Chapter 112 - Kidnapped (1)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Humugot ng malalim si Prin at naiinis na hinarap muli si Bella. 

"I-unfollow ko na kayo ni Kai dahil naiinis ako sa inyo" nakapameywang na sabi niya dito saka ito inirapan. 

Tawa ng tawa si Bella. 

Naiinis lang si Prin dahil harap-harapan kung ipakita ni Kai na sinuko na talaga nito ang Blade Tower ng Dark Guards sa kaibigan niya. 

Paglabas ng coffee shop, Kumalma rin naman siya nang maisip na nakakita ng masayang lovelife ang dalawa sa katauhan ng isa't isa. At masaya siya para sa mga ito. 

Ilang saglit lang, lumabas ang dalawang lalaki at tig-isa silang nilapitan. 

Unang nahatak ng isang lalaki si Bella dahil mas malapit ito sa pintuan na gawa sa salamin at tinutukan ng patalim sa leeg ang dalaga. 

"Huwag kayong kikilos, kung ayaw niyong may masaktan!" banta nito. 

Lumapit ang kasama nitong lalaki sa kanya. Agad niyang tinapakan ang paa nito at siniko ang mataghiyawat na ilong nito. 

"Ahhh!" Nasapo nito ang ilong sa sobrang sakit.

Hinila niya ang kwelyuhan nito saka malakas na sinuntok ang lalaki. Tumilapon ito sa sahig. Biglang sumigaw si Bella na hawak ng isa pang lalaki. 

"Ahhh!!" takot na tili nito. 

"Punyeta ka! Huwag kang maingay! Bubutasan ko ang leeg mo!" pananakot nito habang nakatutok pa rin ang isang matulis na balisong sa leeg ni Bella. 

Nangangatog at matinding kumapit si Bella sa bitbit na bulaklak. Lumabas na ang gwardya ng coffee shop dahil naka-agaw sila ng atensyon. 

"Bitiwan mo siya!" sabi nito sa mayhawak kay Bella. Hindi ito pinansin ng lalaki. 

"Ikaw! Ikaw ang kailangan namin!" sabi nito kay Prin. 

Napalunok si Prin. 'Sino na naman ang may pakana nito?' 

Nagkikiskis na ang ngipin ni Prin sa sobrang pagkagalit. Kailangan niyang masigurado ang kaligtasan ni Bella. Kapag nasa kamay na siya ng mga ito ay saka na lang siya lalaban. Ang mahalaga, maligtas ang kaibigan niya na halatang natatakot na at matinde ang kapit sa bouquet ng pink na bulaklak. 

"Bitawan mo siya! sasama ako sa iyo pero bitawan mo ang kaibigan ko!" sigaw niya dito. 

Napangisi ito. Sinenyasan nito ang isa pang lalaki na ginulpi niya na lumapit sa kanya. 

"Kusang loob akong sasama, basta ibigay mo sa gwardiya ang kaibigan ko!" matigas na sabi ni Prin. 

Sabay na binitawan nito si Bela sa paglapit sa kanya ng isang lalaki. Kasabay din ng paghinto ng maroon na Toyota innova (Van) sa tapat. 

Kinuha agad ng guard si Bella at pinrotektahan. Hindi na nakakilos pa si Prin dahil tinakpan ng lalaki ang ilong at bibig niya ng mahigpit. 

Naamoy agad niya ang gamot at mabilis na bumalot sa pagkatao niya ang pagkahilo hanggang sa unti-unting lumiliit at lumalabo ang paningin niya. 

Parang lantang gulay na ipinasok si Prin ng lalaki sa loob ng Van. 

"Prin!" nag-aalala si Bella na naiwan. nagsimula na siyang umiyak. Hinabol niya pa ang van pero pinigilan siya ng guard. 

"Ma'am, irereport na natin ito sa pulis." sabi ng guard at agad na nag-radyo. 

Nangangatog naman ang mga daliri ni Bella na kinuha ang cellphone sa loob ng sling bag, nagpipindot ang dalaga sa screen at tinawagan si Kai. 

Hindi man lang lumipas ang ilang ring at sinagot agad iyon ng binata. 

"Hello, My Angel!" masayang bati nito. 

"Kai… Si Prin…" halos hindi niya mabigkas dahil sa sobrang takot, kaba at pag-iyak. Nakaramdam agad si Kai na may hindi magandang nangyari kay Prin. 

"Anong nangyari?!" tanong nito. 

Pinilit ni Bella na i-kwento sa nobyo ang nangyari. "Hu hu hu… she asked the guy to let me go. Then, tinakpan ang bibig at ilong niya. Maya-maya nawalan na siya ng malay." 

"F*ck!" mura nito sa kabilang linya. 

"I'll call Shi Cally. Diyan ka lang sa coffee shop. Ipasusundo kita, okay." 

"O-okay…" 

=====

Matapos lang ang tawag kay Bella, tumawag agad si Kai kay Cally. 

"Mukhang nag-eenjoy ka sa bakasyon mo" bungad ni Cally. Tiningnan niya ang account nito ilang minuto lang dahil nagsimula na naman na magreklamo si Prin sa kanya. At sigurado siyang si Kai ang dahilan at ang Angel nito. 

Pero nabigla siya sa sinagot ni Kai. 

"Shi, may dumukot kay Prin" ang naging sagot nito. 

Kumunot ang noo ni Cally, binitiwan niya ang hawak na dokumento at agad na tumalim ang tingin. 

"Kasama niya si Bella sa coffee shop at para bitiwan daw ng lalaki si Bella, nakipagpalit si Prin sa grupo. May pinaamoy na droga sa asawa mo kaya nabitbit siya ng walang nagawa." mahabang paliwanag nito.