Chapter 84 - Brainless Sean (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sabay na nagrehistro si Crayon, Crayola at Sean sa Quiz Bee. At hiniling nila na kung maaari ay silang dalawa lang ang maglaban. Si Sean laban sa kambal.

Pumayag ang coordinator, pero nag-aalala ito kay Crayon at masama ang tingin kay Sean. Sinabi ni Sean na hindi siya interesado sa premyo ng Bookstore pero gusto niyang talunin ang batang si Crayon.

"Kasali naman po yung kambal niya." sabi ni Sean.

"He will give me 20 books as a reward. I want you to prepare your most limited edition books." utos ni Crayon. Nabigla ang coordinator sa utos ng batang lalaki. Isang may-edad na nakasalamin ang pumukaw sa atensyon ni Crayon. Dahil sa paraan ng pag-utos nito. 

Sisiguraduhin ni Crayon na tatalunin niya ang lalaking makapal ang mukha na balak manligaw sa ate Prin niya. 

Kalmado lang si Crayola sa tabi ni Crayon at tila inosente ang tingin ni Sean dito. Naka tirintas ng maayos ang buhok nito na si Prin ang gumawa. Kaiba sa hitsura ni Crayon ang hitsura ni Crayola. 

May awra si Crayon ng tunay na Kent kapag seryoso. Samantalang tila inosente at walang alam si Crayola, mukhang madaling utuin. 

Tulad sa normal na Quiz Bee, mayroon ding buzzer na pipindutin. At sasagot ang makakapindot. 

"Okay, we have 20 questions. First ten question is one point each. Then, two points on the last ten questions. Posible na hindi na matapos ang lahat ng questions kung sa palagay natin na wala nang pag-asa ang kalaban. Okay?" sabi nito.

Nilingon pa ni Crayon ang ate Prin niya bago sa nakangising si Sean. "Crayon and Crayola, tuturuan ko kayo ng Karate kapag nanalo kayo. Kaya galingan niyo, okay!"

Nagsimula ang laban. "Okay, first question. What is the smallest Province in the Philippines?" tanong ng gumaganap na host. Unang pumindot si Sean.

"Camiguin." sagot nito.

"Correct!" 

Binelatan ni Sean si Crayon. Inismiran lang ito ni Crayon dahil mukhang natutuwa na ang lalaki sa one point. Nasa easy questions pa lang sila, niyayabangan na siya nito? 

"Second question. A handheld tool used to strike another object and most common tool in carpentry."

Naunang pumindot muli si Sean. "Hammer." tulad ng nauna binelatan muli nito si Crayon.

Naiinis na si Prin sa lalaki, pero kalma lang ang kambal.

"The group of Filipino fighters that opposed the Japanese occupation during 1940." 

Pumindot muli si Sean. "Hukbalahap." 

"Who is the first Marvel Avenger?" 

"Captain America."

Nakaramdam na ng inis si Prin. inabot na kasi ng sampu at nasagot ni Sean ang lahat.

Pati ang ibang manonood ay naiinis na kay Sean sa pagiging mapagpatol nito sa dalawang bata. Nagkakataon lang na mas mabilis si Sean sa pagpindot.

Nagsimula ang second round na 'di hamak na mas mahirap kumpara sa naunang sampung tanong. 

"Who is the main antagonist in the animated film M.o.a.na?"

Pumindot muli si Sean. "Te Feti" sagot nito.

"Wrong!"

"Te Kā" sagot ni Crayon.

Sa unang sagot nakadalawang puntos agad si Crayon.

"What metal constitutes most of a penny?" ikalawang tanong sa second round. 

"Tin!" sagot ni Sean. "Wrong!"

"Zinc" si Crayon. 

"Correct!"

"Who is the person who often called England's national poet and the 'Bard of Avon?"

Ramdam ni Prin na pinagpapawisan si Sean. Dahil hindi alam ng lalaki ang sagot, si Crayon ang pumindot. "William Shakespeare"

Hanggang sa sunud-sunod na nasagot ni Crayon ang tanong. 

"Which one of Snow White's seven dwarfs most likely suffers from aphasia?" 

"Dopey"

"An orthopedic doctor treats what part of the human body?"

"Bone" sagot ni Sean. 

May 12 points si Sean at eight ang kambal. 

"Who is the three-year-old bengal tiger in the movie 'Life of Pi'?" 

"Richard Parker" sagot ni Crayon. 

"Hey! Madaya! Hindi pa sumasagot yung babae." sabi ni Sean. Hindi niya kasi akalain na matalino ang batang lalaki. Sa tingin niya mas mahina si Crayola. 

"Dahil dalawa kayo, dapat lang na yung isa naman ang sumagot" reklamo ni Sean. 

"Are you sure Mister?" tanong ni Crayola. 

"Of course!" sigurado si Sean.

"Doon ka na sa baba." pambu-bully pa nito kay Crayon. 

Kusa namang sumunod si Crayon para tumabi kay Prin. Nakangisi lang si Prin. Akala siguro ni Sean ay makakalusot na ito kay Crayola. 

May 10 points na ang kambal at 12 points si Sean. 

"what is the first book printed in the philippines?" 

Sean "...." 

"Doctrina Christiana, printed in 1593" sagot ni Crayola. 

"Correct!"

Parehas na silang naka12 points. Tinaas ni Crayola ang kamay "I have a suggestion" 

"How about we ask each other one last question? Whoever got the correct answer will win. Deal?" mungkahi ni Crayola. 

"Deal! Pero gusto ko na ako muna ang magtatanong" mayabang na sabi ni Sean. Nasa isip ni Sean na mas maganda kung sa kanya manggagaling ang tanong.

"Deal" 

"How much does the earth weigh?" tanong ni Sean. 

"Are you sure that is your question?" parang hindi makapaniwala si Crayola. 

Nasa isip ni Sean na walang bigat ang earth kaya sigurado na hindi iyon masasagot ng batang babae na mukhang inosente. "I'm sure!" 

Binigyan siya ni Crayola ng are-you-an-idiot kind of look, kaya nakaramdam siya ng inis.

"The earth weighs 5.972 x 10^24 kg, or around 6,000,000,000,000,000,000,000,000 kg." mahabang bigkas ni Crayola. 

"Correct!" 

Nagulat si Sean at hindi siya makapaniwala. 

"Now it's my turn. tell us the digits of Pi. You should continue until where it stops." hamon nito. 

Sean "...."