Chapter 96 - Rebellious Child

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Habang nag-aagahan ang Mayor, ang unang Ginang at si Luna. Isang grupo ang kumatok sa tahanan nila. Hinarap ito ng tumatayo bilang kanang-kamay ng Mayor na pumalit kay Marvin. Matapos malaman ang pakay ng grupo, dali-dali itong nagpunta sa dining area. 

"Mayor, may problema!" tumingin ito sa mag-anak na tila may ngiti pa sa mga labi. 

Nakakunot ang noo ni Mayor Villanueva na hinarap ang Assistant niya. "Siguraduhin mong importante ang kailangan mo sa akin." 

"Mayor, walong attorney ang nasa labas at kinakasuhan si Miss Luna." Sabi ng kanang kamay ng Mayor. 

Nagkatinginan ang tatlo sa pamilya. Napalunok si Luna. 

"Anong ibig mong sabihin?!" Agad na tumaas ang boses ni Mayor. 

"Walong mga kilalang abogado po ang mga nasa labas Mayor at nais lang na sabihin sa inyo ng personal na dinedemanda ni Master Cally Han si Miss Luna."

Nanlaki ang mata ng tatlo. "Ang kapal ng mukha ng lalaking iyan. Si Luna na nga ang agrabyado, siya pa itong magdedemanda?! Hala, sige papasukin mo iyan?!" galit na sabi ni Mayor. 

Napalunok si Luna. Bumalot ang takot sa katawan niya at inalala ng mabuti ang mga ginawa. Ginawa niya lang ang sa palagay niya ay tama kahit hindi pa siya nag-iisip. 

"Dad anong gagawin ko?" nanginginig ang labi na tanong niya. 

"Anong gagawin mo? Walang iba kung hindi ang idemanda din ang Cally Han na iyan! Mukhang kulang ang mga tao na binayaran ko para guluhin siya! Ha! Pwes, magkakasubukan na kami." Agad na hinarap ni Mayor ang walong Attorney. 

Kilala niya ang pinuno sa walo, isang babae iyon na ilang kaso na ang naipanalo, si Attorney Becky. Dito lang sa abogado na ito ay siguradong kakabahan ka na, bukod pa sa pito pa na nakasunod dito. Napalunok si Mayor sa grupo ng Abogado na meron si Cally. 

"Hindi na kami magpapaliguy-ligoy Mayor. Kinakasuhan ni Master Cally si Miss Luna ng Grave Slander dahil sa mga kasinungalingang pinahayag niya ng nakaraang araw. At dahil din doon, nalugi pati ang stocks ng MGM sa nangyari. Kalahating bilyon ang hinihingi ng MGM bilang danyos." may awra ang babae na walang kinakatakutan at diretso ang pakay sa kanila. 

Nanlaki ang mata ng Mayor. 

"Anong ibig mong sabihin. Ang anak ko na nga ang namolestiya, kami pa ang magbabayad?!" galit na sabi. 

Ngumisi ang Abogado at nagtaas ng kilay. "Mukhang hindi nanonood ng balita si Mayor? O kaya naman walang wifi dito sa bahay niyo?" nang-iinis at makahulugan na sabi nito. 

Tumingin ito kay Luna na nakayakap ng mahigpit sa Mommy niya. Tinanggal nito ang salamin sa mata at pinunasan pa iyon. 

"Kung ako sa iyo Miss Luna, magsimula ka nang magbilang ng pera dahil hindi lang pangalan ni Master Cally ang sinira mo, pati ang pangalan ni Mayor. Find your best Lawyer on the planet or else you have to pay 500 million because the truth is always behind your back." Iyon ang huling mensahe nito saka isa-isang nagsipaglabasan. 

"Anong ibig sabihin nito? Anong truth?!" habol ng Mayor sa mga Abogado. 

"Bye Mayor!" ang huling mensahe ni Attorney Becky. 

Inabot ng kanang-kamay niya ang bagong nagtrending na balita sa internet. "M-mayor, i-ito po ang sinasabi ni Attorney.."

Pinindot nito ang play button sa cellphone para mapanood ni Mayor ang video. Video ng CCTV sa restaurant. 

Matapos mapanood ang lahat, natulala si Mayor. Galit na tumingin siya kay Luna. Hinila niya si Luna na nakayakap sa asawa. 

"Mapapatay kitang bata ka!" saka sinampal ang nag-iisa niyang anak. 

"Nagtiwala ako sa iyo! Sinabihan na kita noon na hindi isang simpleng tao si Cally! Kung hindi ka niya nagustuhan sana sinabi mo na lang ng maaga kaysa nagsinungaling ka!" tila sinapian ng demonyo ang Mayor. Nagkikiskis ang ngipin nito sa galit na halos madurog na iyon. 

Nasapo ni Luna ang pisngi niya at agad na dumaloy ang luha sa mata.

"Dad…"

Sasampalin pa muli ni Mayor si Luna ngunit napigil na ito ng unang ginang. 

"Please, please Honey!!! stop it!" pigil ng asawa niya. Dumadaloy na rin ang luha sa mata nito. 

"Hindi ko maintindihan kung saan ka nagmana ng katangahan?! Alam mo ba ang ibig sabihin kung hindi mo mababayaran ang danyos na hinihingi ni Cally? Ha!" isang sampal muli ang pinakawalan nito sa pisngi ni Luna. 

"Honey.." 

"...Makukulong ka! Sinabihan na kita noon na hindi isang simpleng tao si Cally kahit ang asawa niya ay hindi simple!!!" halos mawarak na ang gilid ng labi nito sa sobrang galit at singhal. 

"Dahil sa ginawa mo! Nasira ang reputasyon ko bilang sinungaling na Mayor sa mamamayan dahil nagtiwala ako na hindi magsisinungaling ang anak ko sa'kin!" 

Iyak lang ng iyak ang mag-ina. "Hala! Sige! Ako mismo ang maghahatid sa iyo sa kulungan!" 

Napapailing si Luna. "No… Dad… Ayoko.. Ayokong makulong." 

"Kung ayaw mong makulong, magpakasal ka kay Mr. Sy dahil siya lang ang may kakayahan na magbayad ng danyos na ginawa mo!" 

Natigilan si Luna. Kilala niya ang sinasabi ng Dad niya. Matanda na ang lalaking iyon. Hindi pa siya naikakasal, kinikilabutan na ang buong pagkatao niya. 

"Dad, ayoko!" 

"Gaga ka! Kalasanan mo kung ano man ang kahihinatnan ng buhay mo! Kung naging matalino ka lang sana!" 

"I-I paid someone para madelete ang CCTV sa kwarto na iyon, I never thought na nakuha pa rin ni Cally." pagdadahilan ni Luna. 

Umismid ang Mayor. "Pinatunayan mo lang na bobo ka talaga! Kahit bayaran mo pa ang lahat ng hacker na meron sa bansa para mabura ang files na iyon, makukuha at makukuha ni Cally iyon dahil pinsan niya lang naman si Matthew Lopez!" napapailing si Mayor. 

"Mahina ka mag-isip pero malaki at mataas ang kinalaban mo! Boba!" singhal ng Mayor. 

Sa mga panahon na iyon, isang genius si Mat-mat sa larangan ng computers. Isang kilalang hacker na nakabase sa Amerika. Walang mukha si Mat-mat sa publiko dahil sa sobrang mailap ito sa mga tao at tanging pamilya lang ang talagang may larawan ng tunay na anyo at itsura ng binata.