Chapter 68 - She harmed our school teacher

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nabigla si Mr Torres sa hamon dito ni Miss Ginny pero hindi nito pinahalata. Halata kay Mr. Torres na desidido ito na idemanda si Prin. Ilang saglit lang, hinimatay ito dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Prin sa dalawang daliri nito. 

"Ahhh--!" hindi mapigilan na mapatili ang ilan sa mga kaeskwela niya dahil sa bigla. 

Nagkagulo ang mga nasa loob at labas ng kwarto. 

"Dalhin niyo siya sa ospital." utos ng Dean sa mga estudyante at sa guard. Hinarap siya nito pagkatapos. 

"Miss Matsui, sumama ka sa akin sa opisina ko." 

Hinahagod naman ni Ginny ang likuran niya. "Come… Let's go sa office ng Dean. Sasamahan kita okay." 

Tumango lang si Prin. Tama ang ginawa niya kay Mr. Torres pero nakaramdam pa rin siya ng hiya sa harapan ng biyenan niya. 

Habang naglalakad patungong opisina ng Dean, kakaiba ang tingin sa kanya ng mga estudyante sa paligid. 

Ang iba ay nagtataas ng kilay. Ang iba ay nagtataka kung bakit kasama siya ng Dean. 

Sa classroom kung nasaan si Bella, nagtataka siya kung bakit wala pa si Prin sa klase.

"Classmates, please check at the school forum online. Prin was there again!" sigaw ng isa na kapapasok lang ng kwarto. 

Narinig ni Bella ang sinabi nito. Kinuha niya ang cellphone dahil na-intriga siya sa sinabi ng kaklase niya. She checked the School's online forum.

[PRIN MATSUI HARMED MR TORRES!!!] at may nakaakibat pa na larawan sa ibaba ng posted forum. Hawak ni Prin ang isang braso at daliri ni Mr. Torres sa larawan.

Ito ang post ng isang ka-eskwela nila na agad na kumalat hindi pa man lumilipas ang isang oras.  

"Oh my god! Anong nangyari? Bakit niya sinaktan si Mr. Torres?"

"Narinig ko na dinala siya sa opisina ng Dean!" 

"At saka dinala daw sa ospital si Mr. Torres. Bago pa lang si Prin pero andami niya ng kalokohan na ginawa dito sa school."

"Masyado kasing nagmamaganda"

Hindi napigilan ni Bella na magalit sa mga nadidinig. 

"Magsitigil nga kayo! Malamang may ginawa yang si Mr. Torres sa kanya!" nagagalit na sita niya sa mga ito. 

Lumabas siya para sundan si Prin sa opisina ng Dean. 

Si Bella ang nagkwento sa kaibigan ng mga nakalipas na araw na may mga minamanyak ang lalaki at isa siya sa mga muntikan ng maging biktima nito. Tinawagan niya lang ang Daddy niya noon at nagpasundo siya sa sa school. Matapos iyon, iniwasan niya na ang Mr. Torres na iyon.

Sa opisina ni Dean, Kinausap nito at ni Ginny si Prin kung ano ang talagang nangyari.

"Kasi po Dean, sinubukan niya po ako na pagsamantalahan. Sinabihan niya po ako na mababa ang Grades ko na pwede naman pong tumaas kung papayag ako na makipagtalik sa kanya" nakayukong kwento ni Prin.

Nabigla naman si Ginny sa sinabi niya. Tahimik lang ang Dean. Naririnig niya lang mula sa iba na may ginagawa ngang kabastusan si Mr Torres sa mga estudyante nito pero kapag tinatanong naman niya ang mga estudyante na kasangkot, pilit na tumatanggi ang mga ito na magsalita. 

"Kung ganoon kulang pa ang ginawa mo sa kanya! Dapat binali mo pati daliri sa paa" galit na sabi ni Ginny.

"Kaya ka ba naiyak ay dahil natatakot ka na idedemanda ni Mr. Torres? Huwag kang matakot" sabi ng Dean.

"Hindi po ako natatakot Dean. Hindi po iyon ang dahilan kung bakit ako naiyak." Tumingin siya kay Ginny. "Nahihiya po ako kay Mommy Ginny, kaya ako naiyak" 

Natouch naman ito sa sagot niya. Niyakap siya nito. 

"Wala kang dapat ika-hiya sa akin… Dean, iuuwi ko na po si Prin." paalam ni Ginny.

"Mabuti pa nga Miss Ginny" huminga ito ng malalim. "Prin, nakahanda ka ba kung sakaling idedemanda ka niya?" tanong nito.

"Nakahanda po ako Dean." sabi ni Prin. Sa pananaw niya, wala siyang maling ginawa. Lumaban lang siya bilang babae. 

Lumabas na sila ng opisina nito. Nabigla si Prin na napakadaming estudyante sa labas ng opisina ng Dean. Mukhang nakikiusyoso ang mga ito sa kanya.

Nakita niya si Bella na nasa bungad pati si Sean na nasa isang gilid. 

"Why are all of you here? Hala! Balik sa Klase!" Sita ng Dean. Agad na nagsipag-alisan ang mga ito dahil sa takot. 

Lumapit agad sa kanya si Bella at hindi pinansin and Dean kahit pa natatakot din ito. 

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. 

"Okay lang ako. May klase tayo ah. Bakit nandito ka? Tumuloy ka na sa klase. I am okay" 

"Basahin mo ang school forum. Chat with you later" sabi lang nito saka nagpaalam na babalik na din sa klase, lalo at masama ang tingin ng Dean kay Bella. 

Si Ginny naman at si Prin ay nagpatuloy na sa paglakad hanggang Parking. Pero hindi akalain ni Prin na makikita doon si Cally na naghihintay sa tapat ng sasakyan nito.