Chapter 109 - Miserable wife

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Biglang nakaramdam ng awa si Cally kay Prin matapos niyang marinig ang mga reklamo nito. Malay ba niya na imbes na parusa ang ibigay kay Kai ay nagawa pa nito na makapag-bakasyon kasama ang 'Angel' nito.

"I'm sorry Honey. I promised that I will take care of you lalo na ngayon na bawal kang maglikot. Huwag ka ng magalit. Makakaganti ka rin kay Kai dahil maghihiwalay din sila ng 'angel' niya."

Sinuntok niya sa dibdib si Cally. "See how bad are you?! Y-y-you and your little monster! I don't want them to separate! Do you think it's just because I am having a nightmare vacation, I want to curse his relationship with Bella?" 

"My little monster?" ulit ni Cally. Tinitigan niya sa mata si Prin.

"Now he is a monster? Porque ba suspended ka rin ng isang buwan at bawal makipag-meet sa kanya, tinatawag mo na siyang monster? May I remind you what happened earlier? Gumanti lang ako sa ginawa mong kapusukan at--"

Tinakpan ni Prin ang bibig ng asawa niya dahil sigurado na hindi siya mananalo sa debatehan laban kay Cally. Hahanap at hahanap ng lusot ang lalaki at siya ang lalabas na kawawa.

Isang nakamamatay na irap ang sinagot dito ni Prin. "I don't want to talk to you. I have to accept that I am the most miserable wife in the world!Hmp!" 

Bumuntong hininga si Cally. Magaan at malambing na niyakap niya si Prin. Kahit naman panay ang tudyo niya sa asawa, ayaw niyang masabihan na naging miserable ang buhay nito sa piling niya.

"I am sorry from the bottom of your husband's heart. Honestly, marami akong plano for this vacation. I really wanted to give you the best and sweetest honeymoon. Mangisda ng salmon para masarap ang dinner natin. Whale watching. Kayaking. to watch a midnight sun while cuddling or anything na dapat gawin ng bagong mag-asawa. I wanted to give you a simple yet a sweetest vacation… not a miserable one."

Natahimik si Prin. Maybe Cally is the most annoying person pero alam niya na binibigay nito ang lahat para sa kanya. 

Alam niya na hindi magp-plano si Cally na bigyan siya ng matamis na halik sa gitna ng libo-libong bulaklak na tulad ng ginawa ni Kai at Bella dahil hindi naman talaga iyon ang gusto niya. 

What she wanted was to share a kiss on the sky while doing a skydiving or in the middle of a wall climbing. 

"Honey, let's stay for a couple of days and let's enjoy this vacation, okay? You need to rest and I will be taking care of you."

Napangiti si Prin habang nakasandal ang ulo sa dibdib ni Cally. 

=====

Naiinis si Luna habang nakaupo siya at kumakain sa isang hotel restaurant. Hinarap kasi siya ng Daddy niya sa matandang si Mr. Sy, isang chinese tycoon na napapabalitang Drug Lord sa lugar. 

Hindi niya alam kung gaano katotoo na isang masamang damo ang matanda at hindi matanggap ng kalooban niya na iaalay siya ng magulang sa taong ito. Pinagsuot pa siya ng isang s.e.xy na pulang bestida para lang makipag-date dito.

Ilang linggo na ang nakalipas nang halos wala na siyang mukha na maiharap sa publiko dahil sa eskandalo nila ni Cally. 

At ngayon, tinitikis siya ng MGM Corporation na magbigay ng danyos na nagkakahalaga ng kalahating bilyon para sa ilang araw na nasira niya ang reputasyon ni Cally at pagbagsak ng stocks ng opisina nito. 

Maganda ang pagkakangisi ng matandang intsik habang nakatingin kay Luna. Para bang isa siyang litson manok na inihanda sa hapag at halata ang pagkatakam sa mga mata ng matanda sa kanya. 

Nakakuyom ang isang kamao niya habang mahigpit na nakakapit sa armrest ang isang kamay niya na para bang pinagkukuhanan niya iyon ng lakas. 

"Luna, I'll give you everything. Money, house or anything you'd wish to have." sabi nito. 

Pinag-isipan mabuti ni Luna ang hihingin. Gusto niyang gumanti kay Prin at kay Cally. Dahil gustong protektahan ni Cally ang asawa nito, pwes, itotodo na niya ang paghiganti kay Prin. Wala nang atrasan! 

Tutal naman, kahit ang magulang niya ay parang gusto na rin siyang ipakain sa buwaya na nakanganga at naghihintay na lang na pumasok siya sa bibig nito para kusang loob na magpakain.

Mangyayari lang ang lahat ng paghihiganti niya kapag pumayag siya sa gusto ng matandang intsik. 

"Well, I want power Mr. Sy. Can you give me that?" nakataas ang kilay na sabi niya.

Napangiti ng matamis ang matanda. "My people is also yours. You can tell them anything you want."

"Anything?" paninigurado niya.

"Yes. As long as you accepted me as your man." at saka siya binigyan ng isang malapad na ngiti. 

"if that's the case I want eight of your people to follow  me." sabi niya dito. 

Inikot-ikot nito ang wine na nasa kopita "Darling, as I've said... as long as you accepted me as your man."

Halata na tuso ang matanda at hindi basta-basta papayag ng walang kapalit. Inabutan siya nito ng isang key card sa hotel na iyon. Dahilan para mapalunok si Luna.

"Come to me and I'll give you anything you want right after you gave me what I want."