Chapter 81 - Chasing Shi Cally

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Lumabas agad si Prin para hanapin si Cally. Hindi tulad sa mansion nila sa Japan, mas malawak at mas ma-tao ang Maynila. Bukod pa sa maraming kalye at eskenita.

Kapag nawala ito sa paningin niya, siguradong lagot na!

Nang makalabas si Prin, natanaw niya si Cally na paliko na sa kabilang kanto. Nilingon niya ang guards sa tabi. 

"Guys, this is red alert! Tawagan niyo si Zico or Zuki, we need to find your Shi Cally. You and you, doon kayo sa kabila umikot. Dito ako." Sabi niya sa dalawang tauhan ng White Devil.

Tumakbo si Prin sa tinungo ni Cally. Tinawagan niya ulit si Kai dahil siguradong hindi pa nakakalayo ang dalawa. "MB5, I need your help! Tumakbo si Shi Cally palayo sa White Devil. Please go to Antonio Flores St. Papuntang Bocobo. Dito ako sa Del Pilar." Plano ni Prin na ma-corner si Cally.

Sa kasamaang palad, hindi niya makita si Cally.

'Sh*t!' Napamura si Prin. Dineretso lang niya ang kalye. Inikot niya na pati ang ibang kalye, hindi niya pa rin makita ang anino ni Cally. Nakaramdam na ng pagod si Prin. 

Matapos ang tatlumpung minuto kahahanap sa asawa niya, tumawag si Kai.

"Nakita namin siya Prin, paliko ng Arquiza St. Hindi nga lang ako makaikot dahil one way ang kalye dito." Sabi ni Kai sa kabilang linya.

Binilisan ni Prin ang pagtakbo para makapunta sa likuan ng Arquiza St. tulad ng sabi ni Kai. Pagliko niya, nakita niya si Cally sa di-kalayuan. Na-corner na ito ng dalawang guard ng White Devil sa kabilang dulo ng kalye.

Makaka-hinga na sana siya ng maayos nang mapansin na ginugulpi na ni Cally ang dalawang guard. Sigurado si Prin na hindi lalaban dito ang dalawa. Kaya mas binilisan niya na mapuntahan ito. No! Kapag na-ospital ang dalawang guard, lagot na!

Binilisan niya ang pagtakbo kahit nakaramdan na siya ng pagod. 

"You two, I'm not done with you yet" sabi nito at akmang susuntukin na naman sa sikmura ang dalawa.

"Husbie! Stop! Stop!" sigaw niya.

Nilingon siya ni Cally. Parang mahihilo na si Prin. Nakaramdam siya ng pagsusuka kaya gumilid siya sa eskenita kung saan sila naroon. Saka niya inilabas ang sama ng pakiramdam. Naalala niya na madami nga pala siyang nakain na chicken wings tapos diretso agad ang walang sawang pagtakbo. Idagdag pa na ilang linggo na siyang walang exercise. 

Natigil naman si Cally at nilapitan siya nito, kapwa sila pinagpapawisan dahil sa haba ng tinakbo nila parehas. Halata na nag-aalala ito sa kanya.

"Baby Panda, are you okay?" Tanong nito.

"I'm not okay… my stomach hurts. It's all your fault!" sagot ni Prin. 

"Why is it my fault? Ikaw ang kanina pa nawawala, hinahanap kita sa kung saan-saan."

Prin "...."

Ayaw nang makipagtalo pa ni Prin kay Cally. Sigurado na wala sa tamang huwisyo ang asawa niya. 

"Husbie, Let's go home" sabi niya dito. Nag-aalala naman ang tingin niya sa dalawang guards na kapwa maiiyak ang mga hitsura.

Ibinaba ni Cally ang sariling katawan at pinasakay siya sa likod. Para talagang panda si Prin na bitbit ng magulang sa likod ni Cally. 

Dahan-dahan lang na naglakad si Cally habang karga siya nito pabalik sa White Devil at pinakikiramdaman nila ang isa't isa. 

=====

Nagulat si Zico sa hitsura ng dalawang guard na kapwa may pasa sa mukha.

"Sorry Zico, binugbog ni Cally yung dalawang tao mo" paghingi niya ng paumanhin. Si Cally na suspek ay tila walang pakialam na nakapamulsa sa pantalon habang hawak niya ang isang braso nito.

Wala namang magagawa si Zico.

Pinaupo niya ito sa passenger seat at siya na ang kusang nagmaneho.

"Look what you've done!" nagagalit na sabi niya kay Cally saka nagsimulang paandarin ang sasakyan.

Habang nagmamaneho si Prin, nabigla siya nang halikan ni Cally ang leeg niya. Inayos pa nito ang buhok niya na nakaharang sa leeg niya para magawa nito ng maayos ang trabaho. Nawawala siya sa focus ng pagmamaneho.

"Hey, I-I am driving." Pigil niya dito. 

"Then, continue to drive." Tila balewalang sabi nito.

Nang huminto sa stop light ang kotse. Sinakop naman nito ang labi niya. Nakalimutan ni Prin na nagmamaneho nga pala siya, narinig na lang niya ang potpot ng kotse sa likuran dahil green light na muli. 

Tinulak niya si Cally at nagpatuloy sa pagmamaneho. Kaunti na lang at nasa harapan na sila ng bahay.

Nagulat siya na parang lumuwag ang bra niya, doon lang niya napansin na tinanggal na ni Cally ang hook ng bra niya sa likuran.

"H-hey! Nasa sasakyan tayo. Huwag kang makulit." Sabi niya dito.

"Parusa mo iyan, dahil kinalimutan mo ako kanina."

Nilingon ni Prin si Cally dahil pinasok na ng kamay nito ang blusa niya. 

"H-husbie…" halos hindi lumabas sa bibig niya. Binilisan niya ang pagmaneho dahil tino-torture siya ni Cally. 

Nang ma-park niya ang sasakyan sa bahay nila, hinarap niya si Cally. "You are so bad! Paano kung napahamak tayo kanina?" 

"It only means, you are not a good driver." Katwiran nito.

Prin "...." tama bang sa kanya pa isisi?