Chapter 87 - Boyfriend Material

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos ang klase binalik ni Bella ang notebook ni Kai. "Eto na ang notes mo. Wala ka namang ginawa kung hindi ang matulog sa klase, tapos ako taga-sulat?" 

"Hindi ako basta nakapikit lang. Ninanamnam ko ang sinasabi ng instructor natin. That's how I learned things. I feel the lessons through his voice."

Bella "...." 

Maghapon niyang pinakiramdaman ang binata at alam niyang natutulog lang ito, tapos sasabihin sa kanya ninanamnam yung lesson? Edi sana lahat ng estudyante tulad ni Kai di ba? Sana all! 

Inikutan niya ito ng mata saka nagbrowse sa cellphone. Bigla niyang nakita na showing na yung palabas na 'The Story of Me and You'

"Ahhhh!!!!" tili niya. Paborito niya kasi ang aktres na si Megan Da at aktor na si James Red. 

"Hey anong nangyari sa 'yo" nabigla si Prin sa pagtili niya. 

"Samahan mo ako manood ng sine! My friend! Showing na! Showing na yung palabas ni James Red na The Story of Me and You!" halatang fan ito ng kung sino man na artista na iyon. 

Gusto sanang sumama ni Prin kaya lang nasa bahay pa ang kambal at nangako siya sa mga ito na tuturuan niya ang dalawa ng karate.

Bigla niyang nakita si Kai na seryosong nakatitig sa excited na si Bella. 

"My friend, hindi ako pwede eh may plano na kasi ako ngayong hapon. Si Leader MB5 na lang ang sasama." mungkahi ni Prin. 

Biglang natigil si Bella sa sayang nararamdaman at napalingon kay Kai na walang makitang emosyon. 

"Tutal boyfriend mo naman iyan di ba? Sakto at mag-date kayong dalawa." nakangising sabi ni Prin. 

"Alam mong hindi totoo iyon, 'di ba?" bulong ni Bella kay Prin dahil may mga estudyante pa sa loob ng kwarto. 

"Okay lang iyan. MB5! Pinapasa ko ang obligasyon mo ngayong hapon kay Bella." tinapik pa niya ng dalawang beses sa balikat si Kai na biglang sumimangot. 

"Ayokong mag-alaga ng fan girl!" reklamo nito. 

Pinukulan ito ni Bella ng matalim na tingin. "Okay lang! Huwag na Prin. Itetext ko na lang yung kaibigan kong si Ken" sabi niya saka nagsimulang magtype sa cellphone. 

Inagaw agad iyon ni Kai. 

"Matagal na akong hindi nanonood ng sine. Simula ng magpunta ako ng Japan, hindi na ako nakakanood ng sine. Kaya huwag mong isipin na gusto kong sumama sa iyo. Isa pa ikaw ang sasagot ng ticket dahil gusto mong manood ng pelikula ni James Bond at saka gusto mo akong isama na manood." mahabang litanya nito. 

Prin "...."

Bella "...."

"James Red!" pagtatama niya. 

Saka Teka! Kailan niya sinabi na gustong-gusto niyang isama ang lalaki na manood ng sine? 

Sa haba ng litanya ni Kai, wala siyang maisip na isagot dahil naipamukha na nito sa kanya na gusto niya itong isama na manood ng sine kaya siya ang sasagot sa ticket. No more buts! 

"O siya bye guys!" paalam ni Prin.

"Tara na, baka gabihin pa tayo" sabi ni Kai sa kanya na wala ng 'pero-pero' o 'bakit, ngunit at datapwa't'. Saka nito sinauli ang cellphone niya. 

Sumunod na lang siya dito hanggang sa makarating sila ng sinehan dahil mukhang wala na siyang magagawa. 

Parang nasa alapaap ang pakiramdam ni Bella dahil mapapanood niya na ang inaabangan niyang pelikula ni James Red at Megan Da. Nagniningning ang mata niya. 

Si Kai sa tabi niya ay iritable na naman dahil nakapila na naman sila. 

'Hmp!' Hindi niya na lang ito pinansin. 

Nakareserve naman na sila ng ticket. Iyon nga lang, kailangan pa rin nilang pumila dahil sa dami ng customers. 

Pinagmamasdan ni Kai ang mga manonood na sweet, may bitbit pang popcorn at soda. Naglalampungan kahit maliwanag. Unang beses niyang manonood ng sine kung tutuusin at 'romance' pa ang tema kaya mas lalong wala siyang ideya. 

Sa Taiwan ay sa mini theater ng bahay lang nila siya nanonood, wala siyang ideya sa big screen. Medyo naiinis siya ngayon dahil ayaw niya ng mga pabebe na katulad ng mga nakikita niya sa mga magnobyo na nagyayapusan. 

"Bumili ka ng popcorn!" utos niya kay Bella. 

"Ano? Ililibre na naman kita?!" angil ni Bella dito. Namimihasa na ang lalaki sa palibre sa kanya. 

"Natural! Dahil gusto mo ng kasama. Kaya lubus-lubusin mo na dahil hindi ko kilala si James Bond" 

"James Red!" 

"Whatever..." balewala na sagot nito. 

"Eto yung cellphone ko para sa QR. Kapag naglock 1234 lang ang password." 

"1234? Nag-password ka pa!" 

"Wala kampake!" angil ni Bela. Saka inabot dito ang cellphone niya. 

Naiinis na siya kay Kai. Talagang sa social media niya lang ito boyfriend kasi hindi siya BOYFRIEND MATERIAL sa totoong buhay!