Chapter 75 - Ana's Gift

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"By the way Kai, can you tell me kung bakit ka nandito sa Pilipinas?" interesadong tanong ni Prin. Nag-excuse si Bella na magpupunta muna ng restroom.

"To simply monitor you. Your husband asked me to enrol in that stupid school." tinuro nito ang school sa tapat. 

"Sabi niya sa 'kin bantayan kitang mabuti dahil may makulit kang manliligaw at saka may manyak na Professor." 

Natahimik si Prin. Hindi niya akalain na pababantayan siya ni Cally. Naawa siya bigla sa lalaki. 

Sa isang banda, may ideya siya kung ano ang dahilan at kung bakit ito ang magbabantay sa kanya. Bukod kasi sa malakas at magaling si Kai, mayaman at gwapo din ang lalaki. Tingin niya gusto lang ipamukha ni Cally kay Sean na wala talaga itong sinasabi. 

"Hindi mo naman kailangan na bantayan ako. Wala na ang manyak na Professor na sinasabi mo." Naisip niya na mahirap para kay Kai na umalis ng Camp at iwan ang trainees doon.  

"Huwag kang mag-alala, gagawin kong makulay ang buhay mo dito sa Maynila. We can play basketball, bolleyball, tennis and so on." sabi niya.

Napansin niya na mukhang nakuntento naman si Kai nang mabanggit ang mga laro na gustong-gusto nito. Sakto na nakabalik si Bella sa pwesto nila. 

Halatang nag-retouch ng pulbo at lipstick ang kaibigan niya kaya ito natagalan. Nilipat ni Kai ang tingin kay Bella at huminto ang tingin nito dito. 

"Bakit? Nagagandahan ka sa akin noh?!" niliyad nito ang dibdib at tila nanghahamon ng away.

Hindi naman makapaniwala ang hitsura ni Kai. Napapailing at tinuro nito ang gilid ng labi ni Bella. Namula agad ang pisngi nito. Akala kasi ni Bella ay nanghihingi ng kiss ang lalaki. 

"Tsk!" inis ni Kai. 

Lumapit siya kay Bella para punasan ang lumagpas na lipstick sa labi nito. "I just don't get it. Bakit kailangan mo pang mag-lipstick kung lagpas-lagpas naman?"

Natigil si Bella sa pagkilos nang sumayad ang hinlalaki ng lalaki sa gilid ng labi niya. Ang lapit pa ng mukha nito habang tinatanggal ang pink na lipstick doon.  

"Ehem! Sa susunod, magpasintabi muna kayo ha. Pakiramdam ko ay third wheel ako dito." nakangising sabi ni Prin. 

Hindi nawawala ang pagkapula ng pisngi ni Bella. Doon lang naisip ni Kai kung ano ang ginawa niya. Inilayo niya agad ang kanang kamay kay Bella. Binalik niya ang tingin kay Prin at tila balewala ang kung ano ang ginawa niya. 

"May regalo ka pala mula kay GW10, hinatid ko sa bahay niyo kanina" pag-iiba nito sa usapan.

Biglang na-excite si Prin. "Talaga?" naalala niya na may pangako nga palang regalo ang kaibigan na si Ana. 

"Yes. Hindi ako sigurado kung ano ang laman ng box. Isang kahon iyon." 

Naputol sila sa usapan nang mag-ring ang cellphone ni Prin. Tumatawag si Cally. Nagliwanag agad ang mata ni Prin. 

"Yes, Husbie?" 

"Where are you? Nandito ako sa tapat ng school. Sa bahay na tayo mag-aral." sabi nito sa kabilang linya. 

"Okay… Kasama ko si Kai at si Bella. Nandito ako sa tapat na Bubble tea House. Lalabas na ako." 

Tiningnan ni Prin ang dalawa. 

"Pakihatid si Bella. May stalker siya na ex-boyfriend. Nandito na si Cally para sunduin ako, kaya pinapasa ko kay Bella ang pagbabantay mo. Bye!" sabi lang ni Prin at mabilis na lumabas. Excited na kasi siya na makita si Cally. 

Nakaramdam ng inis si Kai. Akala niya kasi ay tapos na ang pagbabantay niya sa araw na iyon. May naiwan pa pala na 'sabit'.

"Let's go!" tila iritableng sabi nito saka tumayo at tinalikuran si Bella. 

Umakto ng pang-aamba si Bella sa masungit na si Kai. Biglang lumingon muli ang lalaki at nahuli siya nito na nasa ere ang kamao.

Umakto agad si Bella na nag-iinat inat at kulang na lang ay umaktong mag-exercise. 

Napapailing na tumuloy na si Kai sa paglabas ng Tea House. 

=====

Nang makarating ng bahay, excited si Prin na hinanap sa mga kasama sa bahay ang box na iniwan ni Ana. 

Nagtataka si Cally kung bakit tila parang bata si Prin na hindi mapakali at unang hinanap ang regalo ni Ana. Gaano ba ka-importante ang regalo na iyon para pag-aksayahan nito ng panahon? 

Tiningnan niya si Prin na abot tenga ang ngiti. 

'This is not right!' Nakaramdam ng inis si Cally. 

'Why is she happy over Ana's gift?' 

"Ito na po, Miss Prin." nilapag ng kasambahay ang isang box sa harapan niya. May isang talampakan ang taas ng box. 

Inalug-alog muna bago binuksan ni Prin ang box. 

Nakiusyoso naman si Cally kung ano ang mga binigay ni Ana. Nanlaki agad ang mata ni Prin nang makita ang laman at agad na sinara iyon. 

"what are those?" usisa ni Cally. 

"No-nothing…" 

Inagaw agad ni Cally ang box at binuksan. Sinuri nito isa-isa ang makukulay na laman. Inangat pa ni Cally ang isang piraso ng lace na underwear. 

"are these... s.e.x toys?" tanong ni Cally. 

Napakagat-labi si Prin, pinipigil ang sarili na mag-react at minumura niya sa isip si Ana. 

Ngumisi si Cally. "Oh! then, let's go and use them all."

"U-use your ass! I'm not gonna use them!" angil niya at pulang-pula ang pisngi dahil sa kahihiyan. 

"Ehh, earlier, I saw how excited you are. I'm sure it's because you want to try them all." nilabas pa ni Cally ang isang piraso ng green na dildo at winagayway iyon sa harap ni Prin. 

Hiyang-hiya naman si Prin. 'Anaaaaaa!!!!'