Chapter 102 - Punishment

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sumunod lang si Prin kay Cally hanggang sa makasakay ng private plane nito. Ikalawang beses niyang makakasakay sa eroplano ng asawa niya. Ang unang beses ay noong bagong kasal silang dalawa na pabalik ng Pilipinas mula UK.

"Husbie…" Tawag niyang muli kay Cally. 

"Sit!" utos nito. Halatang mainit pa ang ulo nito.

Nakanguso siya na sumunod. Nanlilimahid pa ang pakiramdam niya dahil hindi na niya nagawang magshower matapos maglaro.  Basta na lang siya sumunod kay Cally nang makita niya ito na parang anak ng apoy dahil sa galit. Sumunod siya kahit pa puro buhangin ang katawan niya. 

"Honey…" tawag niya.

"Honey, I need to take a shower" parang maiiyak na pakiusap niya.

Hinarap siya nito sa unang pagkakataon. "You don't have a right to make any kind of request." Pagtatapat nito.

Natameme si Prin. Halata kahit sa boses ni Cally na galit talaga ito. Hindi niya alam kung paano susuyuin ang asawa niya dahil mukhang hindi ito madadaan sa pagpapa-cute niya.

Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Nagpasalamat pa rin naman siya at nagawa siyang bigyan ng pagkain. Tahimik lang si Cally habang sumusubo ng pagkain. Siya naman ang nakaramdam ng inis kaya nangigigil ang paraan ng paghiwa niya sa steak na kakainin. 

Kinuha ni Cally ang plato niya at ito ang naghiwa ng steak sa maliliit na cut bago binalik sa kanya ang plato. 

Kahit pa natuwa siya sa simpleng gesture na iyon, naiinis pa rin siya. 

Matapos niyang maubos ang kinain, tumingin lang siya sa labas ng bintana na halos puro ulap ang nakikita. Nang mapagod ang mata o mas tamang sabihin na na-boring siya ay nahiga siya sa nag-iisang kama at nakatulog. Nagising lang siya na nakayakap sa kanya si Cally. 

Hmp! Nagagawa pa siyang yakapin samantalang pinarurusahan pa siya nito. 

'Hindi tayo bati!' isip-isip niya habang nakatingin sa nakapikit na si Cally. Gusto niyang ahitin ang kilay nito sa mga oras na iyon dahil binibigyan siya ng cold shoulder.

Matapos matitigan ang mukha nito, wala siyang nagawa kung hindi ang gantihan ang yakap ni Cally. Ganoon yata talaga ang buhay, nakakalimutan niya ang lahat makita lang ang mukha ng asawa. 

Nagtataka lang siya dahil parang napakahaba yata ng biyahe nila. Saan sila papunta ni Cally?

Siniksik na lang niya ang sarili kay Cally saka natulog muli.

Nagising muli si Prin na nakatigil ang eroplano sa isang ma-snow na lugar. Inikot niya ang paningin para hanapin si Cally at natagpuan niya ang asawa na nagtatrabaho na sa lazyboi at nasa ibabaw ang laptop nito. 

Sinimulan niya muli itong kausapin.

"Husbie… I'm sorry na kung ano man ang kasalanan ko." parang maamong-tupa na sabi niya dito.

"So, hindi mo alam ang kasalanan mo?" sabi nito habang patuloy na nasa screen ang mga paningin. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin. 

Napakagat-labi siya. Nilapitan sila ng co-pilot. "Master, may gusto ba kayong kainin o request bago tayo lumipad patungong Ilulissat?" tanong nito. 

"Honey, do you have a request?" malambing na sabi nito.

"ah--" 

"She doesn't have a request. Thanks!" 

Prin "...."

Nalukot ang ilong ni Prin sa inaakto ni Cally. "May request ako. Gusto kong bumaba at maligo!" pilit niya. 

Napilitan si Cally na iangat ang paningin sa kanya. "Dadalhin kita sa Ilulissat at doon ka pwedeng maligo." sabi nito. 

"Ilulissat?" ulit niya. Where the hell is it? 

"Okay lang na hindi ako maligo basta hindi mo 'ko pwedeng yakapin!" mataray na sabi niya sa lalaki saka ito inirapan. Nakanguso na humiga muli siya. Papayag ba siya na maamoy nito ngayon na mabaho siya?

Ang suot ni Prin ay tanging trench coat at ang suot niya ng match. 

Nangangarap siya na maligo samantalang hindi nga siya sigurado kung may pamalit siyang damit. 

Ilang oras pa silang nagbyahe sa ere at sa totoo lang ay sumasakit na ang puwit niya kauupo at kahihiga sa kama nang sa wakas ay magdeclare ang Piloto na naroon na sila sa destinayon.

Puro yelo ang nasa paligid at alam niya na nasa malamig na parte sila ng planet earth. Kinumpiska ni Cally ang mga gamit niya kaya wala tuloy siyang paraan para macheck ang lugar kung nasaan sila.

"Are you ready?" seryosong tanong ni Cally. 

"Where are we?" 

"Ilulissat"

Nakakunot-noo siya at hindi alam kung saan ang lugar na iyon. 

"...Greenland." dugtong nito. 

Nanlaki ang mata ni Prin. Bigla siyang natuwa. Unang beses niya kasi na makapunta ng Greenland kahit hindi niya alam kung saan parte ng mundo iyon. It sounds good to her ears at alam niyang maganda ang lugar.

Nilapit niya pa ang sarili sa braso ni Cally sa sobrang katuwaan. Inangat lang nito ang gilid ng labi ng lihim. 

Pagbaba nila ng eroplano, nanuot agad ang lamig sa buong katawan ni Prin. Inalalayan siya nito na makasakay sa naghihintay na itim na kotse. She was excited kahit pa hindi niya alam kung saan sila patungo. 

Alam niya na maraming trabaho si Cally sa Maynila kaya paano nito naisip na magbakasyon. Maisip lang na makakasama niya ng ilang araw si Cally ay sobra-sobra na ang tuwa niya. 

Nakadagdag pa sa tuwa niya ang maisip na hindi talaga siya matitiis ng lalaki at nagawa pa siya nito na dalhin sa Greenland. 

Abot hanggang tenga ang pagkakangiti ni Prin hanggang sa huminto muli ang itim na kotse malapit sa karagatan. She was excited dahil mukhang mags-sail sila sa dagat.