Chapter 83 - Brainless Sean (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Masaya si Prin na makita muli si Crayon at Crayola. Nagpunta sa Africa ang magulang ni Cally kaya sa kanila muna ang kambal.

"Ate Prin, I have to buy a book. Let's go out" hiling ni Crayon.

"Yes, ate Prin. I am going to buy colored pens too." sabi naman ni Crayola.

Napakamot sa ulo si Prin. Umalis kasi si Cally dahil may biglaang inasikaso sa opisina. Bilang wala ang Daddy nila kailangan ang presensya ng asawa niya sa MGM. Hindi siya makapagdesisyon kung isasama niya ang dalawa.

"Ate Prin, wala ka pang regalo sa amin" pangungulit ni Crayon.

"Yes. I want a gift too."

Sumakit bigla ang ulo ni Prin. Bigla niyang naisip na kahit kay Cally ay wala pa rin naman talaga siyang regalo. Tiningnan niya ang dalawang bata.

"Sige, isasama ko kayo. Mag-sh-shopping tayo. Alam niyo ba kung ano ang gusto ng kuya niyo?"

"Bakit kay kuya lang?" may pagtatampo sa boses ni Crayola.

"Yes, we want something from you too."

"And.. I want to eat ice cream."

"I love banana split."

Hindi akalain ni Prin na ganito mangulit ang kambal. Halos parehas ang nasa isip ng mga ito. Wala siyang nagawa kung hindi ang pasakayin sa sasakyan si Crayola at Crayon, at magpunta sa pinakamalapit na Mall.

Sinabihan niya ang dalawa na huwag masyadong maglilikot at huwag lalayo sa kanya. Pagdating sa bookstore, napansin nila na may Quiz Bee na magsisimula sa sa loob ng kinse minutos.

Nakatitig si Crayon sa maliit na stage na naroon sa gitnang bahagi ng malaking Book Store. Pwedeng manalo ng limang libro kung sakali na mananalo sa Quiz Bee.

"Ate Prin, sali ka." biglang sabi nito sa kanya.

"Yeah, sali ka sa Quiz Bee. para may libre kaming book."

Prin "...."

'Please spare my life. Kung nasa digmaan tayo ay okay lang. My dearest babies… iba na lang hilingin niyo please.' nagmamaka-awa si Prin sa isip niya.

Bigla niyang napansin si Sean sa loob ng bookstore "Oh! Look it's Prin!" masayang bati nito.

Lalong sumimangot si Prin.

"Who are these kids?" tanong nito at hindi siya interesadong sagutin. Masama naman ang tingin ni Crayon sa lalaki, sa tingin niya ay hindi maganda ang intensyon nito sa ate nila.

"Who are you?" tanong nito kay Sean.

"Manliligaw niya." makapal ang mukha na sagot nito.

Pinukulan ni Prin ng matalim na tingin si Sean. Tama ba na sabihin na manliligaw niya ito sa harapan ng in-laws niya? "Hey! May I remind you, you are not even an acquaintance?"

Nakangisi lang si Sean at hindi pinansin ang pagsusuplada niya.

"Hey Mister! Papayagan kita na manligaw sa ate namin kung matatalo mo ako sa Quiz Bee" sabi ni Crayon habang turo ang stage.

Tinimbang ni Sean ang batang lalaki na nakasalamin. He's a college student at hindi rin naman siya bagsak sa klase. Napangisi siya sa batang lalaki na mukhang nasa elementary.

"Sure! Kapag natalo kita may kiss sa'kin ang ate Prin mo" mayabang na sabi nito.

Naka-isip ng nakakaloko si Prin pero nagpanggap siya na kunwari ay natatakot siya para kay Crayon. Matatalino ang magkakapatid na Han at alam lahat ng malalapit na pamilya iyon. Simpleng bata lang si Crayon at Crayola at matindi mangulit pero advanced ng dalawang taon sa klase ang mga ito.

"Are you sure Crayon? He is a big guy. For sure he knew a lot. Paano na si kuya Cally mo?" kunwari ay malungkot na sabi niya.

"Ako ang magpapaliwanag kay Kuya Cally kapag natalo ako."

Hinarap nito si Sean. "Kapag nanalo ako, you have to buy us 20 books." hamon ni Crayon.

Nakangisi si Sean. naisip niya na mukhang kapatid ni Cally ang dalawang bata. Oras na para makaganti siya sa mga ito.

"Sigurado ka na lalabanan mo ako?" Mayabang na tanong ni Sean.

"Ganito na lang, how about isama mo yung kapatid mo, para dalawa kayo ang magtulungan. Nakakahiya naman kasi baka sabihin bully ako ng bata."sabi pa ni Sean.

Natatawa ng lihim si Prin, kahit kailan talaga ay alam ni Sean kung paano ilalagay sa alanganin ang sarili at may pagka-mayabang din.

"What about you, My darling? Pumayag silang dalawa na maka-score ako ng halik sa iyo kapag nanalo ako sa Quiz Bee. Siguro naman ay papayag ka at hindi mo ipapahiya ang mga kapatid ni Cally."

"Naku.. pa'no na iyan Crayon, sigurado magagalit sa akin ang kuya mo kapag natalo ka."

"'Wag kang mag-alala Ate Prin. I will definitely win against this Big guy!"