Chapter 106 - A mistress' child

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nagpumilit pa rin ang Mommy ni Kai sa gusto nitong sabihin "Kai, you will stay at hindi ka na aalis pa. Bumalik ka na dito sa bahay. Mas maganda na pumasok ka na sa opisina at magsimulang mag-trabaho. Walang mangyayari sa iyo kung mananatili ka lang na Dark Guard at--" 

"Su-Wei!" putol dito ng isang matanda na sinusuportahan ng isang goldstick na tungkod. 

Nilingon ito ng mag-ina pati si Bella. Natahimik ang Mommy ni Kai. 

"Ngayon lang nakauwi ang anak mo at sinimulan mo na naman na ipilit ang gusto mo." matigas na sabi nito. Lumingon ito kay Bella. 

Napatuwid ng tayo si Bella dahil sa mga mapanuring tingin na ipinupukol sa kanya ng matanda. 

'Gosh! Ganito ba talaga ang mga pamilya ni Kai?' Wala kasing ngumingiti sa kanya ni isa. 

"H-hello…" sinubukan niya rin na kumaway. 

"you must be Kai's friend" sabi nito. Nakahinga ng maluwag si Bella na nagsalita ang matanda sa ingles. 

Nakahinga siya ng maluwag. "Yes, I'm a friend." 

"Come in! let's have a breakfast" lumapit ito sa kanya at hinawakan siya nito sa braso para ayain na magtungo sa dining area. 

Lalong sumimangot ang Mommy ni Kai. Nilingon naman ni Bella si Kai para manghingi ng saklolo sa binata. Hindi man siya nakakaintindi ng salitang intsik ramdam ni Bella na ayaw sa kanya ng Mommy ng binata. Ang lolo naman nito ay mukhang mabait at pansin niya na ito ang may huling salita sa lahat. 

Pagdating sa Dining area napansin ni Bella ang isang magandang babae na nagts-tsaa sa mesa. Itim at diretso ang buhok na parang model ng shampoo sa ganda. Sa paraan lang ng paghigop nito ng tsaa, masasabi na aral din ang kilos nito. 

Halata na nagliwanag ang mukha nito nang makita si Kai na nakasunod sa kanila. 

"Second Brother!" napatayo pa ang babae at nataranta pero hindi ito pinansin ni Kai. Parang tulad lang din ng ibang mga babae sa school nila. 

Inalalayan siya ni Kai na makaupo sa dining chair na nasa tapat na silya ng magandang dalaga. 

"Mag-aalmusal lang kami at aalis papuntang Taichung. Since nakita niyo na ang kagwapuhan ko, magsisimula muna akong magbakasyon. Tutal naman ay isang buwan niyo akong makikita dito." sabi ni Kai habang nilalagyan ng butter ang isang tinapay at nilagay sa plato ni Bella. 

"Honey, dalawang taon tayong hindi nagkita tapos aalis ka na?" nalungkot ang Mommy niya. 

"Mom, as you can see, mayroon akong bisita." paliwanag ni Kai. Sumimangot ang ginang nang mabanggit siya. 

Ramdam ni Bella ang tensyon sa hapag. Masama ang tingin ng babae sa kanya sa tapat at halos hindi niya malunok ang pagkain. 

Nilapit niya ang mukha kay Kai at bumulong. 

"Hey, mukhang hindi ako gusto ng pamilya mo" nag-aalalang sabi ni Bella dito. 

Nilingon siya ng binata. "Huh? Of course not! Masama lang ang loob ng Mommy ko dahil wala ka kasing dalang regalo." 

"Ganun? Sabi ko na nga ba dapat talaga dumaan tayo sa bakeshop para magdala kahit na cake." 

Napangiti si Kai. 'What a sweet little child?!' samantalang, ang Mommy niya halos ayaw patuluyin si Bella sa bahay na iyon. 

Isang palo sa mesa ang gumising sa kanilang dalawa. Galit na galit ang Mommy niya dahil sa sweetness nilang dalawa kahit naroon sila sa hapag at nag-aalala ito kay Lingling na nasa tapat at parang maiiyak. 

Diretso itong tumingin kay Bella. "I will never accept a mistress' child." mabigat na sabi. 

"I'm. full!" mabigat ang mga katagang sabi nito saka tumayo at umalis sa hapag. 

Natigilan si Bella at nakagat ang ibabang labi. Alam sa bahay ng binata ang background niya. 

Para siyang maiiyak at gusto na niyang bumalik na sa Pilipinas. Sapol na sapol ng Mommy ni Kai ang emosyon niya. Sino nga ba ang magkakagusto sa isang tulad niya na anak sa labas? Anak ng bastardo. 

Napakuyom ang kamao ni Kai dahil napansin nito na parang napahiya si Bella. 

"Yeye, aalis na kami." paalam nito sa matanda. 

"Bumalik kayong dalawa." sagot ng lolo ni Kai. 

"Iha, don't mind her. Enjoy your vacation." sa unang pagkakataon ay ngumiti ang matanda kay Bella. 

But that damage has been done. Masama na ang loob niya.