Walang nagawa si Sean kung hindi ang gumastos ng singkwenta mil sa 20 books na hiling ni Crayon.
Bukod pa doon, binigyan din siya ng unlimited pass sa Library ng Book store na matatagpuan sa penthouse ng main building kaya masayang masaya siya.
Nakita kasi siya ng may-ari na kasalukuyang nanunuod ng laban nila ni Sean. Natuwa ito kung gaano ka-cool si Crayon at Crayola at kung gaano sila kahilig magbasa ng libro.
Walang nagawa si Sean kung hindi ang umalis ng mainit ang ulo dahil gumastos siya ng malaking pera.
Who wants to spend on books na halos kasing mahal na ng air ticket niya papuntang Amerika?
'Serves you right!' gustuhin man ni Prin na patulan ng lalaki. Sayang lang ang effort niya dito. Pasasaan ba't mananawa rin ito sa kalokohan nito. Tutal mukhang hobby na nito na ipahiya ang sarili.
Dinala niya si Crayon at Crayola sa isang Ice Cream House. Natutuwa si Prin sa dalawang kapatid ni Cally. Mabuti at hindi siya ang kalaban ni Sean dahil aamin na siya na posibleng talo siya sa lalaki.
"Sabihin niyo sa akin kung ano ang gusto niyong regalo, ibibili ko sa inyo." ganado si Prin na magshopping sa araw na iyon.
Nag-isip ang dalawang bata.
"hmm.. I want the katana in your house" sagot ni Crayon.
"Ah! Yes yes! I want that too!" ang katana na nasa General Hall sa Matsui Villa ang tinutukoy nito.
Napakamot si Prin sa pisngi. Sigurado na hindi niya iyon pwedeng ibigay sa dalawa dahil bukod sa pag-aari iyon ng Daddy niya, matalim at nakakasakit ang bagay na iyon para sa sampung taong gulang na bata.
"Saka ko na kayo bibigyan kapag naka-graduate na kayo okay? Sa ngayon, enjoy your time as a kid. Naiisip ko na ibigay sa inyo ay Treehouse. Gusto niyo ba ng Treehouse sa bahay niyo? You can play there, read books, rest and accept friends or visitors."
Napalitan ng excitement ang mukha ng dalawang bata.
"Oh! Yes I like it!"
"I like it too! You are the best, Ate Prin!"
Matapos nilang kumain ng meryenda, nagpunta sila sa bilihan ng relo. Wala pa siyang nabiling regalo kay Cally. Dalawang relo ang binili niya. Isa kay Assistant Xander at Isa para kay Cally.
Kailangan niyang magpasalamat kay Xander bilang maaasahan nila ito.
Dahil hindi niya alam ang pipiliin, parehas na lang ang relo na binili niya para sa dalawa.
binilhan niya rin ng hairpin si Bella. Magandang ballpen at hand wrap naman para kay Kai.
Masaya silang tatlo hanggang sa makauwi ng bahay ni Cally. Sakto naman na kararating lang din nito mula sa opisina.
Masaya na nagtatakbo ang dalawang bata papasok sa loob. Nakakunot-noo na nilapitan siya ni Cally.
Inabot niya dito ang mga paper bags ng mga pinamili, hinalikan ito sa pisngi at saka sumunod sa dalawang bata papasok sa bahay.
"Honey, what are these?"
"Gifts. Halika. I bought something for you" hinila niya si Cally papasok sa loob ng bahay.
Nagliwanag ang mukha ni Cally nang sabihin niya na may regalo siyang dala para dito.
Nakasunod lang si Cally habang pinanunuod si Prin na parang bata na nakasunod din sa mga kapatid niya. Inutusan niya ang kambal na maghilamos bago sila maghapunan.
Sumalampak si Prin sa sahig at nilabas ang mga laman ng mga paper bags. Inabot dito ang dalawang box ng relo.
"This one's for you, this one is for Xander." inabot ni Prin ang parehas na relo kay Cally.
Gusto sanang matuwa ni Cally dahil may natanggap siyang regalo mula kay Prin. Iyon nga lang, bakit parehas sila ni Xander? Parang sinabi na rin ni Prin na parehas lang ang tingin nito sa kanila ng assistant niya.
Nakikita niya sa mukha ni Prin na masaya ito sa nabili kaya gumaan kahit papaano ang kalooban niya. Inisip niya na baka mayroon pa para sa kanya.
"give me your hand." utos ni Prin. Inabot naman ni Cally ang kaliwang braso.
Noon lang napansin ni Prin na may nakakabit na relo na sa kamay ni Cally. Galing iyon kay Master Kent at sigurado na hindi iyon basta-basta tapos ay papalitan niya lang ng pitpitsugin na relo.
"Uhm… husbie, mukhang kailangan kong bawiin ang relo"
Cally "...."
Parang maiiyak si Cally sa sinabi ni Prin. Mas okay nang parehas sila ng assistant niya kaysa wala talaga siyang makuha na kahit na ano mula dito. Para na rin nitong sinabi na mas mataas ang tingin nito kay Xander kaysa sa kanya.
"Mayroon pa bang… iba for me?" tanong ni Cally.
Napakamot sa ulo si Prin. "Wala na e"
"Then, bakit dalawa yung kay Kai?" reklamo ni Cally.
Hindi naisip ni Prin ang rason. Basta nakita niya lang ang mga bagay na iyon at natuwa siya kaya binili niya. Hindi niya akalain na magiging issue iyon kay Cally.
"Is there anything you want?"
"You. I want you…"