Chapter 103 - Master of Icerbergs

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Brrr… Brrr.. H-h-hus.. bie.. I.. I'm cold.." nangangatog ang katawan ni Prin na yakap-yakap ang sarili at nakikiusap ang paningin niya kay Cally. 

Nagbago na ang isip niya na hindi siya kayang tiisin ni Cally. Maling-mali ang nasa isip niya dahil kayang kaya siya nitong parusahan. 

May apat na minuto pa lang ang nakalipas nang magulat siya nang tanggalin nito ang suot niyang trench coat. Ginamit nito ang pogi looks para maihubad sa kanya ang suot ng hindi siya makakapalag. 

Hindi niya akalain na tototohanin nito na parusahan siya na mag-bikini sa Arctic ocean. 

Kitang-kita niya pa ang mga iceberg sa paligid. Nagh-hello ang mga ito sa Master Cally nila na pinuno ng mga Yelo. 

Ganoon kabilis siya nitong pinarusahan. Hindi man lang siya nakapagpalit ng suot suot na bikini.  

Nakangiti lang si Cally habang hawak ang manibela ng bangkang gamit-gamit nila.

Silang dalawa lang ang laman ng bangka na mukhang inarkila ng lalaki o kaya naman ay binili nito. Ayaw nang isipin pa ni Prin kung alin sa dalawa dahil mas gusto niyang hanapin ang trench coat na hindi niya alam kung saan tinago ni Cally. 

Zero degrees ang lamig sa lugar o kaya naman ay mas mababa pa at idagdag pa ang hangin na yumayakap kay Prin kaya pakiramdam niya ay ipinasok siya sa freezer.

Hindi na niya maramdaman kahit ang sariling kamay at paa. Pakiramdam niya ay isa siyang karne na maninigas ano mang oras.

Alam ni Cally na kayang-kaya ni Prin ang parusa niya dahil nagawa nito noon na maligo sa ilalim ng falls ng madaling araw na may lamig na 5 degrees noong panahon ng training nito. Isang oras na nanatili ang lahat ng Dark Guard sa ilalim ng falls na halos maging yelo na ang buong pagkatao nila. 

Iniiwasan niyang tumingin sa katawan ng asawa na parang nag-aaya na kainin niya ito ng buhay. She was so s.e.xy in that small pieces of clothing. Nakadagdag din iyon sa init ng ulo niya dahil ilang oras na tiningnan ng mga kalalakihan ang katawan nito sa ganoong kasuotan. The picture he saw is understated. Mas nakakauhaw ang katawan nito sa personal kaya mas lalo siyang nag-aapoy sa inis.

Naiiyak na si Prin. "H-h-husbie, m...mamatay na ako sa lamig… brrrr… brr.." 

"Honey, konting kapit na lang at nasa destinasyon na tayo." malambing pa rin na sabi. 

Wala namang plano si Cally na patagalin ang asawa niya sa lamig. Gusto niya lang talaga na turuan ito ng leksyon. Kailangan niyang putulin ang namumuong sungay ni Prin. 

"H-hindi na ako uulit, p-promise!!!" nagkakakawag na si Prin para makakilos kahit papaano ang mga laman niya sa lamig. 

Punong-puno ng pakiusap ang mata ni Prin pero tila walang epekto kay Cally ang lahat. Wala siyang magawa kung hindi ang pumikit at isipin na nasa Pilipinas siya na mataas ang araw. 

'Mind over matter...'

'Mind over matter…' sabi niya sa sarili.

Kailangan niyang mag-meditate at paganahin ang utak na kaya niya ang lamig kahit nakabikini lang. Matapos lang ang sampung minuto, naramdaman niya na lang na sinuot sa kanya ni Cally ang suot-suot nitong makapal na jacket. 

Daig pa niya ang dinala sa kalangitan nang balutin siya nito ng suot na jacket. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya pero kulang pa din. Nagyeyelo na ang binti niya. Nangangatog siya ng sobra. 

Binuhat siya nito at bumaba sila ng bangka. Noon niya lang napansin na nasa land area na pala sila. Buhat-buhat lang siya nito hanggang sa pumasok sila sa nag-iisang log house na may maroon na pintura. 

Agaw pansin ang bahay dahil nasa gitna ito ng mayelong lugar. 

Inupo siya nito sa malapad at malambot na sofa saka nito binuksan ang chimney.

'hallelujah!' 

Maya-maya, nagagawa niya nang sumimangot sa lalaki na tila walang pakialam kung magrereklamo siya. 

May kinuha itong isang makapal na fleece sa isang cabinet at ibinalot sa katawan niya. Sa wakas ay naka-bawi ang katawan ni Prin mula sa sobrang lamig.

Matalim ang tingin na pinukol niya dito na sinalubong naman nito. 

"Yes Honey? What is it?" tila nang-aasar pa na tanong nito. 

"I want a divorce!"

Nagtaas ang kilay ni Cally. "Oh really? Kanina lang ay nakikiusap ka at sabi mo na hindi ka na uulit. Why the sudden change of heart?" 

Inirapan niya ito. Nilapit niya ang sarili niya sa chimney para mas mainitan pa ang katawan. 

"I hate you! You don't love me anymore." sabi niya. 

Hindi siya nito pinansin. 

"Binantaan na kita na dadalhin kita sa Arctic Ocean kapag nangulit ka na maglaro ng Beach Volleyball. Magpasalamat ka at hindi kita dinala sa norte kung saan makakasama mong naka bikini ang mga penguin."

At talaga naman na kailangan pa siyang magpasalamat? 

Maya-maya, lumapit sa kanya si Cally at niyakap siya nito mula sa likuran. 

"Lumayo ka sa akin dahil mabaho ako." 

Inamoy-amoy nito ang leeg niya. "Wala akong naamoy na mabaho. Saka kahit mabaho ka pa ay a-amoyin pa rin kita. I have to accept my wife kahit amoy-penguin pa siya" 

Aminado naman siya na nakatulong si Cally para mas lalo siyang mainitan kaya hinayaan niya na lang ito na yakapin siya ng mahigpit.