Chapter 88 - Fall in love

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nang umalis si Bella sa tabi ni Kai, may nagpa-cute agad sa binata. 

"Kuya, may kasama ka?" tanong ni ate girl. 

Hindi niya ito pinansin dahil obvious naman na hindi siya manunuod ng sine ng mag-isa. Tingin niya dito ay nagtatanga-tangahan. Tinitigan niya ito ng matalim kaya ito umalis sa harapan niya.

Nabigla si Kai nang tumunog ang cellphone ni Bella. May tumatawag sa babae. Kumunot ang noo niya na makita ang pangalan ng caller --si Ken. 

'Hindi ba ito yung Ken na kaibigan ng maliit na babae?'

Naalala niya pa ang ngitian ng dalawa sa loob ng sasakyan nang umaga ng araw na iyon. Sinagot niya ang tawag.

"Yes?"

Halatang nagulat ang kausap niya sa kabilang linya. "Sino ito? Nasaan si Bella?"

"Boyfriend niya. Bumibili siya ng popcorn dahil manunuod kami ng sine" halata ang pang-iingit sa boses niya.

"Oh? Kung gan'on enjoy kayong dalawa. Malamig sa loob ng sinehan kaya dapat naka-ready ang braso mo para yakapin siya. Naka-ready na rin ang panyo mo dahil sigurado na iiyak iyon sa loob. saka--."

"Alam ko ang gagawin ko kasi ako nga ng boyfriend di ba? Bye!" sabi niya saka binaba ang tawag. Nakaramdam siya ng inis dahil kailangan pa siyang turuan ng kung sino man na kihote na ito. 

Matapos makuha ang ticket, sinilip niya si Bella na naka-pila sa bilihan ng snacks. Binuksan niya ang cellphone nito gamit ang password na 1234. Bumungad sa kanya ang magandang selfie ng babae sa wallpaper. Aminado naman siya na maganda talaga ang babae. 

Ang ginawa ni Kai, nag-selfie din gamit ang cellphone ni Bella. 

"Anong ginagawa mo?" nilingon niya ang nagtatanong na si Bella, tapos na palang bumili ng pagkain nila ang babae.

"Obviously, I am doing a selfie" tila wala siyang paki-alam kahit pa si Bella ang may-ari ng cellphone. 

"Why? Sa huling pagkakatanda ko ako ang may-ari ng cellphone na iyan" mataray na sabi pero hindi man lang naapektuhan si Kai.

"Because you are going to post it on your social media na nanonood tayo ng sine." 

Natahimik si Bella dahil natural na maganda ang ideya ng binata. Kung magkasama pa silang dalawa sa picture mas kapani-paniwala. Mukhang narinig din nito ang iniisip niya.

"Come here. Mas kapani-paniwala kung dalawa tayo." sabi nito. wala na siyang nagawa dahil inakbayan na siya nito at idinikit ang mukha sa kanya. 

"Say cheese!"

Sa bigla ni Bella, napalingon siya sa mukha ng lalaki saka niya nadinig ang shutter ng cellphone. 

Ayaw man niya pero dumaloy ang kilig sa buong pagkatao niya. Ang bango kasi ni Kai. Sa lapit ng leeg nito sa ilong niya, hindi nakaligtas ang mabangong amoy ng cologne nito. Napatigil siya bigla.

"Ayan... Perfect! you really look like a girl in love with her boyfriend in this photo." tila nasisiyahan na sabi nito saka binalik ang cellphone sa kanya. 

Namumula ang pisngi ni Bella lalo na ng makita niya ang 'obra' ni Kai. tulad nga ng sabi nito mukha siyang in love doon sa lalaki. 

"P-pasok na tayo…" sabi niya saka nagsimulang maglakad para makaiwas dahil hindi-hindi niya iyon ilalabas sa public. Agad siyag nakabawi sa day dream.

"Hindi mo pa pino-post yung picture natin." puna pa rin nito.

"Bakit kaya hindi ikaw ang mag-post sa social media mo?! Bakit sakin?" angil niya dito.

"Dahil wala akong account. Share it with me, then" hinablot nito ang cellphone niya at ito ang kusang nagpasa ng picture sa sarili nitong phone. 

Nakatitig lang si Bella sa lalaki hanggang sa isauli ulit sa kanya ang cellphone. Hindi siya pwedeng ma-in love sa lalaki. Ito ang nasa isip niya habang nakatitig dito.

"Perfect!"natutuwa na sabi nito. 

=====

Bukas pero dim ang ilaw sa loob ng sinehan dahil hindi pa nagsisimula ang palabas. Hinanap nilang dalawa ang upuan na nireserba ni Bella. 

Yakap-yakap ni Bella ang malaking lagyanan ng popcorn pati na ang dalawang soda. Ang walang hiyang Kai hindi man lang siya tulungan sa pagbitbit. Napapa-isip tuloy siya kung saan banda ang nakakakilig sa pagkatao ng lalaki at bakit marami sa ka-eskwela niya ang may gusto dito.  

'Hmp! Kung alam niyo lang!'

Nagmamatyag lang si Kai sa loob ng sinehan dahil unang beses niya na makanood ng sine. Hanggang sa matapos ang palabas. 

Unang napuna niya ang kilig ng kasama niya sa bidang lalaki at hindi nag-iisa si Bella. Napansin niya na madami ang kinikilig sa lalaki.. 

Napapansin niya rin na naghahalikan na ang ibang couple sa paligid. Madilim doon pero hindi iyon nakaligtas sa kanya dahil isa siyang Dark Guard. Ang totoo hindi naman kailangan na makita niya iyon, sa pakiramdaman lang alam niya kung ano ang ginagawa ng mga tao sa paligid. Napapailing na lang siya.

Nang malapit na matapos ang pelikula, napansin niya na umiiyak na si Bella sa tabi tulad ng sabi ni Ken sa kanya. Sumisinghot-singhot ang kasama niya na halatang umiiyak na ito. 

'Geez!' hinubad niya ang suot na Jacket, kinuha ang panyo doon at pinaharap niya ang babae. Pinunasan niya ang luha nito. 

Natigilan naman si Bella sa inakto ni Kai. Sa kakaunting liwanag mula sa screen, kita niya ang seryosong mata nito habang seryoso rin na pinupunasan ang luha niya.

Maya-maya, pinatong sa balikat niya ang jacket na suot nito kaya pakiramdam niya ay niyakap siya ng lalaki dahil nakaramdam siya ng init.

'Punyemas talaga!' Paano niya susundin ang sarili na huwag ma-inlove sa lalaki kung ngayon pa lang nahuhulog na siya dito?