Chapter 110 - Rich Boyfriend

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Matapos lang ang isang linggo, nagbalik si Prin at Cally sa Maynila.

Naging masaya siya sa loob ng mga araw niya sa Ilulissat dahil inalagaan talaga siya ni Cally habang nandoon sila sa lugar.

Katulad ng plano, namangka sila at sinubukan nilang mamingwit ng salmon. Halos magreklamo na lang si Prin na puro isda ang kinakain nila sa loob ng ilang araw. Nanood din sila ng mga balyena na naglalanguyan at nag-kayak.

Pinaglingkuran siya ng kanyang prinsipe sa loob ng ilang araw. Ang asawa niya ang halos kumilos sa lahat habang nagbuhay-prinsesa lang siya sa maliit na bahay na tinuluyan nila. Dahil malayo ang bahay na iyon sa ibang tahanan, halos isipin na lang nila na nasa dulong bahagi sila ng mundo, walang iniisip na problema.

Sa loob din ng ilang araw, hinayaan siya na mag-aral ni Cally at tapusin ang exam niya online. Habang busy rin ang lalaki sa laptop nito at alam niya na nagtatrabaho pa rin ito sa opisina.

Nalaman niya na nakabalik na rin si Bella sa Maynila habang nanatili si Kai sa Taiwan dahil suspended ito ng isang buwan. Hindi rin naman nakaligtas sa kanya na masaya ang kaibigan niya dahil opisyal ng magka-relasyon na ito at si Kai.

Sa ngayon, kailangan nilang bumalik ni Cally sa Maynila dahil masyadong nag-aalala ang opisyal ng Dark Lords sa kanilang dalawa. Sapat na ang sampung araw na hindi sila nasisilayan para mag-alala ang mga ito lalo at hindi pa nakakalayo ang araw kung kailan dinukot si Cally.

Nang araw na iyon, magkasama sila ni Cally na nagpunta sa MGM office. Nagpumilit na sumama si Prin sa asawa niya.

"Hindi mo talaga matitiis na hindi makita ang pogi mong asawa." Tudyo nito.

"Hmp! Sigurado na mas hindi mo matiis na hindi ako makita." Sabi niya dito.

Magkahawak-kamay sila na naglakad patungong elevator. Hindi maiwasan na mapalingon sa kanila ang mga empleyado na nasa lobby. Agaw-pansin din naman kasi ang dalawang naggagandahang nilalang na naglalakad at magkahawak-kamay.

Normal naman sa opisina ng MGM na may mga gwapo at magagandang celebrity sa paligid. Pero hindi pa rin maiwasan na mapalingon ang lahat sa awra na binibigay ni Cally.

"Bagay silang dalawa ni President." Sabi ng isang receptionist sa kasama nito.

"Haaay…" nakapangalumbaba at tila nangangarap pa ang kasama nito na nakatingin sa papalayong si Prin at Cally.

Napapailing ang kasama nito at hindi niya masisisi na mangarap ng gising ang babae dahil kahit celebrities ng MGM ay pinapangarap si Cally.

Sa loob ng President's office, hindi akalain ni Prin na mabo-bore din siya dahil halos nasa meeting ang asawa niya. Bilib na bilib siya kay Cally dahil nagagawa nito na i-manage ng maayos ang oras sa trabaho pati sa kanya sa bahay.

Pagsapit ng hapon, nagpaalam siya kay Cally na makikipagkita kay Bella dahil sa sobrang kabagutan. Naisipan nila na magtsismisan sa isang coffee shop malapit sa condo unit nito.

Nagyakapan ang dalawa nang magtagpo na para bang ilang taon na hindi nagkita. Ganoon ka-gaan ang loob ni Prin kay Bella kahit pa ilang buwan pa lang sila na magkakilala.

"So, how are you my sweet little angel?" Sinimulan niya agad na tudyuin ito matapos na makuha ang order nilang frappe.

"Ayos naman kami ng aking O-ppa." Nakangiti na sagot nito. Halata na nag-blooming lalo ang kaibigan niya. Halata ni Prin na masaya ang naging bakasyon nito sa bansa ni Kai.

"I really can tell. Sobra ang pang-iinggit ng isang iyon sa akin lalo na ng ipakita sa lahat ng followers niya ang picture niyo sa sunflower field. Dinaig niyo pa ang love team na Tangning at Mo Ting. Mala-prenup ang mga larawan niyo doon" parang nagagalit na sabi niya dito.

Namula naman ang pisngi ni Bella.

Hindi na binalita ni Prin na na-ospital siya dahil sa kapusukan dahil siguradong nakakahiya sa v.i.r.g.i.n niyang kaibigan. Sigurado na hindi nito maiintindihan ang nangyari at baka matakot din ito kay Kai. Normal sa ugali ng isang babae na gumana ang maimahinasyon na pag-iisip kung sakali na madinig nito ang nangyari sa kanya na kapwa-babae sa Greenland.

Namula ang mukha ni Prin nang maalala ang nangyari sa kanya lalo at banned siya na makita ang little monster ni Cally.

"*sigh* wala akong problema kay Kai, ang tanging problema ay si mudra." Sabi nito habang iniikot ng straw ang inumin.

"Mommy mo?" Tanong ni Prin.

"No. His mom" bigla itong nalungkot.

"Oh!" Natutop niya ang bibig sa nadinig. Bigla niyang naalala na chinese nga pala ang Mommy ni Kai.

"Because she wants someone na ka-level ng pamilya nila. I saw the girl and she's really pretty. She looked like a chinese princess." Bigla itong nalungkot lalo at ilang araw na nitong hindi nakikita ang nobyo. Hindi maiwasan na ma-praning ni Bella lalo at naiwan ang nobyo niya na kasama ang magandang chinese.

"Don't mind his parents dahil ang may 'last say' sa pamilya nila ay ang kanyang Yeye o si Master Chen..."

"... I knew Leader Kai for a couple of years and I can tell that he's really in love with you. Do you think he is just a simple Second Young master of his family?"

"Second Young Master?!" Napatayo bigla si Bella dahil sa gulat.

Napakamot sa pisngi si Prin. "Ahmm, You went there. Hindi mo ba napansin na kulang na lang igawad sa kanya ang titulo na 'Prinsipe ng Taiwan'?"

Iling ng iling si Bella.

"Then, Let me tell you a secret my friend. That guy, your boyfriend, is one of the super rich in his country. As in, super rich!"