Chapter 76 - The ex-c.u.mbag

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Dito ka muna, kukunin ko ang sasakyan ko." paalam ni Kai kay Bella. Ramdam niya na inis pa rin ang lalaki. 

Inirapan lang ito ni Bella. 'Parang pinaglihi sa init ng ulo. Mabuti at marunong pa magpaalam. Hmp!' 

Pinagmasdan niya ang nakatalikod na bulto ng katawan ni Kai habang naglalakad ito papalayo. Napapansin niya pa na pinagtitinginan ito ng ibang estudyante lalo na ang kababaihan. Mga kinikilig. 

Napansin niya rin na may lumapit na naman sa lalaki at hindi nito pinansin.

'Tsk! Hirap maging girlfriend neto' dahil sigurado na magseselos ang kung sino man na girlfriend nito. Isip-isip ni Bella. 

Matyaga siyang naghihintay kay Kai nang biglang may humawak sa braso niya, si Josh ang ex-boyfriend niya. 

"Hey! Let go of me!" singhal niya dito. 

Umismid lang ang lalaki. "Ang swerte ko na natagpuan kita agad. Siguro talagang inaabangan mo na ako agad dito." 

Masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso ni Bella kaya napapangiwi siya.

"Hinihintay ko ang boyfriend ko kaya ako nandito." Dahilan niya.

"sino? yung nasa picture? gagawa ka na nga lang ng kalokohan. Yung hindi pa makatotohanan." Nagagalit na sabi nito sa kanya.

Ayaw gumawa ng eksena ni Bella kaya binubulungan niya ang lalaki. 

"Bitiwan mo ako!" Mahina pero matigas na sabi ni Bella. 

Nabigla na lang si Bella nang may magtanggal ng kamay nito sa braso niya at hinila siya sa likuran, si Kai.

"Back off!" Matalim ang tingin na binigay ni Kai kay Josh. Pinag-aaralan ni Kai ang lalaki. Mukhang pipitsugin ang lalaki at hindi maiwasan na mapa-isip siya kung bakit at paanong naging boyfriend ito ni Bella.

Nabigla naman si Josh na makita sa akwal ang 'boyfriend' ni Bella. "Ikaw ang bagong boyfriend ni Bella?"

Tumingin ng pailalim si Kai. "Ako nga"

Akmang tatalikod na ito pero agad ding humarap para suntukin si Kai sa mukha. Nailagan naman agad ni Kai ang lalaki nang yumuko siya. Nasa magkabilang bulsa pa ang kamay nito at parang nabo-boring-an kay Josh.

"Walang kwenta" sabi pa ni Kai. 

Nag-init ang ulo ni Josh, sinubukan ulit nito na sumuntok pero nakailag muli si Kai at gusto na niyang pagtawanan ang lalaki. 

"Missed again!"

Si Bella sa tabi ay napabilib kay Kai. Gusto niya nang bigyan ng award ang lalaki. 'Most-impossible-Boyfriend Award.' 

Dahil sa pagka-inis ni Josh, sunud-sunod ang suntok na ginawa nito kay Kai, nailagan naman nito ang lahat ng iyon. Dumeretso ang huling suntok nito sa mukha ng kalalabas lang na kainan, katabi ng tea house --si Sean.

Dumilim ang tingin ni Sean at ginantihan din ng suntok si Josh sa mukha bilang ganti.

Nag-init din ang ulo nito, hanggang sa ang dalawa na ang nagpalitan ng suntok sa isa't-isa. 

Tila hindi na interesado pa si Kai kaya hinila niya si Bella at pinapasok sa nag-aabang na sasakyan. 

Namangha si Bella sa sasakyan ni Kai, lalo na sa loob nito. Isang Lotus Elise cup 250 iyon. Bigla niyang nilingon si Kai. Akala niya kasi ay ordinaryo lang ang lalaki. 

"You owned this car?" Hindi makapaniwala na tanong ni Bella.

"Why?" Tanong ni Kai saka sinimulan na paandarin ang kotse.

"No-nothing…" pinigilan niya na magsalita. alam ni Bella na mahal ang kotse na iyon. Naintriga tuloy siya sa pagkatao ng lalaking katabi.

"Saan kita ihahatid?" Tanong ni Kai. 

"Blue City Condo Tower. I owned a unit there." Simpleng sagot ni Bella.

Naging seryoso ang mukha ni Kai, paano kasi ay doon din siya nakatira sa kasalukuyan. 

Hindi siya pwedeng tumira sa bahay ni Prin at Cally, pero pinapili siya ng huli kung saan niya gustong tumira at napili nga niya ang Blue City Condo Tower.

Pagdating sa lugar, nagtaka pa si Bella kung bakit paakyat sila sa parking ni Kai pero hindi siya nagtanong.

"Siguro naman ay safe ka na dito." Sabi nito sa kanya.

Ayaw pa sanang lumabas ni Bella ng sasakyan nito na sobrang bango. Kung pwede nga lang na doon na siya tumira sa loob ng sports car nito.

Napilitan siyang lumabas at nagpasalamat dito. Nararamdaman niya na sumusunod sa kanya si Kai.

'Gosh baka gusto niyang malaman kung saan ako nakatira.' Sabi niya sa sarili. Kung anu-ano ang naiisip ni Bella

Hanggang sa makatapat na sa elevator at pati sa palapag kung saan siya nakatira. Binubuksan niya na ang susi ng pinto, pinakikiramdaman pa rin niya ang lalaki sa likuran. 

Naisipan niyang lingunin ito para sabihin sana  na maayos na siyang nakarating sa tinutuluyan niya at maaari na itong umuwi.

"Kai Jeon Jang, you don't have to do… this." Agad na umatras ang dila niya dahil nabuksan na nito ang pintuan sa tapat na unit.

"D-d'yan ka nakatira?" Tanong ni Bella na halatang hindi makapaniwala.

"I don't accept visitors. Thanks!" Masungit na sabi lang nito sa kanya at saka siya sinaraduhan ng pintuan.

Naiwan si Bella na nakanganga.