Simula pa lang ang laban ni Cally kay Luna dahil alam niya na ang kalaban niya talaga sa huli ay si Mayor Villanueva.
Matapos mailabas ng grupo ni Cally ang video, bumalik na muli ang stocks ng MGM sa normal at nakatanggap pa ng regalo si Cally at Prin mula sa kung kani-kanino.
Madami ang nagtaas ng kilay kay Cally lalo na mula sa mga shareholders nang lumabas ang isyu ni Luna.
Sino ba naman ang may gusto na bumaba ang stocks ng kumpanya di ba? Ang alam lang ng mga ito ay kung paano kikita. Ngayon, pilit na naman na dumidikit sa kanya ang mga ito dahil hinihingan niya ng malaking danyos si Mayor at ang anak nito.
Habang kumakain sila ni Cally ng agahan, naalala ni Prin ang tungkol sa parusa ng Dean. Ang totoo, hindi masasabi na parusa dahil gusto nila ni Kai ang gagawin.
"Husbie, 'nga pala, I forgot to tell you that I need to compete in Beach Volleyball"
Biglang angat ng tingin sa kanya si Cally mula sa kinakain "Beach Volleyball?"
"Yes. Dalawa kami ni leader MB5" sabi niya saka sinubuan ito ng isang hiwa ng mansanas.
Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Choose other sports. Not the beach Volleyball" simpleng sabi nito.
Kumurap-kurap ang mata ni Prin. Dahil wala siyang naintindihan sa sinabi ni Cally kung bakit hindi siya pinapayagan.
"Aha! I got it! You don't even understand.."
Parang pinagsakluban siya ng langit sa nadinig.
"Volleyball is my favorite!" alma niya
"Yes, Volleyball wearing a bikini. Choose tennis, sipa or jack en stone, or whatever. Not the beach volleyball."
"Should I have to wear a bikini in beach volleyball?" nagtaka si Prin. Nanlaki pa nga ang mata niya.
Napapailing si Cally. "Haaay, don't tell me you wore abaya tuwing may laban kayo sa Japan."
Pinukulan niya ito ng masamang tingin. "Not Abaya! But I always wear comfortable clothes. Why do I have to wear a bikini? Does my b.o.o.b.s size matter? Does it help me get a score? Do I have to flaunt my b.o.o.b.s to get a score? It's not as if I'm a beauty queen holding a ball"
Cally "...."
Napapailing si Cally. That how his Prin's way of thinking.
"Basta 'No' and that's final. Kapag sinuway mo ako, ipadadala kita sa arctic ocean. so you could wear your bikini."
Prin "...."
'No, I don't have the guts'
Hindi na siya sumagot. Nakasimangot na nginuya na lang niya ang pagkain na naiinis. Sa kanilang dalawa ni Cally, mas 'batas' ang sasabihin nito kaysa sa kanya.
"On your semestral break, let's go to Dubai for SkyDiving" suhestyon nito.
Nagliwanag ang mukha ni Prin sa nadinig. Pagkatapos kasi ng league, semestral break na nila sa eskwelahan.
"Oh! I love my husband so much! He's so handsome and loves his wife so much!" sabi niya na nayakap si Cally.
"Basta, No to beach Volleyball!" huling banta nito.
Nakangiti si Prin pero sa loob-loob ay nagdadalawang-isip na sumuway kay Cally.
=====
Unang napansin ni Prin nang makapasok sa loob ng school ay ang tingin na pinupukol sa kanya ng mga tao. Pinabayaan na lang niya ang mga ito dahil siguradong tungkol sa isyu nila ni Luna ang nasa isip ng mga ka-eskwela niya.
Tumuloy siya sa klase at natagpuan si Bella na nagb-browse sa cellphone nito. Iba ang klase ni Kai sa mga oras na iyon.
"How are you, my angel?" tudyo niya at binigyan ang kaibigan ng nakakalokong ngiti.
Inangat nito ang paningin sa kanya nang namumula ang pisngi.
"Kamusta kayo ni Cally?" pag-iwas nito.
"Kayo ni Leader Kai, kamusta?" akala ba nito ay mananalo ito sa asaran laban sa kanya.
"Ihhh!!!" nagtakip ito ng pisngi na halatang nahihiya.
"May kiss na bang naganap?" dagdag niya pa.
"K-kiss my Ass! Hindi pa nga nanliligaw 'yung tao sa akin. Kiss ka diyan!" Bulong nito pero may pagbabanta.
Tumawa si Prin. "Ikaw na ang mag-first move! Never been kissed pa si Leader Kai." dagdag na tudyo niya dito.
"ehh, I won't! I will never do that!" halata na ang pagkapula ng mukha ni Bella na maihahalintulad sa kamatis.
Nilabas ni Prin ang cellphone.
"So, what's with this photo..? My... Angel" sabi niya ng may pang-iinis. Binigyang diin niya pa ang salitang 'My Angel'
Namumula ang mukha ni Bella dahil karamihan sa school, ang tawag na sa kanya ay 'My Angel'.
Tulad na lang ng bumili siya ng ensaymada sa canteen ng nagdaang-araw. Tinawag siyang Angel ni ateng tindera. Yung guard sa gate at mga ka-eskwela na nakakasalubong niya sa daan.
Pati ang bilihan ng Milk Tea ay 'Angel' ang tawag sa kanya.
Naaaliw si Prin na tudyuin si Bella. Halatang kinikilig ang kaibigan niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay bigyan ng kaunting 'push' si Kai para maging official na ang dalawa.
"So, Bella my dear, dinala mo ba yung request ko?" tanong ni Prin matapos ang klase.
"Yeah! Here!" at inabot sa kanya ang paper bag na may laman na sports bra, bikini at puting short.
"Thank you!"