Tahimik silang dalawa at parang walang gustong lumabas ng sasakyan.
Hinawakan ni Cally ang magkabilang pisngi ni Prin at tinitigan siya ng diretso. Tila ayaw nitong ilayo kahit isang segundo lang ang paningin mula sa pagtitig sa kanya at ilipat sa ibang bagay.
Nakahawak lang ng mahigpit si Prin sa suot na pang-itaas ni Cally na para bang kumukuha doon ng suporta.
Hindi alam ni Prin kung ano ang mga nasa isip ni Cally ng mga oras na iyon. Parang nakikipagsagupaan ang mata nila parehas at walang gustong mag-baba ng tingin.
Nakatitig si Cally kay Prin at gusto niyang sabihin dito ang lahat ng nasa puso niya but he doesn't know where to start. He never confessed to anyone before. He wanted to create the sweetest confession.
He then followed what's inside his heart and mind. but then, no word can expressed his real intentions.
'Prin, I think I can't live without you.'
'Even in my dreams, can't live without you in it. I dreamt of you, clothed in a lacy white dress.'
'You were like a warrior ready to fight for me,'
'A Star who filled my heart with Joy,'
'A true Queen in my Kingdom'
'Who will try to find me whenever I am lost in the city?'
'Who will smile for me every morning?'
'Who will give me a warm embrace every night?'
'Who will drive me home whenever I am drunk?'
'Is there anyone who I accept can calls me 'Husbie' aside from you?'
'Is there anyone who can be worthy of my heart aside from you?'
'What about you… What's inside your heart?'
He knew Prin is the only one for him. He wants the best for her. He wants to spend his life with his Prin. His warrior Princess.
He pecked her lips.
"Prin Matsui…" bulong ni Cally sa pangalan niya. Nabigla si Prin sa biglang pagtawag ni Cally. He touched her lips.
"...I think I love my wife so much!" sabi nito habang nakatitig sa kanya na akala mo ay hindi siya nito nakikita.
Nagluha agad ang mata ni Prin sa mga binigkas ni Cally. How long she had waited for him to tell her those words?
Parang nilipad ng hangin yung pagod na naramdaman niya sa buong gabi kakatakbo. Siya na ang kusang lumapit sa labi ni Cally para sagutin ang pagmamahal nito sa kanya.
Matapos ang ilang sandali, napansin ni Prin na hindi na kumikilos si Cally. Hindi na rin ito gumaganti sa halik niya. Nagulat na lang siya nang biglang bumagsak ang ulo ni Cally sa dibdib niya. Cally passed out!
Bigla niyang naisip kung lasing lang ba ang lalaki kaya biglang nag-confess sa kanya? Kung iisipin niya ng mabuti, kung anu-ano ang ginawa nito. Nang-manyak at nang-gulpi pa.
"Oi Husbie! You should wake up! Next time you confessed make sure na hindi ka lasing!!! Gising! kung hindi pababayaan kita dito." inalog-alog niya ang balikat ni Cally.
"Sabihin mo ulit yung sinabi mo kapag nasa maayos na huwisyo ka! Oi Gising!!!"
Hinila siya nito at niyakap.
"So noisy" in-adjust nito ang upuan ng sasakyan para makasandal sila ng maayos.
"Let me rest for awhile." sabi nito habang yakap siya saka pinagpatuloy ang pag-idlip.
Hindi tuloy alam ni Prin kung magpapasalamat siya sa Bourbon o hindi. Nakatulog si Prin na may ngiti sa labi.
Nagising siya na nasa ibabaw na siya ng kama. Napangiti siya nang maalala ang naganap sa kanila ng nagdaang gabi.
Cally confessed!!! Para siyang mababaliw habang pangiti-ngiti na mag-isa at nakatingin sa kisame.
Napalingon si Prin sa direksyon ng pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Cally.
"Bangon na, susunduin natin ang kambal"
"Hindi ako babangon, hangga't hindi mo inaayos ang sinabi mo kagabi." sabi niya dito.
Nakakunot-noo si Cally. "Ano yung sinabi ko?"
Sumimangot si Prin, saka niya ito tinalikuran.
'Hmp! Sabi na nga ba at wala siya sa tamang pag-iisip. Malamang ginaya niya lang sa pelikula yung sinabi niya kagabi.'
Hindi maiwasan na masaktan siya. Naramdaman niyang lumundo ang katabing pwesto sa kama. Pahulog na yung luha niya sa mata nang lumitaw sa harapan niya ang tatlong pulang namumukadkad na rosas.
Kinuha ni Prin iyon.
"Did I say… Prin Matsui, bayaran mo ang utang ko?"
Biglang nilingon ni Prin sa Cally. "Hindi iyon!"
"Did I say… Prin Matsui, hindi ka pa naliligo?" pang-iinis nito.
Matalim ang tingin na pinukol niya dito. Ang aga-aga mukhang may planong inisin siya. "Hindi rin iyon" sabay irap dito.
"Did I say, Prin Matsui, mababa ang grades mo at galingan mo mag-aral?"
Namumula na ang mukha ni Prin sa pagka-inis.
"I don't want to talk to you!" singhal niya dito
Plano na niyang itapon ang bulaklak na hawak sa basurahan. Tumayo na siya at tinungo ang trash bin.
"Prin Matsui!" tawag nito sa kanya.
"I think, I love my wife so much!" napatigil siya sa paglakad nang marinig muli iyon. Pinihit niyang muli ang sarili paharap kay Cally at may hindi maipaliwanag na ngiti.
"Looks like you are satisfied but I am just joking right now." pang-aasar nito.
Binato niya dito ang mga bulaklak. Tawa ng tawa si Cally. Unang beses na makita ni Prin na tumawa ang lalaki. Hinila siya nito para makaupo siya sa gilid ng kama.
"I love you so much, Baby Panda." Seryoso na sabi bago sinakop ang labi niya.