Chapter 101 - Biggest Fan

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tahimik at sabay na naglalakad si Bella at Kai papuntang sasakyan ng binata. Katatapos lang ng match. Inaasahan na nila na susunduin talaga ni Cally si Prin kaya dalawa sila ni Bella ang naiwan.

Nakatingin si Kai sa kamay ni Bella at halos aabutin niya na lang iyon nang mag-ring ang cellphone niya. Bigla niya tuloy binawi ang kamay at kinuha sa bulsa ang cellphone.

'Shogun' ang nakalagay sa screen. Napasimangot siya na makita ang pangalan na iyon, siguradong tungkol kay Prin ang dahilan nito.

Napatigil din si Bella sa paglalakad at nilingon siya.

"Shogun..." sagot ni Kai sa cellphone nito.

"MB5, you are suspended for one month! Kailangan mong umuwi sa Hsinchu at hindi ka pwedeng lumabas ng Taiwan ng isang buwan. Ako ang tatawag sa iyo kapag tapos na ang parusa mo o kapag napa-aga."

Napapikit si Kai sa parusa niya. "Isang buwan?"

"Yes, dahil hindi mo nagawa ang trabaho mo na mabantayan ang kalokohan ni Prin. Seriously, anong nangyari at pinayagan mo ang isang iyon sa kalokohan niya?"

"It's as if I have a choice. Alam mo naman ang isang iyon, kapag ginusto niya ay walang makakapigil. Si Shi Cally nga ay nagawa niyang suwayin ano pa ang isang tulad ko na hamak na taga-bantay?" Reklamo niya.

Malakas ang tawa ni Lorenz sa kabilang linya. Naiintindihan kasi nito si Kai.

"Huwag kang tumawa diyan. Mag-abang abang ka lang dahil sa susunod na match kukunin ko sa iyo ang Shogun position." Pagbibiro niya.

"Well, come and get it!" Napangisi ito sa kabilang linya.

"By the way, I saw your 'Angel'. Good luck na lang dahil mawawalay ka ng tuluyan sa kanya." Pang-aalaska nito sa kabilang linya.

"Pakyu kayo ni Shi!" Singhal niya dito.

Tawa ito ng tawa "Check your e-ticket in your email box, napadala ko na. Tonight is the night" saka binaba ang tawag.

Nanlaki ang mata ni Kai. Ganoon kabilis?! Tinitigan niya ang cellphone at nag-iisip ng gagawin.

"M-may problema ba?" Nagtataka si Bella na lumapit kay Kai.

Inangat ni Kai ang paningin sa magandang mukha ni Bella. Gumaan ang pakiramdam niya na makita ang kumikinang nitong mga mata na mas maganda pa sa mga bituin. "Let's go home..."

Tumango ito. "Yep. Di ba pauwi naman na talaga tayo?"

"Nope, not that home. I mean, my home in Hsinchu"

Agad na namula ang pisngi ni Bella.

"I'll ask permission to your Mommy or your Daddy na isasama kita." Seryosong sabi ni Kai.

Tila dinala sa alapaap ang pagkatao ni Bella. "My Dad is super busy and my Mom is in Venice."

Napakamot si Kai na para bang bigla itong nagkaproblema. "I need to go home tonight" paalam nito.

Umangat ng kaunti ang labi ni Bella at gusto niyang magtanong pero nagdadalawang-isip siya at nahihiya na rin. Inakay na siya nito patungong sasakyan.

Tahimik lang siya sa byahe. Hindi maiwasan na mag-isip si Bella kung bakit ang sweet ng binata sa kanya. Ayaw niyang masabihan pagdating ng araw na namis-interpret niya lang ang mga pinakita nito.

Baka sa huli, sabihin ni Kai na pinatulan lang nito ang sinimulan niyang pagpapanggap. Nakaramdam ng lumbay si Bella habang nakaupo sa passenger seat.

Mukhang naramdaman ni Kai na nalungkot siya hanggang sa tumigil ang mga paa nila sa tapat ng unit niya.

"Bella, sama ka na sa 'kin tonight" narinig niyang sabi nito.

"Kai Jeon Jang." Tawag niya sa pangalan nito habang nakatalikod sa binata at nakaharap sa pintuan ng unit niya.

"Why are you like this? Why are you so… sweet?" Mahinang tanong mula kay Bella.

Kumunot ang noo ni Kai. "It's because you are my girlfriend. Is that a crime?" Na-tense siya sa mga sinabi ni Bella. Bigla siyang nag-panic. Hinarap niya ang dalaga at tinitigan ito sa mata.

"Please go with me… I'll give you more answers in the future. Ahh... wait!" Nilabas ni Kai ang cellphone nito at mabilis na nagtipa. Inabot din ng ilang minuto. Nakatitig lang si Bella sa lalaki sa buong oras na iyon.

"There you go! See? you have now an airline ticket kaya 'di ka na pwedeng umatras. Hindi ako mapapalagay kapag iniwan kita dito." Paliwanag ni Kai.

Pinakita ni Kai sa kanya ang lahat ng detalye at napasinghap siya na alam nito ang mga ilalagay na bagay tungkol sa kanya. Full name, birthday, address at kahit passport number. Nagbago bigla ang mood niya.

"Alam mo ang lahat... kahit ang birthday ko? Saka, passport?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bella. Daig pa kasi ng binata ang stalker.

"Are you my stalker?"

"Nooo" tanggi nito. "I am your biggest FAN."

"Ahmm.. wait lang!" Sabi niya sa binata. Binuksan ni Bella ang pintuan ng unit niya, pumasok sa loob at sinara iyon ng mahina. Nagkakakawag na naman ng parang kiti-kiti si Bella sa loob sa sobrang kilig. Para siyang maiihi na hindi maintindihan. Isang salita lang nito ang nakapagpabago sa mood niya at iyon ay ang sabihin nito na fan niya ang lalaki.

Parang hinaplos nito ang puso niya lalo at nang maalala na ilang libo ang sumusubaybay sa binata pero nag-iisa lang siya sa sinusundan nito kaya naniwala siya na 'biggest fan' talaga niya ang binata.

Kinalma niya muli ang sarili bago muling binuksan ang pintuan.

"*cough* okay, dahil mayroon na akong ticket. Mukhang wala na akong choice kung hindi ang sumama." Kalmado at iniiwasan niyang maglabas ng kahit kapiranggot na ngipin sa pag-ngiti.

Nakahinga naman ng maluwag si Kai.

"That's good! See you in an hour."