Chapter 80 - Bourbon effect

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Hinihintay nila ng mga oras na iyon si Kai at Bella. 

Nasabi na sa kanya ni Bella na kasama na nga daw nito si Kai dahil sa parehas na building nakatira ang dalawa. 

"Husbie, bakit mo nga pala naisip na pabantayan ako kay leader Kai?" Tanong ni Prin habang kumakain ng chicken wings. 

Nilingon siya ni Cally sa tabi. "Ayaw mo ba na bantayan ka ni Kai?"

"Hindi naman kasi ako kailangan na bantayan. Naaawa pa nga ako sa kanya kasi gustong-gusto niya ang Camp." 

Naalala ni Prin bigla yung araw na bagong dating si Kai sa school nila. Grabe kung magsungit ang lalaki sa kahit kanino. Kulang na lang sakalin nito ang mga babae na lumalapit dito. Kung ibebenta nga lang niya ang picture ng lalaki, sigurado na kikita si Prin mula sa mga ka-eskwela niya sa 'pa-picture'.

"Honestly, it's not my choice alone. Kinausap ako ng Lolo niya. We knew that Kai also did an online courses. But some of his subjects need his actual presence. There is also a possibility that he will manage their family business. Kaya kailangan niyang pumasok at mag-aral na tulad mo."

Napatango si Prin. 

"Hmmm… bakit naman kailangan niya pang pumasok sa business nila? e, malaki naman ang sweldo niya sa Dark Guards" bilang Leader ng Senior Black Team, sigurado si Prin na kumikita ng milyon si Kai kada taon. 

Kumuha ng tissue si Cally at pinunasan ang malangis niyang labi dahil sa chicken wings. 

"Hindi sa lahat ng bagay ay mahalaga ang sweldo o ang pera. Madalas obligasyon din." makahulugan na sabi ni Cally. 

"Sabagay… Siguro kung hindi dahil sa obligasyon mo, hindi mo ako naging asawa. Sigurado na isang Irish o kaya British ang mapapangasawa mo kung hindi mo sinunod sila Madam Lira." 

Alam ni Cally na nagsasalita lang ng walang katuturan si Prin, pero di pa rin naiwasan na masaktan siya kapag naisip na sakaling iba ang mapapangasawa niya. 

Tinanggal na sa isip ni Prin ang ideya niya tungkol sa kasal nila ni Cally. Wala man lang maayos na seremonyas iyon at basta lang sila nagpirmahan dahil sa obligasyon ng asawa niya. Nakaramdam siya ng kirot. 

"Do you really like the ideya na magpakasal ako sa iba?" 

Halata na hindi mapakali si Prin sa tanong ni Cally. "No…" 

"Mabuti naman, at least gumagana paminsan-minsan ang utak mo" 

Tiningnan niya ng masama si Cally. 

"Balik tayo kay Kai. Hindi ka ba natatakot na baka ma-inlove ako kay Kai kapag magkasama kami palagi?" Interesado niyang tanong

Tumitig sa kanya si Cally, ibinaba nito ang mukha sa kanya at kinagat ng bahagya ang labi niya.

"Ouch!" Reklamo ni Prin.

"Subukan mo pang magsalita ng bad words, may kagat ka ulit sa akin." Banta ni Cally.

"I'm just stating a possibility." 

Binaba muli ni Cally ang labi nito sa kanya at kinagat muli ang labi niya. 

"Ouch!" Nasapo niya ang labi niya na sa palagay niya ay bahagyang namaga dahil sa ginawa nito. 

"Anyway, I don't believe na mai-inlove ka sa iba" mayabang na sabi nito na ikinapula ng pisngi ni Prin. Iyon ang nabungaran ni Bella at Kai.

"What are you talking about?" Kunot-noo na tanong ni Kai.

"N-nothing" kaila ni Prin.

"Oh! Then, why are you kissing?" Nakangisi si Bella.

Lalong namula ang pisngi ni Prin. 

Hinila niya na lang si Bella sa tabi para maka-iwas at nagsimula silang mag-kwentuhan. Ganoon din naman si Kai at Cally. Nagsimulang mag-report dito si Kai kung ano ang mga nangyayari sa Camp bago ito umalis.

Agaw-atensyon sila sa ibang customers dahil nasa iisang table ang dalawang matikas at gwapong lalaki na may kasamang mga binibini. Para silang nasa double date kaya walang nagtatangka na lumapit sa kanila.

Nang wala nang mapag-kwentuhan ang dalawang lalaki, tuloy pa rin sa bungisngisan si Prin at Bella. Tinunga ni Cally ang iniinom niyang bourbon. 

Tulad ng inaasahan ni Cally, nakalimutan na siya ni Prin nang dumating ang kaibigan nito. 

Hindi napapansin ni Cally na madami-dami na siyang naiinom. 

"Baby Panda, uwi na tayo…" naglalambing na aya nito maya-maya. 

Nilingon ni Prin ang namumulang mukha ni Cally. Tiningnan ni Prin ang tapat nito at halata na madaming shots ng bourbon na ang naiinom ng asawa niya. 

"Bakit madami kang ininom?" 

"Hmm… Ayaw mo kasi akong pansinin e." tila nagtatampo na sabi. 

"Haay, mabuti pa umuwi na kayo ni Shi Cally. At ikaw…" tawag ni Kai kay Bella. 

"...Halika na't umuwi na din." wala nang nagawa si Bella ng hilahin na siya ni Kai mula sa pagkakaupo. 

Naiwan si Prin at Cally. "Baby Panda, nagugutom ako. Lutuan mo ako sa bahay." sabi na para bang iniwan ng magulang. 

Natigil si Prin. Ano naman ang lulutuin niya? Napakamot siya sa ulo. "W-wala akong alam na lutuin e." 

Tumayo si Cally at inikot ang paningin sa paligid. 

"Walang magluluto para sa akin…" malungkot at tila batang paslit na sabi ni Cally. 

Prin "...." 

Biglang pumasok sa isip niya ang parehas na senaryo nang mga panahon na kapwa sila trainees ni Cally. Tulad din noon, parang sinapian ng isang grade six na estudyante si Cally. 

Nagulat na lang si Prin nang bigla itong tumayo at mabilis na naglakad papalabas. 

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" 

"Zico, huwag mong palalabasin si Master Cally!" sigaw niya pero huli na, dahil nakatakbo na palabas si Cally ng White Devil