Chapter 72 - Conceited Sean

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakagat ni Bella ang labi niya dahil sa sobrang kadaldalan. 

"Huh? ginamit mo ang picture ni Leader MB5 bilang boyfriend mo?" hindi makapaniwala na tanong ni Prin.

"MB5?" ulit at tanong ni Bella. 

Tinuro ni Prin si Kai. "This guy? Oh! Sorry, he is Kai Jeon Jang" pakilala ni Prin.

Biglang natutop ni Bella ang bibig nito at halatang nagpipigil ng tawa nang madinig ang buong pangalan ni Kai "Pfft!"

Ilang segundo lang, hindi nito kinaya at bigla na lang bumunghalit ng tawa. 

Nakaramdam ng inis si Kai. Ginamit na nga nito ang larawan niya, malakas pa ang loob na pagtawanan siya. 

Akmang lalapitan niya ito upang turuan ng leksyon ngunit pinigilan ni Prin. 

"Hep! hep!" hinarang niya ang katawan kay Kai. 

Parang balewala naman kay Bella. Patuloy lang ito sa pagtawa. 

"Are you done?" inis na tanong ni Kai. 

"Ha Ha Ha! Sorry…" maluha-luhang paghingi ng tawad ni Bella. Pinunasan pa niya ang namuong luha. 

Seryoso lang si Kai at binalingan siya. "Kaibigan mo ba ito? Sinungaling na nga, ako pa pinagtawanan. No wonder na pabantayan ka ni Cally! Tingin ko, isa ang babaeng ito sa mga dahilan. Kaya payong kaibigan, layuan mo 'to" sabi habang turo si Bela. 

Nag-init ang ulo ni Bella. "Hoy Mr. Kai Jeon Jang! Hindi ako masamang kaibigan--!" 

"Bella, 'yan yung bago mong boyfriend' di ba?" sabi ng kaklase niya na papasok sa parehas na classroom. 

Doon lang napansin ni Bella na madaming estudyante sa paligid nila dahil kinikilig ang mga ito kay Kai. 

Dumilim na naman ang tingin ni Kai nang tanungin kung siya ba ang boyfriend ng maliit na babae. 

"Hindi--" naputol ang sasabihin dapat nito dahil mabilis na lumapit si Bella para takpan ang bibig ni Kai. Nabigla si Kai sa pagkilos. 

"Yes, schoolmate, classmate and everyone. H-He is my boyfriend!" nakangiwing sabi ni Bella. 

Tumaas naman ang kilay ni Prin. 

Dumating ang guro nila sa oras na iyon kaya nagsipasukan na sa loob ang mga kaklase nila na nakikiusyoso. 

"Talk to you later!" paalam ni Prin kay Kai saka hinila na si Bella sa loob ng kwarto. 

Ang ibang estudyante ay nanatili sa harapan ni Kai. Wala namang pakialam ang lalaki at nakahalukipkip lang na maghihintay kay Prin na nakasandal sa pader. 

Binigyan ni Prin ng papel si Bella sa tabi niya  dahil wala siyang naintindihan sa usapan nito at ni Kai. 

[please explain.]

Sa gilid ng mata ay nakikita niya na nagsusulat ito. 

[Ikaw ang dapat mag-explain kung bakit hindi mo alam. Are you not following me on my social media account?] sagot nito sa papel na pasimple niyang inabot habang nagka-klase. 

Napakamot siya sa ulo dahil guilty siya. Bihira kasi siyang magbrowse sa social media. 

Hindi na muna siya sumagot sa kaibigan at nakinig sa presentation ng Professor nila. 

Si Kai na nag-aabang ay hindi makapaniwala sa misyon niya. Nakapikit lang siya habang naka-sandal sa pader at pinakikiramdaman ang paligid. Ilang oras ang lumipas na ganoon lang ang ginawa niya. 

Alam ni Kai na may mga babae na nakaupo na sa harapan niya kahit nakapikit pa siya. 

Napapaisip tuloy siya kung anong klaseng eskwelahan itong pinapasukan ni Prin. Parang walang disiplina. May sinungaling, may bulakbol sa klase. 

Lihim siyang naiinis dahil kailangan niya pang mag-aral sa eskwelahan na iyon.

Tila nasa dreamland ang limang babae na pinagmamasdan si Kai na nakapikit. 

Nakita siya ng grupo ni Sean habang naglalaro ng Football. Lima rin sila na nagpa-praktis ng mga oras na iyon. 

"Pre, mukhang may bagong Mr Pogi dito sa school natin a'." Tudyo nito kay Sean. 

Umismid lang ang lalaki. Kinuha ni Sean ang bola at sinipa ng malakas sa direksyon ng nakapikit na si Kai. 

"Hindi ka na pogi ngayon!!!" sigaw pa nito habang sinipa ang bola. 

Naramdaman ni Kai ang pressure ng papalapit na bola. 

Nagulat na lang ang lahat ng nakatitig sa kanya nang biglang inipit niya ang bola ng dalawang kamay. 

Hindi man lang sumayad sa mukha ni Kai ang bagay na iyon. Inikot niya ang tingin kung saan galing ang bola at nakita ang grupo ni Sean.

Napangisi si Kai ng nakakaloko. Hinagis niya sa ere ang bola, kasabay ng pagtalon ng pagkataas-taas at saka sinipa pabalik sa mga ito ang bola. 

Sa sobrang bilis ng tira niya ay hindi nakakilos ang limang lalaki. Tinamaan ang isa sa tiyan. Napaatras ito at nadamay ang dalawa pa. 

'Fuuu*k!' mura ni Sean at agad na nagtama ang mata nila ni Kai na kasalukuyang nakangisi. 

Hindi naman napigilan ng mga babaeng nangangarap sa harapan niya ang mapalakpak, mapatili at makiusap kung pwedeng magpa-picture. 

"Kuya, celebrity ka noh! Kamukha mo si Sehun ng Exo. Hindi ba ikaw iyon?" sabi ng isang babae. 

"Gaga! Macho si Kuya. Hindi iyon ang kamukha niya kun'di si Wallace Huo" 

Nagsilapitan pa sa kanya lalo ang mga ito. Ayaw na ayaw ni Kai ng mga ganoong babae. Sa gigil niya, sinuntok niya ang pader. Kita agad ng mga ito na nag-crack ang pader. 

Nakaramdam ng takot ang mga ito at mabilis na nagsipag-alisan.