Chapter 86 - The New Bully

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Male-late na si Bella sa school. Nag-aabang siya ng taxi para sa pagpasok nang mapansin niya ang sasakyan ni Kai. Nilagpasan lang siya nito na akala mo ay hindi siya nito nakita.

'Hmp! Tubuan ka sana ng butlig sa kili-kili, yung madami!' Nakaramdam siya ng inis dahil alam niya na sa school din naman ang punta nito. Inabot pa siya ng ilang minuto sa paghihintay, wala pa rin siyang maarkilang taxi.

Inis na inis siya lalo na kay Kai. Ilang saglit pa, huminto sa harapan niya ang isang dilaw na sasakyan. Bumaba ang bintana nito at nakita niya si Ken na driver.

"Bella, sakay na!" sabi nito.

Nagliwanag ang mukha ni Bella.

"Ken!" masayang bati niya dito saka niya binuksan ang pinto at pumasok.

Sa kabilang sasakyan, Nagdadalawang-isip si Kai kung babalikan si Bella na mukhang naghihintay ng sasakyan sa tapat ng building ng condo nila.

Ayaw niya sana ng pasakayin ang babae dahil parang namimihasa na ito sa pagsakay-sakay sa sasakyan niya. Gayunpaman, sinunod niya ang kung saan siya mapapalagay.

Umikot ang sasakyan niya para balikan ang babae. Pero hindi pa siya nakakalapit dito isang dilaw na sasakyan na ang pinasukan nito. Nakakunot-no si Kai kung sino ang may-ari ng dilaw na sasakyan.

Nakaramdam siya ng inis. Nag-alala pa man din siya na baka walang masakyan ang babae kaya niya ito binalikan. Iyon pala, nag-aabang ng sundo.

Nilagpasan niya ang dilaw na sasakyan at dahil hindi naman tinted ang sasakyan nito, nakita niya na tumatawa si Bella pati na ang lalaki sa elevator ng nakaraang gabi. Mas dumoble ang inis ni Kai. Nasabihan niya na kasi si Bella na mag-ingat ito sa mga pagkilos nito bilang girlfriend niya.

Pinaharurot na lang niya ang kotse hanggang sa eskwelahan.

Napansin ni Bella ang sasakyan ni Kai na nag-overtake sa sasakyan ni Ken. inambaan niya ang sasakyan ni Kai mula sa likuran.

Napansin siya ni Ken. "Is that your boyfriend's car? LQ kayo ngayon?" nakangisi na tanong nito.

"Hindi kami LQ dahil hindi naman talaga kami." sabi niya dito. Naikwento niya na sa kaibigan kung ano talaga ang status nila ni Kai.

"But I can really tell na gusto ka niya."

Napalingon si Bella bigla sa kaibigan. Si Kai may gusto sa kanya? No Way! Baka gustong sakalin pwede pa.

"Hay naku friend, I don't believe you. kasing-tigas ng bato ang puso ng taong iyon. Halos kulang na nga lang sabihin sa akin na burahin ko yung picture niya sa timeline ko. Hmp!"

Ayaw niyang umasa. Mahirap nang mainlab tapos masasaktan sa huli. Pansin niya na mabenta si Kai sa kababaihan at sigurado na magkakaroon lang siya ng sakit ng ulo.

"Hindi ko siya nakikita right now but I can feel that he is jealous."

"Haay, kanina ang ganda ng usapan bakit biglang napunta sa kanya?" reklamo niya.

Tumawa si Ken. "Let's bet? Sigurado ako na may gusto sa iyo ang boyfriend mo, tulad nga ng sabi mo kasing tigas siya ng bato kaya hindi pa siya umaamin."

Inikutan niya ito ng mata. Kilala niya bilang babaero ang kaibigan pero tanging kapatid lang ang turingan nila sa isa't isa. Noon pa man alam niya na may gusto ang lalaki kay Maya, ang kapatid niya sa ama pero hindi naman ito sinusuklian.

Isang kilalang aktor ang Daddy ni Bella pero hindi alam sa publiko na anak siya nito. Tanging ang Pamilya lang ng Daddy niya ang nakakaalam tungkol sa pagkatao niya bukod sa Mommy niya na may asawa na rin na iba at kasalukuyang nasa ibang bansa. Ang unit na tinitirhan niya ay pag-aari ng Daddy niya na binigay nito sa kanya ng lihim sa pamilya nito.

She learned about Cally because MGM manages her Dad.

Naputol sa isipin si Bella nang huminto ang sinasakyan niya sa tapat ng school. "Pa'no, uuna na ako. See you later." sabi niya kay Ken.

Isang saludo ang sinagot nito sa kanya bago umalis.

Tumuloy lang siya hanggang sa klase. Late na siya. "Sorry Ms. I'm late."

Nakasimangot ang instructor niya pero pinatuloy pa rin siya nito. Pagpasok niya sa klase hindi akalain ni Bella na may bago siyang problema. Kampante kasing nakaupo si Kai sa tabi ng upuan niya. Nilingon niya si Oscar na talagang katabi niya na napunta sa likuran malapit sa basurahan.

Kumunot ang noo niya at nilipat ang paningin kay Kai. Pinaalis kaya nito si Oscar sa upuan? Umupo siya sa pwesto niya sa tabi ni Kai. Sabay ng pag-upo niya ang paglapag nito ng notes nito.

"Simulan mo nang mag-take ng notes for me."

"Why?" bulong niya dito.

"Because you are my girlfriend. Nakalimutan mo na?"

"Hmp! Kabago-bago, Bully" bubulong-bulong sa sarili si Bella.