Pawis na pawis ang lahat matapos mag-eensayo ang Dark Guards ng jiu jitsu. Nasa Senior Black Team na ang mga kasama ni Prin noon na si Kai ang pinuno at kada taon may mga nare-recruit na bagong trainees.
Hinihingal si Kai na umupo sa harap ng maliit nilang kubol. Dalawang tao ang lumapit sa kanya. Si Ana at si Tom na bagong miyembro na ang code ay MB002.
"Leader MB5!" sabay na sabi.
"Sige, ladies first." mungkahi ni Tom.
"Nah! You first." sabi ni Ana dito. Hindi naman ganoon ka-importante ang sasabihin niya kay Kai kaya nagpaubaya siya.
"Leader, May email kayo mula kay Shi Cally." pagbibigay-alam nito. Trabaho kasi ni Tom ang magmonitor sa emails nila.
Kumunot ang noo ni Kai. Bibihira na padalhan siya ng mensahe ng Master nila. Pwera na lang kung importante.
"Sige titingnan ko mamaya." sagot ni Kai. Hinarap naman nito si Ana.
"Ikaw naman, ano ang kailangan mo? Tsk! may bitbit ka na namang cellphone." kita sa mukha nito ang disgusto. Ayaw na ayaw kasi ni Kai na ipakita sa mga trainees ang mga cellphone ng mga Dark Guards lalo na sa training area bilang respeto na rin sa mga ito.
"Sorry Leader, na-excite lang ako. Itatanong ko lang kung bakit hindi mo sinasabi na may girlfriend ka na pala."
Tumaas ang kilay ni Kai. "Girlfriend?"
Tinapat ni Ana ang cellphone sa harap ng mukha niya. "Hindi ba ikaw 'to?" tinuro pa ang larawan.
[My new boyfriend. Goodnight my loves!] ang nakalagay sa caption. Picture niya iyon sa Profile nila sa Dark Guards. Paanong napunta iyon sa internet?
Naalala niya na parusa nga pala niya iyon kay Lorenz ng nakaraang buwan sa pustahan nilang dalawa. Ginamit ni Lorenz ang larawan niya at pinadala sa social group sa internet na 'Mr. Pogi'
Puro larawan ng kung sinu-sino ang nasa group na iyon. Gumanti lang talaga ito sa kanya dahil pinarusahan din ito ni Cally at ganuon din ang ginawa dito ng master nila.
Nagtaas ang kilay ni Kai. Sinuri niya ang profile pic ng babae. Naka-bun at may headband pa na bulaklakin ang nakapatong sa buhok nito na kulay light brown, bilugan ang mata na kumikinang na parang bituin, wala man lang eyebags, maganda, makinis ang mukha at ang kinaaayawan niya sa lahat --mukhang pabebe!
"Hindi ko siya kilala." simpleng sagot niya at binalik kay Ana ang cellphone.
"Ahem… Sigurado ka na hindi mo girlfriend 'to? Maganda 'yung babae." nakangisi na sabi ni Ana.
"Nah! Not interested."
=====
Patungo si Prin sa susunod na klase nang makasalubong niya ang Mommy Ginny niya. Napatunayan niya na mukhang hindi nagbibiro si Cally na magtuturo ito doon sa school nila. Mapagkakamalan ng kahit na sino na nasa trenta mahigit lang ang Mommy Ginny niya pero malapit na talaga itong mag-fifty.
"Mommy Ginny." masayang bati niya dito at nakipag-beso sa pisngi.
"Prin, how are you? Kamusta ang pag-aaral mo?" pangangamusta nito.
Napakamot sa ulo si Prin. Matatalino kasi ang mga anak nito kaya nakaramdam siya ng kaunting hiya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya 'belong' sa pamilya nito.
"Mommy Gin, Hindi po ako ganoon katalino pero pasado naman po ako. Everyday nagkikita kami ni Cally para mag-aral sa opisina niya." nakayukong kwento niya.
Ngumiti ito sa kanya. "Huwag ka nang mahiya." bigla itong tumawa.
"Look at your Dad and your Daddy Cloud, they were the most pasaway during our college days but look at them now. Your Dad owns hundreds of 'White Devil Bars' in the world. Your Daddy Cloud is the MGM chairman." tinapik siya nito sa balikat.
"Kaya wala kang dapat alalahanin, you are doing your best. Kung tutuusin hanga ako sa iyo, at the age of fourteen alam mo na agad ang pangarap mo sa buhay. And you are one of the best Dark Guards" kumindat pa ito sa kanya.
"You are doing great… Punta ka na sa klase mo at baka ma-late ka pa. Samahan mo ako na mag-shopping sa weekend ha."
Natuwa naman siya sa imbitasyon nito.
"Sure. Sige po"
"O siya, umuna ka na at may klase ka pa." sabi nito.
Nakangiti si Prin na nagpaalam. Bigla niyang namiss ang Mommy niya na nasa HongKong sa kasalukuyan dahil sa business.
Tumuloy siya sa klase, ang totoo ayaw niya sa klase niya na iyon dahil hindi niya gusto ang professor na mukhang manyak.
Iyon nga lang, ayaw niya na sabihin ni Cally na sumusuko siya sa mga klase kaya patuloy lang siyang pumapasok. Professor niya ang lalaki sa Literature subject na isa pa sa mga ayaw niya, si Mr. Torres.
Nababalitaan niya sa ibang estudyante na madalas manghipo ang lalaki na nasa edad kwarenta pataas ang edad. Wala pa naman ginagawa sa kanya ang lalaki kaya kalmado lang siya.
Saka subukan lang nito, hindi siya magdadalawang isip na pakainin ito ng whiteboard eraser.
Ito pa lang ang nasa isip ni Prin na hindi niya akalain na susubukin agad siya sa araw na iyon ni Mr. Torres.