Chapter 63 - Failed attempt

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nagpunta si Cally sa chinese restaurant dahil kailangan niyang umattend doon bilang suporta sa Pelikula. Iyon ang sinimulan ng lolo niya na si Master Han kaya isa ito sa magaling na businessman dahil pinahahalagahan nito ang mga empleyado at tao sa opisina.

Mula sa mga Board of Directors hanggang sa pinaka-maliit na trabaho ay mahalaga sa Pamilya nila. 

Binati siya ng Drektor, Managers at kung sinu-sino pa nang pumasok siya sa kwarto na pinareserba ng opisina para sa meeting na iyon.. 

Maayos naman ang lahat at wala siyang napapansin na kakaiba bukod kay Luna. Hindi kasi akalain ni Cally na makikita niya sa lugar ang babae. 

Panay puri ng Direktor sa babae na siyang pinaghinalaan niya. Akala siguro ng Direktor ay pumapatol siya sa kung kani-kanino lang. Dalawang buwan pa lang siya nang magbalik sa opisina at hindi naman bago sa kanya ang akto ng Direktor. 

Ang pagkakaiba nga lang sa akto nito sa iba ay masyado kung pabanguhin ng direktor ang pangalan ni Luna sa kanya. Mukhang hindi nito naiintindihan na hindi lang siya basta isang businessman, alam niya kung kailan masama ang intensyon ng isang tao at basura para kay Cally ang mga sinasabi nito. 

Sikreto siyang nagpadala ng mensahe kay Zuki para mabilisan nito na madiskubre ang lahat. 

[I need answers as soon as possible] ito ang ipinadala niyang mensahe kay Zuki.

Sakto na natapos ang afternoon tea sa mga staff nang makatanggap si Cally ng mensahe mula kay Zuki. Ayon dito, isang kahina-hinalang transaksyon na nagkakahalaga ng kalahating milyon ang natanggap ng Direktor at nanggaling ang pera mula sa opisina ng Mayor. 

Nakaramdam ng suklam si Cally nang mabasa niya iyon. 

[Gather all the evidence] pinadala niya kay Zuki. When he said 'all', he meant all. Pinahahanap niya ang lahat ng transaksyon ng Mayor na ikababagsak nito. 

Sinusubukan talaga siya ng Mayor. Binigyan niya ito ng pagkakataon nang nakaraang linggo pero mukhang ipapain pa nito ang anak sa kanya. Hindi lang iyon, ginagamit pa nito ang pera na hindi naman nito pag-aari.

Isang kasuklam-suklam na gawain para kay Cally. 

Si Luna naman ay hindi makapaniwala na parang hangin lang siya sa mata ni Cally. Nagsuot siya ng s.e.xy pero sakto lang na magmumukha pa rin siyang mahinhin sa mata nito. 

Nang makita niya si Cally, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipusta ang lahat sa hapon na iyon. Hindi lang dahil sa kagustuhan ng Daddy niya, kun'di gusto niya mismo. 

Sa palagay ni Luna, ang presidente ang pinaka-angat sa lahat ng lalaking nakita niya.

Kahit sinong babae ay mabibighani kay Cally. Aral at may sinasabi ang bawat pagkilos nito. Ni isang kurap ay hindi niya magawa sa harapan ni Cally. 

Nainis lalo siya kay Prin. Kung sana ay mas nauna niyang nakilala si Cally, malamang na siya ang nasa tabi ng lalaki. 

Nagpaalam na ang ibang crew sa meeting. Naiwan ang Direktor at si Luna. Pinilit ni Cally na magpaka-cool sa harapan ng dalawa.

"Direktor, you wait outside." utos niya dito.

Abot hanggang tainga naman ang pagkakangiti ng Direktor hanggang sa makalabas siya. Iniisip niya na mukhang kinagat ni Cally ang pain niya. Usapan nila ng Mayor na kapag nagtagumpay ang plano nito, ibibigay nito ang kalahating milyon pa. 

Sino ang hindi tatanggi sa pera? 

Bumungad sa Direktor si Assistant Xander sa hallway at inabot sa kanya ang isang tseke. 

"Ito na ang huling araw  mo sa opisina, Tanggapin mo rin ito bilang huling sweldo mo. Salamat" pagbibigay-alam ni Xander.

Nanlaki ang mata ng Direktor. "A-assistant Xander, ano pong ibig sabihin --?"

Umismid lang si Xander. "Alam mo ang ginawa mo kaya hindi na ako magpapaliwanag." 

Matapos nitong sabihin ang bagay na iyon ay hindi na siya pinansin. 

Parang maiiyak naman ang Direktor nang makita ang laman ng Tseke. Limang daan? Ang kotse na gamit niya ay pag-aari ng MGM. Kaya parang binayaran lang ni Cally ang pang-taxi niya, sabihin na umuwi na siya sa bahay at huwag nang bumalik sa opisina.

Sa loob ng kwarto, nakangiti si Luna na lalapit sana kay Cally pero pinukulan siya ng lalaki ng matalim na tingin. Kinilabutan siya sa tingin pa lang nito.

Napalunok si Luna pero hindi siya tumigil. Sinimulan niyang tanggalin isa-isa ang butones ng blusa niya. 

"M-master, maybe we can.. You know" tinangka ni Luna na lapitan ang lalaki.

"Huwag kang lumapit sa akin, kung hindi ay baka itapon kita sa bangin" banta ni Cally. 

Napahiya si Luna. pero sinubukan niya pa rin na tumayo para lapitan ito. Kinuha ni Cally ang kopita nito ng tubig at itinapon sa mukha ng babae. Iyon ang nabungaran ni Prin.

Nakaramdam ng lunod at lamig si Luna. Kasabay ng takot sa lalaki. 

Agad naman lumapit si Prin sa asawa niya at tinakpan ang mata nito. Naaliw  si Cally sa kinilos ni Prin pero pinilit pa rin niya ang sarili na takutin ang babae. 

"Miss Luna, wala ka bang nadinig sa sinabi ko? halika na!" sabi dito ni Xander.

Nang tuluyan na makalabas si Luna, doon lang tinanggal ni Prin ang piring sa mata ni Cally.

"Anong nangyari? My golly! Ganoon na ba ang fashion sa Pilipinas ngayon? Kailangan nakalitaw na ang bra?" 

Cally "..." 

Xander "..."