Chapter 71 - The Man in the Photo

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
[Feibulous :May pagkamaselan po ang isang parte sa chapter na ito, kaya  kung kayo po ay nasaktan o hindi komportable, humihingi na po ako ng pasensya] 

Matalim at pailalim ang tingin na binibigay ni Cally kay Mr. Torres. 

"Too bad you messed with my girl. What exactly did you say to Miss Matsui?" tanong ni Cally. 

Nakausap ni Xander ang ilan sa mga biktima ni Mr Torres at halos pare-parehas ang sinabi nito sa lahat ng mga estudyante nito. Kaya kahit hindi pa alamin ni Cally kung ano ang sinabi nito kay Prin, may ideya na ang Master niya. 

Hindi sumagot si Mr. Torres dahil sa takot. Just what kind of person is the man in front of him? What kind of person is Miss Matsui? 

"Sorry… I thought she was simple. Hindi ko na... uulitin" 

"Talagang hindi ka na uulit." makahulugan na sabi ni Cally. 

Nakuha naman nito agad ang ibig sabihin ni Cally. Hindi na makita sa awra niya ang mukhang matalino at matapang na Professor. Takot at pagkailang ang awra nito sa harap ni Cally.

Pinainom ito ng pampatulog ni Mrs Torres saka ito pinutulan ng ari dahil sa sobrang galit. Hindi lang kasi mga estudyante ang lumitaw sa imbestigasyon ni Xander. Pati ang pamangkin ni Mrs Torres ay hindi pinalagpas ng lalaki. 

Ang grupo ni Zuki ang tumulong naman para itali ang lalaki sa isang puno habang walang itong malay. 

"See you in court then." huling banta ni Cally.

=====

Nang mabalitaan ng buong eskwelahan ang nangyari kay Mr. Torres bigla silang nakaramdam ng hiya kay Prin. Kumalat kasi sa mga dyaryo at online news ang ginawa na katarantaduhan ng Professor nila.

Sobrang detalyado ang mga nasa balita, hindi nilabas sa publiko ang mga pangalan ng mga biktima dahil mga bata pa ang mga ito. 

Nalaman na din sa wakas ang dahilan kung bakit ito sinaktan ni Prin. Kanya-kanyang pasensya ang lahat ng estudyante sa kanya. 

Habang hindi pa nagsisimula ang klase, nilapitan si Prin ng mga kaklase niya. Binigyan siya ng kung anu-ano. Tulad ng lipstick, wallet, gift card, burger at juice. 

"Humihingi kami ng sorry, Prin... Masyado kaming nagpaniwala sa mga nakita at nabasa namin. Sorry…" sabi ng isa sa mga nagbigay sa kanya ng regalo.

Isang tipid na ngiti lang ang naisagot niya. Natutuwa si Prin dahil bukod sa nasagot ang isyu, may mga nakukuha pa siya na libreng regalo. 

Nang dumating ang hapon...

"Prin, someone is looking for you outside" pagbibigay-alam ng kaklase niya. 

Nagtaka si Prin. Wala kasi siyang ibang kaibigan sa school bukod kay Bella na nasa tabi niya. Kung si Sean muli ang bisita, bibigyan niya na ng isang malakas na upper cut ang lalaki dahil masyado nitong ginagalingan ang pang-i-stalk nito.

Nangingiti naman si Bella at iniisip na baka si Cally ang naghahanap kaya sumunod ito sa kanya sa pintuan.

Nabigla si Prin na makita si Kai na nakasandal sa gilid ng pinto. "MB5?! woi!Ahhh!!!" Agad siyang yumakap dito. Natuwa siya na makakita ng Dark Guard kahit pa nagtataka siya kung bakit ito nasa loob ng eskwelahan nila.

"Hey! 'wag masyado malapit sa akin!" Sita nito. Kapag nalaman ni Cally kung paano ito dumikit sa kanya, ewan na lang niya.

Nagulat siya kung anong klaseng email ang sinabi sa kanya ni Tom, iyon pala pababantayan sa kanya ni Cally ang asawa nito. Gusto niyang magprotesta pero wala siyang magawa. 

Kailan pa nangyari na magbantay ang isang Dark Guard sa kapwa Dark Guard? Ang pinaka-ayaw niya pa sa lahat ay kailangan na mag-enrol din siya doon sa school ni Prin para magawa ng maayos ang mission niya. 

Habang nag-iisip, doon niya lang napansin ang babaeng nakasunod kay Prin.

"Anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ni Prin. 

Hindi sumagot si Kai dahil sinusuri nito ang babae na nakanganga sa likod ni Prin. Sa personal ay mas maliit ang babae. Nasa limang talampakan lang ito at dalawang pulgada kung tatanggalin ang heels na suot nito. Katulad ng nasa larawan, makinis ang mukha at kumikinang ang mata. Nakaayos ang bangs nito at naka headband na puro puso ang disenyo. Nakasuot ng pulang blusa at jeans na palda na sakto lang ang haba sa pamantayan ni Kai, hindi malandi, at hindi pa-manang. 

Natulala si Bella na makita sa harapan ang aktwal na lalaki na ginamit niya bilang boyfriend. Hindi napigilan na mapanganga siya. Mas gwapo kasi ang lalaki sa personal kumpara sa larawan. Napalunok si Bella dahil sobrang gwapo ni kuyang pogi sa personal. 

Ngumisi ito sa kanya na ikinapula ng pisngi niya.

"Tingnan mo nga naman o at napakaliit ng mundo." sabi ni Kai.

"No! No! That's not me! I am not the one who used your photo as my boyfriend" pilit na tanggi ni Bella. 

Huli na ng maisip niya na nahuli siya sa sarili niyang dila.  Bigla niyang pinukpok ang sariling ulo.