Chapter 65 - Dream guy

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pauwi na si Bella nang makasalubong niya ang dating nobyo sa daan. Hinawakan siya nito bigla sa braso. 

"Hey!" angil niya. 

"Babe, sorry na. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako pumatol sa iba e. Kung pumapayag ka lang sana na may mangyari sa atin. E'di sana walang iba." 

Nakaramdam ng pagkasuklam si Bella. Bakit ba ngayon niya lang nakita ang ugali ng lalaking nasa harapan niya? Tama ba na sa kanya pa isisi ang dahilan. 

"shut up! Bitiwan mo ko! May boyfriend na ako!" 

Ngumisi lang ang lalaki at humigpit ang hawak sa braso niya. "Ipakita mo muna sa akin ang kung sino man ang boyfriend mo na iyan! Ang bilis mo naman yata akong palitan. Hindi ako naniniwala na may iba ka agad." 

'Aba't!' Tiningnan niya ito ng pailalim.  She really felt disgusted.

"Ipapakita ko talaga sa iyo! Mas gwapo ng 'di hamak kaya na-inlove ako sa kanya. Lamang sa iyo ng sampung paligo!" 

Tumiim ang bagang nito. Hinigpitan pa lalo ang hawak sa braso niya. Akmang sasaktan muli siya nito pero tinuhod niya ang bayag nito. Iyon ang turo sa kanya ni Prin.

Namilipit sa sakit ang dati niyang nobyo. Binelatan niya lang ito saka tumakbo pauwi. 

Dahil hinahanapan siya nito ng boyfriend, sinimulan niyang maghanap sa internet. 'Handsome guy' ang nilagay niya sa search bar. 

Madami ang lumitaw na larawan ng kung sinu-sino. Karamihan ay celebrities. Ang hinahanap ni Bella ay yung tipo na hindi sikat, ma-appeal, matapang ang mukha para matakot ang walang hiya niya ng ex-boyfriend. Yung tunay na lalaki. 

Nakahiga na siya sa kama at inabot na siya ng gabi, wala pang pumapasa sa pamantayan niya ng tunay na lalaki. Matapos ang ilang oras, nakita rin niya sa wakas ang hinahanap. 

Pinagmasdan niya ang mukha ni kuyang pogi kahit naka-sideview ito ng bahagya. Makapal ang kilay, may pamatay na tingin, had an imposing - romanesque nose, at labi na para bang napakasarap i-kiss at kayumanggi ang kulay. overall mukhang papasa sa kategorya niya ng tunay na lalaki. 

Hanggang dibdib lang ang larawan kaya nakaramdam siya ng pagkadismaya. Sa tingin ni Bella, matangkad ang lalaki. Isang halimbawa ng tall, dark and handsome.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na ilagay ang larawan ng lalaki sa kanyang timeline. 'My new boyfriend. Goodnight my loves!' ang nilagay niya sa caption. 

How she wished na makita sa personal ang lalaking nasa larawan. 

=====

Patuloy na nagtatrabaho si Cally kahit nasa bahay. 

Nakayukyok lang si Prin sa braso niya na nasa ibabaw ng office table nito sa bahay at pinanonood ang seryosong mukha ni Cally na nasa kabilang bahagi ng mesa. 

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ni Cally sa kanya kahit pa nasa monitor ng laptop nito ang mga paningin at nagtitipa sa keyboard. 

"Gusto mo na bang lumabas ako?"  paninigurado ni Prin. 

Inangat ni Cally ang paningin sa kanya. "Hmm… Sit here para ma-inspire ako at bumilis ang trabaho ko para masamahan na rin kita matulog" pinagpag ni Cally ang binti. 

Nag-aatubili si Prin kung susunod kay Cally. "Gusto mo ba ako na ang magbuhat sa iyo?" 

Napatayo bigla si Prin at sumunod kay Cally. Umupo siya sa binti nito. Nagpatuloy si Cally sa pagtrabaho.

Hindi maiwasan na mapagmasdan niya ang ginagawa nito na nasa screen. Puro graphs at kung anu-ano na hindi niya naiintindihan. Isa lang ang sigurado siya sa ginagawa nito. Boring!

"What are those lines?" nasa isip ni Prin kung puro linya-linya lang pala ang ginagawa ni Cally pwedeng pwede siya na mag-apply sa MGM.

"Those blue lines represent MGM's revenues. Those red lines are expenditures. Huwag mo na ring alamin, I am sure you wouldn't understand" sagot ni Cally na napapailing.

Pinukulan niya ito ng masamang tingin. Sinuri niya pa ng mabuti ang chart para patunayan dito na naiintindihan niya rin ang ibig nitong sabihin. 

"3 thousand? Three thousand lang ang kita niyo?" 

Nagtaas ang kilay ni Cally. "What do you mean by three thousand lang?" 

Tinuro ni Prin ang mga numero. "This one" 

Pinitik ni Cally ang noo niya na agad niyang hinipo. 

"That is not three thousand, the chart is talking about billion. Do you see the word here? It says, in millions. Meaning lahat ng numero dito ay million. 3 thousand in a million, how much is it?" 

"Why would I care about that? Nandyan ka naman para intindihin" ang naging sagot ni Prin para makaiwas. Tulad ng inaasahan ni Cally, siguradong hindi nito naiintindihan. 

"Ang sabihin mo, hindi mo talaga nage-gets." napapailing si Cally sa kanya. 

Umirap lang si Prin. 

"By the way, kamusta ang school?" biglang tanong ni Cally. 

Naisip bigla ni Prin si Sean na sinimulan na naman siyang guluhin. Napakamot sa ulo si Prin at hindi makatingin kay Cally. 

"Akala ko ba bibilisan mo magtrabaho?" iwas niya dito. 

Too bad she is talking to Master Cally. Humalukipkip si Cally at pinag-aaralan ang mukha niya.

Kinuha nito ang Cellphone na nasa tabi ng laptop. Pinindot lang ang isang numero sa keypad. "Xander, please investigate what happened to your miss today." iyon lang ang sabi at binaba na nito ang tawag. 

Prin "...."

Sa sobrang bilis ni Cally, hindi man lang siya naka-alma.

Sinara ni Cally ang laptop nito at hinarap siya. "Hihintayin ko ba ang balita ni Xander."

"Well, wala namang iba bukod kay Sean. h-he gave me flowers and balloons." sabi niya.

Naging seryoso bigla si Cally. Mukhang kailangan niyang i-level up ang 'proteksyon' ni Prin.