Chapter 111 - Flower Delivery

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nanlaki ang mata ni Bella sa sinabi ni Prin. Alam niya na mayaman si Kai dahil sa laki ng bahay nito pero hindi niya naisip na mayaman na mayaman ang nobyo. 

Bukod sa mamahalin nitong kotse ay wala na siyang napansin. His condo unit is owned by Cally. Ang mga damit na sinusuot ni Kai ay simple. Bukod sa mamahalin na relo na suot-suot nito ay wala na siyang makita pa na magsasabi na super yaman ni Kai. 

Biglang pumasok sa isip niya ang mga ganap sa kanila ni Kai sa Taiwan. Kaya pala ganoon na lang katindi ang respeto na binibigay ng mga tao sa lalaki kahit saan sila magpunta. 

"My friend, don't tell me you didn't notice?" 

Napakamot sa ulo si Bella. "hindi masyado e, most of his conversations are chinese." 

Napatango-tango si Prin. Hindi niya masisisi ang kaibigan dahil hindi marunong ang mga tao doon sa salitang Ingles. 

"You guys are alone in Zhong She garden, don't tell me na hindi mo napansin na pinasara niya ang lugar? Even in other places na pinuntahan niyo ay napansin ko na parang dadalawa lang kayo at malakas ang kutob ko na pinasara ng lolo mo ang lahat ng iyon masolo niyo lang."

Syempre napansin ni Bella, pero ang sagot ni Kai sa kanya ay baka nasa ibang lugar nagsimpuntahan ang ibang mga turista. 

Si Prin naman ay naiinis, ayaw niya nang pag-usapan pa si Kai dahil nakakadagdag lang sa sama ng loob niya kung paano ito nagkaraoon ng masarap ng bakasyon. Tapos siya ay dinala sa ospital. It's unfair! 

Marami pa silang napagkwentuhan nang may humintong nakamotor sa tapat ng coffee shop. Pumasok ang driver sa loob at tila may hinahanap. Naging alerto si Prin kung ano ang gagawin nito. Lumapit ang lalaki sa gwardiya at kinausap ito. 

Hanggang sa mapansin niya ang isang makapal na bouquet ng pink na rosas ang nasa likuran nito. 

"Si Miss Bella po?" sigaw nito mula sa pintuan matapos pumayag ng guard. 

Nagtaas ang kilay ni Prin. Lumipat ang tingin niya sa kaibigan. Lumingon naman si Bella sa lalaking may bitbit na bulaklak. 

"Here!" ang sabi ni Bella. 

Lumapit sa table nila ang lalaki. "pa-receive po ako Mam." ang sabi. 

Binasa muna ni Bella ang maliit na note saka lumitaw ang abot tenga na ngiti sa mukha nito. Inabot at pinirmahan ang dala na papel ng lalaki. 

Kung masaya si Bella, nakasimangot si Prin dahil mas maliwanag pa sa sikat ng araw na galing ang bulaklak na iyon kay Kai!

"Seriously, how did he found out that you are here in a coffee shop? Is he a stalker?" 

"No. he's a fan!" at saka inamoy-amoy ang bulaklak. 

Prin "...." 

"I told him na kasama kita dito sa coffee shop".

Nangigigil na hinalo ni Prin ang iniinom niyang Frappuccino. Kahit wala si Kai ay pinakita pa rin nito ang sweetness sa kanya ng harap-harapan. Paano siyang matutuwa? 

Samantalang, ni isang tangkay na dahon ay wala pa siyang natanggap mula kay Cally. Halatang kilig na kilig si Bella at parang maiihi na hindi maintindihan habang kinukunan ng larawan ang pink ng rosas. 

Nang masiyahan sa mga picture, pumili ito ng isa at nilagay sa social media account nito.

[BeautyBella :Do you know how much happiness I feel when I suddenly get these flowers. Thank you so much love!]  

Tumunog agad ang cellphone ni Prin at nakita niya ang post ni Bella. Mas dumagdag pa sa inis niya na makita na may sagot agad si Kai. He re-posted her picture at ang tanging laman ay kissing, heart at angel emoji.

May sagot agad mula sa mga followers ni Bella.

[wala na may nanalo na!]

[Ate Angel, yung buhok mo nasa Taiwan na] ang sabi, na sa tingin ni Bella ay ang freshman na nangulit sa kanya.

Napalo ni Prin ang mesa "You guys! Seriously, I'm angry! Kahit ang mga langgam ay maiinis na lumapit sa inyong dalawa ni Kai dahil hindi kaya ang level ng tamis ninyo" nagagalit na sabi niya kay Bella. Humalukipkip siya at inirapan ang kaibigan.

Ilang milyang dagat at isla ang layo ng mga ito sa isa't isa pero nagpakain pa rin ng sampung lata ng sweetness sa mga single. Hindi lang sa single, kun'di pati na rin sa tulad niya na may kasamang bato ng iceberg sa bahay.

Tawa lang ng tawa si Bella habang pulang pula sa galit si Prin. Ilang saglit lang, nag-ring ang cellphone niya at nakalagay sa screen na si Cally ang tumatawag. 

Nangigigil na pinindot niya iyon at sinagot.

"Hello Honey --"

"You'd better think of something sweeter than Kai or else you'll be a single dog sooner. Hmp!" saka niya ibinaba ang tawag niya dito. 

Si Cally sa kabilang linya "...."

Grabe ang halakhak ni Bella sa tapat na marinig kung paano niya pinagalitan si Cally. "Oh my god, I will be dead soon. kawawa naman ang loves ko kapag namatay ako agad."

"Mabuti pa umuwi na tayo, dahil bago ka pa mamatay, uunahin ko si Leader Kai."

Tawa lang ng tawa si Bella hindi nila napapansin na dalawang lalaki ang nagmamasid sa kanila sa loob ng coffee shop at nag-aabang lang ng tamang tiyempo para sunggaban sila.