Chapter 64 - Polluted eyesight

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Natatakot si Luna matapos lumabas ng restaurant. Hindi niya matanggap ang nangyari. Anak siya ng Mayor na isa sa mga malalaking syudad sa bansa kaya hindi niya matanggap na hiniya siya ni Cally Han. 

Kasalanan ito ng Prin na iyon! Malamang kung anu-ano ang sinabi nito kay Cally. Hindi siya papayag na alipustahin ng kung sino. 

Hiyang hiya siya na ginawa niya pa ang halos maghubad sa harapan ng lalaki, pero hindi man lang siya nito binigyan ng halaga o kahit ang mukha niya bilang anak ng Mayor. 

Sinira niya ang ibang parte ng damit niya at saka tumuloy sa loob ng bahay nila. 

Umiiyak si Luna na pumasok ng bahay. Agad niyang niyakap si Mayor na kasalukuyang nag-hihintay ng magandang balita. 

"Huhuhu… Daddy…"

"What happened?" tanong ng Mayor. 

"Pinagsamantalahan ako ni Cally." patuloy lang sa pag-iyak si Luna. 

Natuwa naman ang Mayor. Si Luna ay isang mabait na anak sa paningin niya. Kaya kahit pa gumawa ito ng kalokohan na ipadukot ang anak ni Rob Matsui ay naniniwala ito na hindi magsisinungaling si Luna. 

Sa tingin ni Mayor ay may hindi talaga maayos na pagkakaunawaan sa nangyari na iyon. 

"Okay lang iyan anak! Kakausapin ko si Master Cloud at hihingi ako sa kanya ng tulong para panagutan ka ni Cally." 

"Pero Dad, paano kung hindi nila pagbigyan ang hiling mo." 

"Luna, nakalimutan mo ba na Mayor ako. Kung hindi nila tayo pananagutan, humanda sa 'kin ang Cally na iyan dahil sisiguraduhin ko na ilalabas ko sa media ang ginawa niya sa iyo." 

Nakuntento naman si Luna sa sagot ng Daddy niya. 

Tumuloy siya sa kwarto at naniniwala na sooner or later mapupunta rin sa kamay niya si Cally Han. 

=====

Kinabahan si Xander dahil inisip niya na baka nag-isip na ng masama si Prin sa naganap. Lumabas muna siya ng kwarto at iniwan si Prin at Cally sa reserved room.

Biglang hindi napakali si Prin. 

"What am I going to do?" bulong ni Prin sa sarili pero sakto lang para marinig ni Cally. 

Hinila ni Cally ang kamay niya at pinaupo siya sa binti nito. 

"Why?" tanong ni Cally. 

Tinitimbang ni Prin kung dapat ba niyang sabihin kay Cally ang nasa isip. Napakamot siya sa ulo. "Nothing… Sa tingin ko na-pollute iyong mata mo dahil nakakita ka ng b.o.o.b.s." nakayuko na sabi niya dito. 

Naaliw si Cally sa katwiran ni Prin. "hmm..? I didn't see anything."

"Are you sure?" tanong niya. Nakita niya ang dibdib ni Luna pati ang pulang bra ng babae. Imposible na hindi iyon nakita ni Cally. 

Nagdududa ang tingin na pinukol ni Prin kay Cally. 

"If that really concerns you, show me your b.o.o.b.s to purify my eyes."

Prin "..." 

"Com'on, show me." 

"I- I'm not gonna show you anything!" Nahihiya si Prin na nagtakip ng mukha. 

Natutuwa naman si Cally sa reaksyon niya. Naabutan na siya nito na inaakit ng ibang babae pero nagawa pa rin nito na mag-isip ng simple. 

Ang tanging ginawa lang ni Prin ay piringan ang mata niya at nag-aalala pa ito na baka nadumihan ng masama ang paningin niya. 

Her actions are unique. Kahit papaano ay nakakaaliw ang common sense ng asawa niya.

"Gusto mong kumain?" tanong ni Cally. 

"Sa bahay nalang." 

"Okay, Let's go home." aya ni Cally. 

"Wala ka nang gagawin?" 

"Wala na dito sa restaurant. Unless, you want to show your b.o.o.b.s" 

"Shut up… Masyado kang bully… l-last time, you only wanted a kiss. Bakit nag-u-upgrade ang mga gusto mo?" 

"Bakit? Ano ba ang gusto ko?" kunot-noo na tanong nito. 

Pulang-pula ang mukha ni Prin. "I don't want to talk to you!" tinangka niya nang tumayo para iwasan ito pero hinila muli siya pabalik sa kandungan at siniil ng halik sa labi.

Nilipad ng hangin ang diwa ni Prin. Hindi na nga nila namalayan na nagbukas ang pinto. 

They are kissing nang papasok sana sa loob si Xander para ipaalam na pinahatid nila sa crew si Luna. 

"ah Master ahm--" nanlaki ang mata nito at nagmadaling lumabas muli nang makita kung ano ang ginagawa ng mag-asawa sa loob. 

Ang hirap maging Assistant may 'psychological damage' sa pagkatao niya. 

Kanina lang ay natatakot siya na baka hindi magkasundo ang mag-asawa. Hindi pa man nagtatagal ang sampung minuto, gumagawa na ng kamilagruhan ang dalawa. Ito ang mga nasa isip ni Xander.