Chapter 105 - His Mom

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakatingin lang si Bella sa labas ng bintana sa loob ng itim na kotse. Inaaliw niya ang sarili habang byahe . Hindi maiwasan na kabahan siya dahil papunta daw sila ni Kai sa bahay ng pamilya nito. 

"Kai, w-wala akong dala for your family." bulong niya sa binata. Nakakahiya na bibisita siya na wala man lang bitbit na kahit na cake o prutas. 

"No worries." 

Madaming pumapasok sa isip ni Bella tulad na lang ng magugustuhan kaya siya ng pamilya ni Kai? Ok ba ang suot niya bilang bisita ng lalaki? Maliit lang ba ang pamilya ni Kai? at kung ano pa.

Napansin na lang niya na binuksan ang isang napakalaking gate matapos magpot-pot ng binatang driver. Mas dumoble ang kaba ni Bella. Tapos ay dumaan ang sasakyan sa paikot na kalye paakyat ng burol. May malalaking puno na nakahilera sa magkabilang gilid hanggang sa huminto iyon sa pinakatuktok. 

Kinakabahan si Bella lalo na nang huminto ang sinasakyan sa napakalaking bahay. Tila isa iyong mansyon. Napa-nganga siya ng bahagya ng lumabas sa sinasakyan. 

'I-ito ang bahay nila Kai?' 

Inakay siya ni Kai sa pagpasok sa malaking bahay. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa labas, may pasabog na agad na surpresa sa loob. 

Mas maganda kasi ang mga kagamitan sa loob ng malaking villa at alam ni Bella na hindi basta-basta ang mga presyo ng mga iyon.

"Second Young Master!" bati ng dalawang maid na may hawak na maliit na bowl. 

Nagtataka si Bella kung para saan ang tubig na laman na tila inaabot sa kanya ng chinese na naka-maid's uniform. Inisip niya na baka welcome drinks iyon. Iinumin na sana niya ang laman nang kunin iyon ni Kai at binalik sa maid. 

Kinuha ng binata ang kamay niya at ikinawkaw doon sa tubig. Pulang pula ang mukha ni Bella sa kahihiyan. 

"Is this your home?" 

"Sa lolo at lola ko." simpleng sagot nito. 

Hindi akalain ni Bella na ganito kayaman ang pamilya ng lalaki. Naalala niya pa na nagpalibre ng sine sa kanya ang binata kaya hindi niya naisip na may kaya sa buhay ang pamilya nito. 

No, hindi lang basta may kaya. Mayaman talaga ang pamilya ni Kai. 

Isang may-edad na babae na naka suot pa ng cheongsam ang bumungad sa kanila. Mala-kutis porselana ang balat nito, maganda at halata ang aral sa mga pagkilos. Wala man lang ni katiting na ngiti sa mga labi na parang aristokrata. 

"Mom!" bati ni Kai. Lumapit ang binata sa ginang at binigyan ito ng halik at yakap. 

Hindi nito tinatanggal ang paningin kay Bella kaya lalo siyang na-conscious sa mga titig nito. 

"Bella, she's my Mom" sabi ni Kai sa kanya. 

"H-hello po" Sabi niya kasabay ng pagkaway. Napangiwi siya dahil inirapan siya nito at hinarap si Kai. Nag-usap na naman ang mga kaharap niya sa chinese kaya wala siyang naintindihan. 

"Honey, How are you? Lingling is here at hinihintay ka sa dining area. Sinabi niya na hindi siya kakain kung hindi ka kasabay." 

"Lingling? Who is that?" 

Pinilit ng ginang na ngumiti. "Lingling, your future wife." diretsahang sabi nito. 

Katulad ng inaasahan ni Kai ang bubungad sa kanya mula sa Mommy niya, kaya tinapat niya na agad ito. 

"Sorry Mom but I will never accept the girl you chose for me" sabi ni Kai. 

"As you can see I have a girlfriend now." dagdag pa ng binata. 

Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa.

"I investigated her and I don't like her" mukhang ayaw din nito na magpatalo. 

"Well, you liking her is your problem. And me, loving her is another story. Kung ganito lang ang magiging usapan natin maghapon might as well na umalis na lang kami." 

Nakangiwi na si Bella dahil wala siyang naiintindihan sa palitan ng salita ng mga ito. Pero ramdam niya ang tensyon at halata ang pagtatalo ng mag-ina.