Chapter 77 - Pay the Bill (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Alas syete ng gabi…

Nasa White Devil Bar si Luna kasama ang kaibigan niyang babae na bagong dating mula sa Amerika. Inaya siya nito na mag-unwind dahil bukod sa namimiss na nito ang Pilipinas, nabalitaan din nito ang nangyari kay Luna.

"I heard from Uncle Mayor na kailangan mo nga daw ng kasama." Sabi nito bago sinipsip ng kaunti ang margarita nito sa harapan.

"Yes, I am so happy that you are here, Janice…"

"...There is a new girl in my school na masyadong pabibo. I really hate her dahil halos inagaw niya sa akin ang lahat. I am a Mayor's daughter, the one and only Princess in this City and she was just a commoner." Halata pa rin kay Luna ang galit kapag naaalala ang maamong mukha ni Prin.

Nang mga nakaraan ay inaabangan niya na paalisin si Prin sa school dahil sinaktan nito ang Professor ng school. The students are cursing Prin and they want her to leave the school. 

Kaya matiyaga siyang naghihintay na mabura ang pangalan nito sa school registry nila.

Pero sa hindi niya malaman na dahilan, dumoble pa ang mga estudyante na bumait sa dalaga. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga regalo na binibigay ng mga ito kay Prin. 

Samantalang siya, si Luna na anak ng Mayor ay ni hindi man lang nakaranas ng ganoon sa mga ito. Kaya lalo siyang nagagalit kay Prin. 

Ano pa, ni hindi man lang pinansin ni Master Cloud ang hiling niya na makausap ang pamilya nito. Pakiramdam niya ay natapakan masyado ang ego niya. 

Katulad ng sabi ng Daddy niya, aabangan nito ang sagot ni Master Cloud. Kapag wala pa rin silang makuhang sagot, ilalabas nila sa media ang nangyari. 

Naghanap na siya ng tao para burahin ang CCTV sa restaurant nang araw na iyon at sinabi nga nito na deleted na ang file ng CCTV at maari na siyang makahinga ng maayos. 

Kaya alam niya na walang magagawa ang pamilya ni Cally kung hindi ang panagutan siya. Dalawa lang silang tao sa kwarto na iyon kaya walang witness. Isa pa, laging nasa babae ang pabor kapag usaping pangmo-molestiya.

Nakikini-kinita niya na ang sarili na makasama si Cally sa bahay nito. Ayos lang sa kanya kahit hindi muna siya mahalin ng lalaki, pasasaan ba at magugustuhan din siya nito.

Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng interes sa lalaki. Isang pangarap kasi si Cally sa pananaw niya. Ang awra nito na parang Prinsipe. Sa paglakad, sa pagsasalita, kahit sa pag-upo at pagsubo ng pagkain. Lahat-lahat ng kilos ay aral.

Sa gilid ng mata niya ay natanaw niya si Prin na bagong pasok sa White Devil. Ngumiti ito sa Waiter at kinausap iyon. Sa tingin ni Luna ay iinom din doon si Prin.

"Look who's here? That is the girl we are talking about." Nakangiti si Luna na parang maldita habang turo sa kaibigan na si Janice ang kapapasok lang na babae.

Napangiti rin si Janice at nakaisip ng hindi maganda. 

Kinuha nito ang kopita ng margarita na limang libo ang halaga at sinalubong si Prin na papuntang opisina ng Daddy niya. May pinapakuha kasi na files si Rob, ang Monthly report sa Bar na iyon. Nagpahatid siya kay Cally na kasalukuyang naghihintay sa kanya sa sasakyan nito.

Nagulat si Prin dahil binangga siya ng babae, agad siyang nakaiwas dito. Pero tumapon pa rin sa mamahalin na damit nito ang inumin na bitbit. 

Nagtataka si Prin sa reaksyon nito. Inisip niya na baka lasing na ang babae kahit alas syete pa lang ng gabi. 

"Miss, Are you okay?" Tanong niya dito. Nagulat siya nang bigla siya nitong sininghalan.

"You are so idiot!!! Alam mo ba kung gaano kamahal itong suot ko? Hindi mo ito basta-basta mababayaran!" Galit na sabi ni Janice.

Manghihingi sana ng paumanhin si Prin pero nakalapit na si Luna dito. "Janice are you okay?"

Hinarap agad siya ni Luna at halata ang disgusto sa mukha nito. "You are so clumsy!"

Tahimik lang si Prin at clueless sa nangyayari. Gusto niyang manghingi ng sorry pero galit na galit sa kanya ang dalawa. 

Tiningnan siya ni Janice mula ulo hanggang paa. Isang simpleng babae at naniwala ito kay Luna na isang ordinaryong mamamayan lang si Prin.

Nakashort lang kasi si Prin, snickers, simpleng puting Tshirt at naka Cap pa ng Mickey mouse.

"Bayaran mo ang damit ko pati ang alak na ininom ko. Hmp! Siguradong wala kang pambayad." 

Lumapit si Zico sa kanila, ang manager ng White Devil branch na iyon at kakambal ni Zuki. 

"Miss, ano pong nangyayari?" Tanong nito kay Janice. Mabuti at hindi pa ganoon karami ang customers dahil medyo maaga pa.

"Paalisin mo ang babaeng iyan, sigurado na wala siyang pambayad dito. Look at her, kailangan na pabayaran mo sa kanya ang bill namin! Tinapon niya ang mamahalin na alak na iniinom ko tapos nasira pa ang damit ko! Maglabas ka na ng pera at bayaran mo ang Bill ko!"

Napatanga si Zico sa pahayag ng babae.

"Yes, Get out of this place kung wala ka namang pambayad!!!" dagdag pa ni Luna.

Napangiti si Prin. May ideya na siya na mukhang binu-bully siya ng dalawang babae kaya wala siyang nagawa kung hindi ang makisakay sa mga ito.