Chapter 74 - Cloud Han summoned him

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pinatawag si Cally ng Daddy niya sa opisina nito kaya naroon siya sa Building B ng MGM kung saan niya ito matatagpuan. 

He met his Mom sa elevator habang paakyat sa palapag kung nasaan ang opisina ng Chairman. 

"Ma, hindi ka ba pinapagod ni Daddy? Busy ka na sa bahay, nagtuturo ka pa sa school tapos kailangan mo pang magpunta dito." nag-aalala na sabi niya. 

Halata naman na hindi pagod ang Mommy niya at mukha pa ngang energetic kumpara sa iba na nagtatrabaho doon. Hindi niya lang talaga maiwasan na mag-alala. 

Makahulugan ang ngiti ng Mommy niya. "Nag-aalala ka sa akin pero kay Prin, hindi? Imagine your wife… Busy rin sa bahay sa pag-asikaso sa 'yo, nag-aaral sa school tapos kailangan din na puntahan ka dito sa opisina to continue your 'love session'." sabi na hindi nawawala ang matamis na ngiti. 

"Tsk tsk! What's strange is that you also have this clueless expression around your face. Yes my dear! Namana mo sa Daddy mo ang pagiging possessive niya with his wife." napapailing si Ginny. 

"By the way babyboy, your Dad and I will be going to Africa this weekend. Pababantayan ko sa inyo yung kambal. Sa bahay mo muna sila." 

Tatangihan sana ni Cally pero inunahan na siya nito agad. 

"Oh look! We are here!" sabi nito saka lumabas ng elevator. 

'Damn!' hindi na siya nakatanggi dahil umiwas agad ang Mommy niya. Ibig sabihin ay wala siyang choice kung hindi ang patuluyin ang dalawang kapatid sa bahay. 

Nakasunod lang siya sa Mommy niya na lumabas ng elevator. 

"Hello Drake, tapos na ang meeting ng Master mo?" tanong ni Ginny pagkalapit sa table ng Assistant ng Daddy niya. 

"Yes, Miss Gin. Tuloy na lang po kayo sa loob" 

Sa hindi malaman na dahilan, ramdam ni Cally na mukhang hindi maganda ang balita ni Master Cloud. 

Tumuloy sila ni Ginny na pumasok sa loob. Inangat agad ng Daddy niya ang mukha nito mula sa binabasang mga dokumento nang marinig nito ang pagbukas pintuan. 

Lumapit ang Mommy niya dito at hinalikan ito sa pisngi. "Cloud Han, bakit nakasimangot 'yang mukha mo? I'll get you some water mukhang pagod ka na sa trabaho"

Kinuha ni Ginny ang tasa na nasa gilid ng malapad na office table, lumayo muna ito at sinalinan ng tubig mula sa water dispenser na nasa loob ng kwarto. Seryoso ang Daddy niya na nakatingin lang sa kanya. 

"Why are you calling me Dad?" tanong ni Cally. Sigurado na importante ang kailangan nito base lang sa ekspresyon na binibigay nito sa kanya. 

"I asked you to come here because of Mayor Villanueva." panimula ni Cloud Han.

Halata agad na hindi siya interesado na marinig kahit ang pangalan ng Mayor. 

"Ilang beses na siyang pabalik-balik dito sa opisina at humihingi ng oras na makausap ako. He said you did something to her daughter." 

"Pft!" naibuga ng mommy niya ang tubig na iniinom nito sa kasalukuyan.

Nabigla si Cally sa impormasyon ng Daddy niya. Akala niya ay wala na sa eksena ang Mayor na iyon, hindi niya akalain na hindi pa pala tapos ang panggugulo nito sa kanya.

"Ano ang kwento niya?" halatang iritable at kaunting pagkabalewala kay Cally ang narinig. 

"Wait there Cloud Han! and you actually believed it?" tanong ni Ginny na kababalik lang sa table. Ibinagsag nito ang tasa na may tubig. 

"Just to clarify, hindi ako naniniwala doon. I just called your son so he can do something about it and to know what exactly happened  during that afternoon." 

Alam ng Dad niya na pinatanggal niya sa trabaho ang direktor ng binubuo nilang pelikula dahil nakipag-sabwatan ito sa Mayor. 

"Her daughter said you molested her." 

Tumiim ang bagang ni Cally. Mukhang hindi siya titigilan ng babaeng iyon. 

"Mabuti pa Dad, huwag mo nang pansinin pa ang mag-ama na iyon. Prin was there because I invited her. I can also provide a video for whatever happened in that room. That girl sucks, ni dulo ng daliri niya ay hindi nakalapit sa akin even if she tried to seduce me."

"Good. Posible kasi na madamay ang kumpanya kaya kita pinapunta dito. Alam mo naman kung gaano ka-tuso ang Mayor na iyon. It's not surprising kung ilabas niya sa publiko that you r.a.p.ed her daughter or something…" paliwanag ni Cloud.

"You already knew that she did something to Prin. I am gathering evidence for all of his criminal activities. Hihintayin ko na lang ang kung ano ang gagawin ng Mayor na iyon at sisiguraduhin ko na babalikan ko siya ng sampung beses."

"ngayon pa lang ay sasabihin ko na Dad na madadamay talaga ang stocks ng kumpanya but I'll make sure to doubled the income afterwards" makahulugan na sabi ni Cally.