Chapter 67 - Sicko Perv!

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos ang klase, pinatawag siya ni Mr Torres sa table sa bungad habang isa-isang nagsisilabasan ang mga kaklase niya.

"Kunin mo yung silya at umupo ka dito sa harap." sinunod naman niya ito. 

"Gusto kong ipaalam sa iyo na mababa ang grado mo." panimula nito. 

Nadismaya si Prin. Madalas kasi na puro subjects nito ang pinapaaral sa kanya ni Cally. "Naku Sir, ginagawa ko na po ang magreview."

Tinanggal nito ang salamin sa mata at tumayo mula sa kinauupuan. Lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat. 

"Alam mo Miss Matsui, pwede naman kitang ipasa..." sabi nito na pinilit na lambingan ang boses. Ang mga palad nito ay humagod mula balikat niya hanggang sa braso. 

Nakaramdam ng pandidiri si Prin sa ginawa nito.

"Kailangan mo nga lang galingan. Magkita tayo sa tapat ng isang motel mamayang gabi." nakangisi na sabi nito. Pinisil pa nito ng bahagya ang braso niya. 

Nag-init agad ang ulo ni Prin dahil sa ginawa ng Professor niya pero pinilit niya ang magpaka-cool. "Ano pong ibig niyong sabihin, Sir Torres"

"Ano pa nga ba, alam mo na iyon..." makahulugan na sabi. 

"Alam niyo Sir, may nadidinig na kasi ako tungkol sa inyo. Pasensya na po pero, hindi po ako payag." tanggi niya. 

"Miss Matsui, maganda ka. Tsk! Sigurado na sakto ang ganda mo sa manoy ko" diretsahang sabi nito.

Doon na tuluyan na hindi napigilan ni Prin ang sarili kaya inikot niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya at pinilipit iyon.

"Ahhh!" hiyaw nito.  May mga nakarinig na estudyante sa labas ng kwarto kaya sinilip sila ng mga ito.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Sinasaktan niya ako!" sabi nito sa mga estudyanteng nasa labas. Nagsipasukan naman ang mga ito para tulungan ang professor nila. 

"Huwag kayong lalapit!" banta niya sa mga ito.

"Prin, huwag mong saktan si Sir." hiling ng mga ito na gumilid at takot na lapitan siya. 

Hindi niya pinansin ang mga ito. 

"Alam niyo Sir, kulang pa yan!" singhal niya dito. Binali niya ang hinliliit ng daliri nito. Rinig ng lahat ang lagutok ng daliri ng Professor nila.

Nanlaki ang mata ng mga estudyante. 

Naisip ni Prin kung ilang babae na ang namolestya ng lalaki sa school kaya sa pananaw niya kulang pa ang hinliliit ng lalaki. Dapat niyang pantayan ang mga basag na buto ng daliri nito sa mga namolestyang babae.

Nabigla naman ang iba niyang kaeskwela kahit hindi alam ng mga ito ang nangyari. Tumawag ng guard ang mga ito. 

"Ahh saklolo! Saklolo!!!" hiyaw nito dahil nasa ikalawang daliri na nito ang binali ni Prin.

Tila demonyita ang hisura ni Prin ng mga oras na iyon. Hanggang sa dumating ang guard at ang Dean. Doon lang siya nahimasmasan kaya binitawan niya ang lalaki. 

"Miss Matsui, anong nangyari? Bakit ka nananakit ng Professor mo?" tanong ng Dean. 

"Sinaktan niya ako, Dean! Tingnan niyo masakit ang mga daliri ko. Nakita niyo? nakita niyo ang ginawa niya, di ba? Paalisin na sa school ang babaeng iyan!" 

Kilala siya ng Dean bilang asawa ni Cally kaya kalmado lang ito sa harapan niya. Lalo at naroon sa eskwelahan si Ginny na Mommy nito. 

"Miss Matsui, binibigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag." kalmadong sabi nito.

"Dean, huwag niyo nang alamin pa! Aw! aw !" sabi pa nito na tila nasasaktan sa nabaling mga daliri at hinihingi ang simpatya ng lahat ng tao sa paligid.

Nakaismid lang si Prin. "Tama lang iyan sa kanya, Dean" 

Napasinghap ang mga ka-eskwela niya. 

"Grabe, ang laki agad ng ulo niya!" 

"Siya na nga itong nakasakit, siya pa ang matapang" 

"Mukhang masakit ang ginawa niya kay Sir" ilan lang ito sa mga bulungan sa paligid. 

Napansin naman ni Mr. Torres ang reaksyon ng mga estudyante. Dinuro siya nito "tingnan mo Dean, kung gaano ka-walanghiya ang babaeng iyan." 

"Magtigil ka, Mr Torres! Kung ako sa iyo ay gugustuhin ko na magtigil!" singhal ng Dean.

"Kung ganoon dadalhin ko sa hukuman itong ginawa mo!" pananakot ni Mr. Torres

Isang bulto ang lumitaw mula sa pintuan at agad na lumapit sa kanya. "Anong nangyari, Prin?" Tanong ni Ginny. 

Narinig nito ang pangalan ni Prin na may sinasaktan na professor sa loob ng kwarto kaya bigla itong tumakbo papunta sa kalapit na classroom. 

Naluha naman si Prin nang makita ang Mommy Ginny niya. Nahiya kasi siya dito. Nag-aalala siya na baka isipin nito na pasaway siyang estudyante at daughter-in-law. Nagkita lang sila nito ilang oras ang nakalipas pero masama na agad ang pinakita niya.

"Sinaktan niya ako, Miss Ginny!" galit na sabi ni Mr. Torres. Kilala si Ginny ng mga professor doon at hanga sa kanya ang mga ito. Isa pa, asawa ito ni Master Cloud. 

"Anong dahilan kung bakit ka niya sinaktan?" usisa ni Ginny. 

Napatigil ito saglit. "Hindi ko alam sa kanya, pinag-uusapan lang namin ang grades niya tapos bigla niya akong sinaktan." pagsisinungaling ni Mr. Torres. Galit na galit ito. 

"Tatawag ako ng pulis, irereklamo kita dahil malinaw na pananakit ang ginawa mo!" dagdag pa nito. 

Tahimik lang si Prin na lumuluha.

"Sige, mabuti pa nga na tumawag ka ng pulis!" hamon ni Ginny. 

Kilala nito si Prin mula pa bata. Isa pa, may prinsipyo ang lahat ng Dark Guards at naniniwala si Ginny na hindi basta-basta mananakit ang daughter-in-law niya.