Chapter 98 - Beach Volleyball (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Alas-kwatro ng hapon ang laro ni Prin at Kai sa Sand by the Bay kung saan gaganapin ang competition ng school nila laban sa Green Lanterns.

Sakto naman na may isa't kalahating oras pa sila para mag-byahe. Kinita niya si Kai sa sasakyan nito na nakahalukipkip at naghihintay. Nakasimangot ito na makita siya pero nagliwanag ang pisngi nito nang masino ang nasa likuran niya.

Napapa-iling si Prin. Kahit hindi pa ito umamin ramdam niya na seryoso na talaga ang binata sa buhay-pag-ibig. "Salamat sa paghihintay, MB5."

Inikutan siya nito ng mata "kapag nalaman ni Shi Cally itong gagawin mo, labas ako dito ha. O siya, Pasok!" pinindot nito ang button ng susi ng kotse.

Isang ngisi ang sinagot ni Prin. Alam niyang love na love siya ni Cally, nakuha niya na ang bertud ni Master kaya hindi siya nito dadalhin sa malamig na Arctic ocean para mag-bikini kasama ng mga penguin.

"P-pwede akong sumabay?" tanong ni Bella sa binata.

"Wushuuu, nagtanong ka pa? Of course! He needs inspiration" tudyo ni Prin. Sabay na namula ang mukha ng dalawa.

"D'yan ka na sa tabi ni MB5 para hindi mawala ang closeness niyo sa isa't isa." sabi niya bago pinilit na isakay ang sarili sa likuran ng kotse.

Habang daan, Pansin ni Prin na hindi nag-uusap ang dalawa na para bang may anghel na nakapagitan sa mga ito. Naisip niyang tudyuin ang dalawa habang nasa likod siya ng sasakyan.

"MB5, where do you plan to get your first kiss? Girls loves a beautiful scenery. We like to have our first kiss to happen in a place that will give us an impression of L.O.V.E. Example, under a thousand of cherry blossoms trees or beside--" pangungulit niya.

Hinarap siya ni Kai dahil nag-pula ang kulay ng stoplight. "Tell us, does your first kiss happened under your cherry blossoms tree?" balik nito.

"Ahh…" Napakamot siya sa ulo.

"See?" Iiling-iling si Kai. Kahit siya na lalaki ay walang makitang ka-sweet-an sa pagkatao ni Cally. kaya maiisip ba niya na nagkaroon ng first kiss ang dalawa sa lugar na tulad ng payo ni Prin. Utot niyo Blue!

Gayunpaman, tumatak pa rin naman sa kanya ang sinabi ni Prin. He believes that his first kiss must happen in a beautiful scenery. There are a lot of places to consider. Sinopla niya lang si Prin para magtigil na ito sa naiisip nitong panunudyo. Napansin niya kasi si Bella na nasa tabi na pulang-pula na ang mukha dahil sa torture ng kaibigan nito. At may palagay siyang nagsimula pa ang panunudyo nito simula pa nang magkita ang dalawa sa klase.

Matapos ang ilang minuto, huminto ang sinasakyan sa parking ng 'Sand by the Bay' . Sinalubong sila ng Team Captain ng school nila, si Ronald kasama ang isang dalagang assistant ng Dean.

"Hey guys! Nakapagdala ba kayo ng uniform?" tanong nito.

"I just brought midnight blue plain sports bra, a bikini and a white short." sagot niya. Nasabihan na kasi siya na walang stock sa school ng uniform. Biglaan kasi ang pagsali niya sa league. Hindi tulad ni Kai na may available na beach short.

"Sorry ha." hingi ng paumanhin ng Assistant.

"Okay, napakiusapan ko naman na ang Committee at pumayag sila dahil naka green naman ang kalaban niyo." Sagot ni Ronald.

Doubles ang laban nila. Silang dalawa ni Kai laban sa isang babae at lalaki rin mula sa Green Lantern.

Tumuloy na sila sa shower room. Sinuot ni Prin ang bikini pati na ang sports bra. susuotin na sana niya ang puting shorts nang makita na may bahid ng mga itlog ng ipis ang puwitan ng shorts.

Nang tanggalin niya iyon, kumalat ang kulay brown sa puting tela na para bang nagpupu siya kung susuotin niya iyon.

'Shocks!'

"Bella…"

"Yes my friend?"

Binuksan niya ang pintuan ng cubicle. "May mantsa yung shorts" reklamo niya.

"Oh! Shoot! Sorry hindi ko kasi tsinek" nakangisi na sabi. Tiningnan nito ang awra niya. Wala namang nakikita na cleavage sa katawan ni Prin pero kitang kita ang kahubugan ng buong katawan.

Noon niya lang nakita na may maliliit na abs si Prin. Bilugang hita at matambok na puwitan na sasambahin ng kahit na sinong kalalakihan. Makapal naman ang bikini ni Prin at siguradong hindi lalabas o lilitaw ang 'palitaw' .

"My friend, you are soooo s.e.xy, no need the shorts! Maganda nga iyan ng makadistract ka ng kalaban" sabi nito.

Kagat ni Prin ang labi.

'Bahala na!'

Tinawag na sila ng kasama sa team kaya hinila na siya ni Bella patungong court kung saan naroon ang laban.

Habang daan hindi maiwasan na may mapalingon at ma-pasipol sa kanya. May mga ka-eskwela na rin sila na napasugod sa lugar dahil kay Kai. Gustong makita ng mga ito ang katawan ng lalaki.

Naghihintay na si Kai sa kanila doon at kausap si Ronald. Halata ang kilig ng mga kababaihan sa binata pero hindi nito pinapansin ang kahit na sino sa mga ito.

Kita ang pagka-maskulado ng katawan nito dahil sa suot nitong beach shorts. Pumuputok pa ang abs ng lalaki kaya halos tumulo na ang laway ng mga 'fans' nito.

"Kai, hubarin mo na ang shorts mo for us please!!!" sigaw ng isa.

"Hoy! Palalabasin ko kayo dito kapag nangulit pa kayo!" sigaw ng isang committee.

Lumapit si Bella kay Kai para bigyan ito 'Goodluck' habang si Prin naman ang kausap ni Ronald.

"Magaling na ba ang sugat mo sa kamay?" nag-aalalang tanong ni Bella.

"Hindi pa. Pero okay lang… My hands are still ready to hold you kahit magkadurug-durog pa… saka My Angel is watching, kaya I'll do my best to win." Nakaiwas ang tingin na sabi nito.

Nakagat ni Bella ang labi para pigilin ang kilig. Pinaupo siya nito sa isang silya saka sumunod kay Prin. Nakasunod lang sa kanila ang mata ng mga naiinggit niyang kaeskwela.

Bago magsimula ang laban, tumunog muli ang cellphone niya. At tulad ng mga nakaraan, sunud-sunod ang beep mula kung kani-kaninong cellphone sa paligid.

Nakita niya na may bagong post na naman si Kai. Nang silipin niya ang lalaki, kasalukuyan nitong ipinasok sa bag nito ang cellphone nito.

Pigil ang hininga na pinindot niya ang notification.

[KaiJeonJang :I will definitely win today, my Angel]

Nagsipaglaglagan na naman ang mga balikat ng mga kababaihan na ka-eskwela niya.

"Wala na, uwian na may nanalo na!"