kaibigan na lalaki, lahat sila macho at pogi pa. Irereto kita sa kanila."

"Kaya lang my friend, kagabi nung nakipag-hiwalay ako, sinaktan niya ako." Nakayuko na sabi nito.

'Aba't---' nanggigigil si Prin sa nobyo nito. Natapik niya ng biglaan ang mesa ni Bella.

Nakita niya ang lalaki nung magpunta sila ni Cally sa supermarket. Gwapo ito pero hindi guwapong-guwapo na tulad ng mga kasama niya sa Dark Guards.

"Kapag sinaktan ka ulit ng mokong na iyon, isumbong mo sa akin" sabi ni Prin sa kaibigan. Kumalma naman si Bella.

"Tama ka my friend, isusumbong ko talaga siya sa iyo. Feeling pogi, Panget naman!" Biglang sabi nito.

=====

Sa opisina ni Cally…

"Master, iniimbitahan kayo ni Mayor Villanueva na kumain sa isang restaurant." Pagbibigay-alam ni Xander.

Kumunot ang noo ni Cally. Umismid siya mukhang hindi sinunod ng Mayor ang usapan nila. Ang lakas ng loob ng anak nito na saktan si Prin pero walang lakas ang Mayor na saktan ang anak.

Dahil maganda ang mood ni Cally resulta sa mga naganap sa kanila ni Prin ng nagdaang araw, hahayaan niya na lang ang Mayor na iyon. Basta siguraduhin lang nito na hindi na ito pwedeng umulit pa.

Hinarap niya si Xander. "Hindi ba dapat alam mo ang sagot?"

Kinabahan kaagad ang binata. Kumamot ito sa ulo. "Ahmm… Master, makulit po kasi. Gusto pong humingi ng paumanhin sa inyo."

"Xander, I don't want to see him. I don't care kung hindi na siya tumupad sa usapan. I don't want to see his face." He gave an annoyed look.

"Yes Master... May afternoon meeting nga po pala kayo master sa project ng bagong Movie ng opisina. Sa chinese restaurant po magaganap."

Naisip niya si Prin. "Gan'on ba? Pasunurin mo na lang doon si Prin."

Napansin naman ni Xander na gumaan muli ang pakiramdam ng master niya. Mukhang si Prin lang ang sagot kapag umiinit ang ulo nito sa kanya. Ibang iba ang mood ng master niya nang pinag-usapan nila si Mayor Villanueva, sa mood nito nang si Miss Prin na ang paksa nila.

Sa tingin niya ay in-love talaga ang master niya sa asawa nito.

"May itatanong pa nga pala ako muli Master."

Hinilot ni Cally ang sentido niya. Hindi pa kasi nilahat ni Xander ang sasabihin nito.

"Nagtatanong ang kambal kung pwede daw nila makasama si Miss Prin sa weekend sa bahay niyo po--?"

"Hindi pwede. " matalim ang tingin na pinukol ni Cally kay Xander. Kinabahan naman si Xander at tuluyan nang lumabas na opisina niya.

Nagsisimula pa lang sila ni Prin, may gusto nang umagaw ng oras nito. No way!