Chapter 62 - Close your Eyes!

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakatingin lang si Luna kay Prin at pinag-aaralan niya ito. 

Hindi siya makapaniwala na magiging asawa ito ng Presidente ng MGM na si Cally Han. Sa tingin niya, isang bluff lang iyon sa Daddy niya. Ang pakilala ni Prin ay nobyo lang nito si Cally na nakita sa Billard Bar nang mga nakalipas na gabi ng mga ka-eskwela niya. She is gritting her teeth.

Sa isang iglap, masyado nang sumikat si Prin sa school. 

Wala pa ngang dalawang buwan doon ang kinaiinisan niya na si Prin, pumalo agad ang pangalan nito bilang nangunguna na popular sa eskwelahan nila. Samantalang siya, inabot ng anim na buwan bago niya nakuha ang posisyon na iyon.

Meron kasi silang online poll sa school site na gawa-gawa lang ng kung sino. Ganoon pa man, hindi maiwasan na makaramdam siya ng inis sa babae. 

Ang bwisit na si Sean, lalo lang pinaiinit ang ulo niya. Nagawa pa nitong mangharana sa babae na hindi nito nagawa sa kanya. 

Wala siyang ibang naiisip kun'di sundin ang utos ng Daddy niya. Wala pa ni isang lalaki ang umayaw sa ganda niya kaya tiwala siya na mapapa-amo niya si Cally Han. 

Hindi lang ang Daddy niya ang sasaya, kundi pati na rin ang pangalan niya. Naiimagine niya na ang sarili na hinahatid araw-araw ng Maybach ni Cally.

Tahimik lang siya sa school at walang sinasabi sa mga nalaman niya tungkol sa pagkatao ni Prin dahil parang tinulungan na rin niya ang babae sa popularity nito.

'Hmp! Kapag nakuha ko ang loob ni Master Cally, paaalisin kita sa bahay niya.' Sabi niya sa sarili.

May plano na sila ng Daddy niya. Malaki ang sinuhol ng pamilya niya sa bagong production na gagawing movie ng MGM Corp. Isa siya sa na-pilit na ipasok bilang kasama sa 2nd lead kahit wala pa siyang karanasan sa pag-arte. Sabi nga, kapag may pera at ganda, madali na makuha ang lahat. 

=====

Sinundo si Prin sa eskwelahan ng sasakyan ni Cally. Akala niya ay naroon ang asawa niya sa loob ng sasakyan nito, ngunit nabigo lang siya na hindi ito nakita.

"Where is your Master?" Tanong niya sa chauffeur. 

"Nasa isang restaurant, Miss. Doon po kayo pinatutuloy ni Master." Sagot nito.

Ngisi lang ang naisagot ni Prin. She is excited to see her husband. 

Nagpatuloy lang siya sa pag-review hanggang sa huminto ang sinasakyan sa tapat ng isang Chinese restaurant. Mag-isa si Prin na lumabas ng kotse at tanging cellphone lang ang bitbit papasok sa loob ng chinese restaurant. 

"To reservation room B." Sabi niya sa receptionist. 

"This way po." Nagsimulang maglakad ang babae. Sumunod dito si Prin.

Nakita niya si Assistant Xander na hindi mapakali sa hallway. Base sa akto nito, sigurado na may hindi magandang nangyayari sa reservation room B.

"Anong nangyayari?" 

Nanlaki ang mata nito nang makita siya. Hindi nito sigurado kung maganda ba ang timing niya o hindi.

"M-miss Prin!" Kagat-kagat nito ang hinlalaki sa kamay. 

"Ma-mabuti pa Miss Prin uminom muna kayo ng tubig sa main hall… tingin ko po nauuhaw kayo" Payo nito.

Naghinala agad si Prin na may hindi magandang nagaganap. Pwede kasi siya nitong painumin ng tubig sa reserved room. Bakit kailangan niyang bumalik sa main hall? 

"Anong meron sa loob?"

"Wala Miss Prin, hindi lang tapos ang meeting" katwiran nito.

"Ahhh okay" tinalikuran niya si Xander at nagsimulang ipakita dito na pabalik na siya. Nang mapansin niya na nakampante si Xander, umikot si Prin muli at mabilis na nabuksan ang pintuan ng Room B.

Kumunot ang noo niya sa nakita. Si Cally at si Luna lang sa loob, wala na ang iba pang kasama ng mga ito. Sakto ang pagbukas niya ng pintuan sa pagbuhos ni Cally ng tubig sa mukha ni Luna.

Lumingon sa kanya si Luna na halatang natatakot. Kita niya na nakabukas ang ilang butones sa blusa nito, sakto lang na nakalitaw ang cleavage at Bra nito.

Ang unang reaksyon ni Prin ay takbuhin si Cally at ipiring ang mata gamit ang dalawang palad niya. 

"Husbie, close your eyes! Come on! close your eyes!" Utos niya kay Cally kahit pa tinakpan na niya ang mata nito.

"Mabuti pa na lumabas ka na dahil dumating na ang asawa ko. Pakisabi nga pala kay Mayor na hindi makakalusot sa akin itong ginawa niyo." Banta ni Cally kay Luna habang nakapiring ang mata. 

Takot na takot ang hitsura ni Luna. Si Xander sa labas ay hindi alam ang gagawin. Nagpasalamat na lang siya at mukhang hindi naman galit si Prin sa nakita nito. 

Iyon nga lang, kakaiba magbanta ang master niya sa oras na iyon dahil nasa likod nito ang asawa at pinipiringan ang mata. 

Kakaiba sa mga paraan ng banta ni Cally sa mga nakalipas. 

Tinawag ni Xander si Luna. "Miss Luna, mabuti pa na ayusin mo na ang sarili mo at umuwi ka na"