Chapter 113 - Kidnapped (2)

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Halata ang galit sa mata ni Cally. Masyadong malakas ang loob ng kung sinong mastermind ang may gawa sa pagdukot ng asawa niya.

"Come here as soon as possible!" utos niya kay Kai sa kabilang linya. Kailangan na makauwi ni Kai, hindi para bantayan si Prin kundi para bantayan ng mabuti ang angel nito.

"Shi, hindi pa tapos ang parusa ko." seryoso na sabi ni Kai sa kabilang linya. Sampung araw pa lang ang natatapos niya sa isang buwan na suspensyon niya.

"Ako ang haharap sa matatanda para sabihin ang dahilan at magpaliwanag kung bakit ko binabawi ang parusa."

Bumagsak ang balikat ni Kai at nag-aalala ito sa kabilang linya.

"Pero Shi…" isang kasalanan sa Dark Lords ang gagawin ni Cally na bawiin ang parusa sa kanya. Isang kasalanan iyon at alam niya na tanging sa kanya pa lang nito iyon gagawin.

Posible na ibalik kay Cally ang suspension na ginawad nito sa kanya ng ilang buwan kung sakaling babawiin nito ang parusa ng biglaan. Mawawalan ito ng panandaliang kapangyarihan sa Dark Guard o posibleng sa buong samahan ng Dark Lords at hindi iyon kakayanin ng konsensiya ni Kai. Lalo at si Bella ang isa sa mga rason kung bakit nakuha ng kung sino si Prin.

"Shi, please, don't" humugot ng malalim na paghinga si Kai bago nagpatuloy.

"Ako, ako ang bibitaw bilang Dark Guard" sabi nito sa kabilang linya. Kung gaano ka-tigas ang ulo ni Cally, ganoon din si Kai. Matapos mabigkas ni Kai ang bagay na 'yon ay pinutol na nito agad ang tawag.

Kumilos agad si Cally matapos makausap si Kai. Pinindot niya ang emergency button para papasukin si Xander. Ilang saglit lang, nasa harapan na niya ang binata.

"Call everyone to find Prin! May dumukot sa asawa ko. Magsimula kayo na mag-imbestiga sa coffee shop malapit sa Blue City Condo Tower!"

=====

Unti-unting minulat ni Prin ang mga mata. May hilo pa siyang nararamdaman pero pinagana niya ang iba pa niyang senses sa paligid.

"Boss, malapit na ba kayo?" Narinig niyang sabi. Huminto ito saglit na halatang nakikipag-usap ito sa telepono.

"Huh? May biglaan kayong lakad ng kaibigan niyo? Nandito na ang babae na inutos niyong kunin namin."

"Huh talaga?! Wow! Thank you Boss!" Masayang ibinalita nito sa pito pang kasama ang sinabi ng kausap o ang mastermind. Apat sa lalaki ay nakaupo sa apat na sulok ng mesa at naglalaro ng tong-its. Ang dalawa dito ay ang nagmanman sa kanila ni Bella sa coffee shop.

"Sabi ni Boss, pwede daw nating tikman si baby girl!" Masayang sabi.

Naghiyawan ang lahat. Ang dalawa na matyagang naghihintay ay nilawayan pa ng dila ang sariling mga labi at tila sabik na sabik na matikman si Prin.

Umismid si Prin ng palihim at unti-unti rin na bumabalik sa normal ang diwa niya. Nakatali ang magkabilang kamay niya na sinimulan niyang paluwagin ng lihim. Pero hindi naman dahilan iyon para hindi niya malabanan ang walong lalaki.

Hinawakan siya ng isang lalaki sa braso at hinila mula sa papag papuntang gitna para mas makakilos ang lahat.

Doon lang niya napansin na nasa loob sila ng isang abandonadong factory. Halos puro agiw at alikabok ang kisame, s.e.m.e.nto ang sahig, may hagdan sa isang gilid na gawa sa bato, maluwag ang paligid at isang papag na gawa sa kahoy na may nakapatong na na-flat na karton sa ibabaw, kung saan siya inakay ng lalaki.

Bukod pa sa kwadradong mesa at mga monoblock na upuan na ginamit ng apat na kidnappers.

Humilera sa harapan niya ang apat na lalaki.

"Hoy! Ikaw! Walo kami na titikim sa iyo kaya ihanda mo na ang katawan mo para sa amin!" Ang sabi ng lalaki na may kausap sa kabilang linya.

Ngumiti si Prin na parang anghel. "Walang thrill kung walo lang kayo. Wala na bang iba?" Sabi niya ng may paglalambing sa boses.

"Mukhang sanay na sanay ka na ha" ngumisi ang isa na takam na takam sa kanya.

"Wait ha! Iinat lang ako. Walo kayo at nag-iisa akong babae. Siguradong exciting ang gagawin natin at masasarapan kayo sa akin." Matapos niyang sabihin iyon ay nag-inat-inat si Prin.

Pinagalaw niya ang lahat ng kalamnan niya sa katawan. Leeg, binti, braso, balakang at kung anu anong parte na magagamit niya para maturuan ng leksyon ang walong lalaki. Habang ginagawa iyon ay tuluyan na ring nagbalik sa normal ang diwa at paningin ni Prin.

"Ayan… perfect!" Nakangiti siya ng sweet.

"Ikaw kuya na nasuntok ko kanina... gusto kong mag-sorry." Sabi niya na naglakad patungo dito.

Pinag-aaralan niya ang mga lalaki. Ang napansin niya ay dalawa dito ay may bitbit na kalibre kwarenta'y-singko na nakasuksok sa pantalon, nasa mesa ang gamit na baril ng dalawa pa na mukhang iniwan nang naglaro ang mga ito ng tong-it. Habang patalim ang armas ng tatlo pa na nasa bulsa rin ng mga ito.

Unti-unti na niyang natatanggal ang tali sa magkabilang kamay. Ngumiti si Prin.

"Shall we start?" Sabi niya sa lalaki na mataghiyawat ang ilong.