Chapter 79 - Be responsible as a girlfriend

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Pahiya na lumabas si Janice at Luna ng Bar.

Luna is gritting her teeth. Hindi niya alam kung ano ang talagang background ni Prin, para na rin siyang lumaban sa giyera nang hindi inaalam kung sino ang kalaban.

Nang makalabas, nakita niya si Cally na nakasandal sa pintuan ng sasakyan nito. Sandali niyang nakalimutan ang nangyari sa loob. Maging si Janice ay saglit na natulala kay Cally.

Nang makita ni Cally si Luna, nakaramdam agad siya ng pagka-alibadbad. Nag-alala siya na baka may ginawa ang babae sa asawa niya.

Naglakad siya at nilagpasan ang dalawang babae para makapasok sa loob ng Bar at sundan si Prin sa loob.

Hindi pa alam ni Prin ang tungkol sa pambibintang ni Luna sa kanya na minolestya niya ito. Parang hangin lang ang dalawang babae na tulala sa paningin niya nang lagpasan niya ang mga ito.

"He is Cally. The one I was told you about." sabi ni Luna sa kaibigan.

"What?! That is the one who molested you?" takang tanong ni Janice.

"Y-yes"

Nagdududa ang tingin ni Janice kay Luna. Dinaanan nga lang sila ng lalaki na parang hindi sila nito nakita. Halata rin dito na hindi interesado kay Luna. Tiningnan nito ng kaduda-duda ang kaibigan.

Samantala, sa loob ng bar, nakita ni Zico si Cally na bagong pasok.

"Shi!" bati nito kay Cally.

"Did something happened here?"

"Yung dalawang babae, gumawa ng eksena at pinapaalis sa amin si Prin." Sabi ng iiling-iling.

Umismid agad si Cally. Tama ang hula niya na may ginawa si Luna kay Prin. Ano kaya ang pakiramdam nito kapag naubos ang kayamanan ng mga Villanueva? Tutal naman ay madalas nitong ipagyabang na anak ito ng Mayor at mayaman sa siyudad. Hihintayin niya lang ang aksyon ng mag-ama bago nila ilabas ang kanyang Ace card.

Naputol siya sa naiisip nang lapitan siya ni Prin.

"Husbie, I'm done."

Cally looked at her with adoration in his eyes. Natutuwa si Zico na makita na maayos ang samahan ng dalawa.

"Shi, baka gusto niyo na uminom muna." Paanyaya ni Zico.

Nagliwanag ang mata ni Prin sa nadinig.

"Yeah! Let's drink! Sige na please." Pakiusap ni Prin habang hawak ang isang braso ni Cally at hinahatak 'yun upang makiusap.

Naisip ni Cally na ihahatid sa kanila ang kambal kinabukasan kaya gugulo ang tahimik na mundo nila ni Prin sa bahay. Tutal naman ay kapwa sila walang pasok kinabukasan kaya siya pumayag.

"Okay…"

"Papupuntahin ko si Leader Kai, saka si Bella." masayang sabi ni Prin saka mabilis na nagtipa sa cellphone.

Kumunot ang noo ni Cally. Akala pa naman niya ay silang dalawa lang. Kapag dumating ang kaibigan nito, sigurado na sa kaibigan na nito ang buong atensyon nito. Agad siyang nagprotesta.

"Huwag mo na silang papuntahin dahil uuwi na lang pala tayo."

Nagbago agad ang mood ni Prin. "Huh? Bakit naman? Nakapagtext na ko sa kanila e. Saka pumayag ka na di ba" nalungkot ang mukha ni Prin.

Napabuntong-hininga na lang si Cally. Gusto niya na dalawa lang sila na magkasama pero ayaw naman niya na malungkot ang asawa niya.

"Fine! Dito na lang tayo sa baba uminom. Hindi pwede sa iyo ang matapang na alak ha." Inokupa nila ang isang table habang hinihintay si Kai at Bella.

Natuwa si Prin kaya ninakawan niya ng halik sa pisngi si Cally.

=====

Nagkasabay sa paglabas si Bella at Kai ng kani-kanilang unit. Naka-jacket ng itim si Kai na nakapatong sa puti nitong T-shirt. Naka-loose pants. Halata ang badboy image ng lalaki.

Napatigil si Bella sa pagsara ng pintuan at nakatitig sa lalaki.

Napansin din siya nito. "Baka may pumasok na langaw sa bibig mo sa sobrang nga-nga." puna ni Kai.

Naisara bigla ni Bella ang bibig niya. Sinarado niya ng mabuti ang pintuan ng unit niya at nagsimulang maglakad papuntang elevator.

Pinansin siya ni Kai na nakasunod sa likuran. Sa ayos ng babae mukhang makikipag-date pa yata ito. Naka-bestida kasi si Bella. May bitbit na sling bag. Gabing-gabi na at makikipag-date pa?

Magkatabi silang naghihintay sa elevator. Kumakabog ang dibdib ni Bella. Aminin man niya o hindi, sobrang naapektuhan siya ng lalaki.

Bumukas ang elevator. Isang binata ang laman nito.

"Bella!" masaya at nakangiti na bati nito kay Bella.

"Ken!" yumakap agad si Bella sa lalaki. Lihim na nagmamasid si Kai sa dalawa. Iniisip niya na baka ito ang ka-date ni Bella.

Kababata ni Bella si Ken na nagpunta ng abroad para doon mag-aral. Hindi niya alam na nakabalik ito. Sa sobrang surpresa niya nayakap niya ang kaibigan.

"Gosh! I miss you!" sabi ni Bella dito.

"Aw! I miss you too! I miss you so much!" niyakap pa ng mahigpit ni Ken si Bella.

Nakaramdam ng inis si Kai. Hindi niya alam kung saan mauuwi ang dalawa sa gabi na iyon sa sobrang pagkamiss sa isa't isa.

Pakiramdam ni Bella, lumamig ang elevator. Doon niya lang naalala ang isa pa sa loob ng elevator na halatang iritable.

Nang bumukas ang elevator sa floor ng parking, hinila ni Kai palabas si Bella.

"Hey mister! Saan mo dadalhin si Bella?" nagulat si Ken.

"She's my girlfriend! Wala ka na doon kung saan kami pupunta!" sagot ni Kai habang hila ang maliit na babae.

"Hey! S-saan mo ako dadalhin?" tanong ng nabiglang si Bella. Malapit na sila sa sasakyan nito.

"To Prin, kaysa makipag-date ka kung kani-kanino. Nakalimutan mo na ba na boyfriend mo 'ko? Kailangan mong panagutan ang ginawa mo at umayos ka na panindigan iyon." naniningkit ang mata ni Kai sa sobrang pagkadismaya.

Maisip lang niya kung paano magyakapan ang dalawa sa loob ng elevator, parang sumasapi sa kanya ang Bulkang Mayon na puputok ang init anumang oras.