Chapter 99 - Beach Volleyball (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"M-m-master, si Miss Prin… Naglalaro ng volleyball sa Sand by the Bay." Pigil ang hininga ni Xander habang binabalita kay Cally ang sitwasyon ni Prin. 

Natigilan saglit si Cally at para bang bumaba ang temperatura sa loob ng kwarto. May mga pinindot si Cally sa laptop nito at lumitaw ang kasalukuyang larawan ni Prin. 

Nakasports bra ang asawa niya ng kulay midnight blue. Kakulay ng tatsulok na bikini nito na hindi niya nagustuhan sa lahat. Kita niya pa ang paglitaw ng bilugan na pwitan ni Prin sa ibang mga larawan. 

Halata pa ang kasiyahan sa mukha ng asawa niya sa mga kuha nito. 

"P-pangalawang set na nila ngayon, Master" dagdag pa ni Xander. 

Biglang binagsak ni Cally ang screen ng laptop. Mukhang hindi nakuha sa banta niya ng umaga na iyon si Prin. Tinawagan niya ang Piloto niya at pinahanda ang private plane. 

Tinawagan niya rin si Mat-mat para burahin ang lahat ng larawan ni Prin sa kasalukuyan na makikita nito sa kahit na kaninong computer. 

"Geez, it's not as if she was n.a.k.e.d in this photo" nag-uusap pa lang sila, may kopya na agad ito ng picture. Ganoon kabilis pumindot ang pinsan niya. 

Hindi sumagot si Cally at nakuha naman nito ang signal. Mainit talaga ang ulo niya. 

"Fine! Fine! I'll send all these pictures inside your safe file. For your eyes only!" saka nito binaba ang tawag. 

=====

"Ate Angel!" Kalabit kay Bella ng nasa likod kaya nilingon niya ito. Namumukhaan niya ito bilang freshman sa school nila.

"Yung buhok mo 'te, inaapakan na namin sa sobrang haba" Tudyo nito. 

Pinukulan niya ito ng nakamamatay na tingin saka inirapan. Tulad ng dati, naka-bun ang buhok niya at may headband pa na tela sa ulo kaya alam niya ang ibig nitong ipahiwatig. Tinutudyo siya nito kay Kai. 

Binalik ni Bella ang tingin sa laro at nanlaki ang mata niya sa kalaban na lalaki ni Prin at Kai. 

Nagsimula na ang laban. 'Doubles' ang tema ng laban. Isang babae at isang lalaki. Nagkamayan muna sila Prin pati ang kalaban. Nagtaas ang kilay ni Kai nang humigpit ang pakikipagkamay ng lalaki sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. 

Hindi naman siya madadaan sa mga ganoong pagkilos. For him, it was a childish act. 

Unang nag-serve ang kalaban ni Prin at Kai. Tinira nito ang bola at braso ni Kai ang sumalubong doon. Sinalo agad ni Prin para i-set ang bola at saka nagpakawala ng isang malakas na spike si Kai. Diretso sa libreng space at bumagsak ang bola sa sahig. Puntos para sa kanila. 

"ahhhhhh!!!" tilian ng mga kababaihan na halatang fans ni Kai. Nag-apir si Kai at Prin.

"yes!" pati si Bella na nakaupo ay na-excite.

Si Prin ang sumunod na mags-serve. Nang marinig niya ang signal ng referee, tinira niya ang bola sa space na sa palagay niya ay libre pero nahabol ito ng kabilang team. Matapos ma-set at magbigay ng spike na tira, isang 'block' mula kay Prin at Kai ang sumalubong sa bola. 

Nasalo rin naman ng pulsuhan ng kalaban ang bola, iyon nga lang hindi maganda ang pagkakatira nito kaya tumalsik ang bola papagilid at hindi na nahabol pa ng kakampi nitong babae. 

Puntos muli para kay Prin at Kai. Nagsitilian na naman ang mga estudyante. 

Matapos nga ang isang set nanalo ang school nila. 

"Good Job guys! Mukhang tama ang desisyon ko na makinig kay Dean." masayang sabi ni Ronald. 

Inabutan sila ng tig-isang bote ng tubig ni Bella. Naiiling na lang si Prin dahil kakaiba ang tinginan ng dalawa. Para bang may sariling mundo ang mga ito at hindi sila nakikita. 

Tinabihan ni Kai si Bella." I told you, I will definitely win" 

"Hmm. Hindi pa nga tapos eh." 

Nilingon ni Kai si Bella. "yeah.. You are right!" 

Naputol sila sa usapan nang may mag-abot kay Bella ng maliit na note mula sa kabilang team. Nakakunot noo si Kai. 

"Pinapaabot ni Carter" sabi nito saka tumakbo na muli papalayo. 

[Hello My Loves, long time no see! - Carter] 

Inikot ni Bella ang paningin para hanapin ang lalaki. Nagtagpo ang mata nila nito saka pinakita dito ang pag-punit niya sa maliit na note nito. Natawa pa ito saka siya binigyan ng flying kiss, ang lalaking kalaban ni Prin at Kai. 

Kita naman ni Kai ang ginawa nito kay Bella. "Who is that guy?" usisa niya.

"Naalala mo yung sinabi ko na my first ever crush, that's Carter. Ang kalaban niyo ni Prin." sabi ni Bella na naiinis. 

"Your first ever official boyfriend?" tanong nito bago nilingon ang nakangisi na si Carter sa kabilang parte ng court. 

"Yes…" nahihiya si Bella. Sino ba naman ang may gusto na makita ang ex na makulit at mukhang may plano na mangulo rin?

Inayos ni Kai ang bangs niya dahilan para mapakislot si Bella. 

"Don't worry. Your current boyfriend will still definitely win against your ex" 

Lalong nagsipagbagsakan ang mga balikat ng mga kababaihan sa paligid sa nakikita na sweetness ng dalawa. 

Pigil naman ni Bella ang kilig.

"Hoi! Leader Kai, Ano na? Ano? Inspirasyon muna bago trabaho?" reklamo ni Prin dahil naroon na siya muli sa gitna ng court. 

Umalis si Kai sa tabi ni Bella na matalim ang tingin sa kalaban nila na lalaki. 

"Ate Angel!" Tawag muli ng freshman sa likod niya. 

"yung buhok mo hanggang EDSA na!"