Chapter 114 - We will Play

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
"Ehh, I think I'll start with the two of you" turo niya sa dalawang lalaki na may nakasukbit na baril sa pantalon.

Nagreklamo agad ang lalaking mataghiyawat ang ilong. "huh? Ayaw mo na sa akin? Akala ko ba nanghihingi ka ng sorry."

"Yap. I'm sorry, kasi ang gusto ko ay malapad ang katawan na katulad nila kuya." sabi niya na parang batang inosente. Kumurap-kurap pa siya para lalong maakit sa kanya ang mga lalaki.

Nagliwanag naman ang mukha ng dalawang tinuro niya.

"Hindi mo ba nadinig iyon? Kami ang mauuna sa pila!"

Kapwa malapad ang katawan ng mga ito, nagpuputukan pa nga ang muscles ng dalawang lalaki. Lumapit sa kanya ang dalawa na maganda ang pagkakangisi. Nag-iisip na ng masayang gagawin nilang tatlo.

"Kuya, ako ang pipikit o kayo ang pipikit?" halong mapang-aakit at may pagka-inosente ang awra ni Prin na gustong-gusto ng walong lalaki.

"Ay! Mas maganda kung kayo ang pipikit. Para mas ma-enjoy niyo ang sensasyon." sabi niya bago pa sumagot ang mga ito.

"Eto na... nakapikit na…" sabi ng isa na nasasabik sa gagawin. Mula sa pagkakangisi ay napalitan ng matamis na ngiti ang labi nito. Umaandar na ang imahinasyon nito sa gagawin niya habang nakapikit. Sino ba naman ang ayaw na mauna sa isang bata at magandang babae?

Kinupkop niya ang ma-dry na pisngi nito at hinaplos-haplos iyon, ganoon din ang ginawa niya isa pa para hindi mapansin na lumuwag na ang tali niya sa kamay. Sa loob-loob ni Prin ay nandidiri na siya at minumura sa isip ang mga lalaki.

"Ready na ba kayong dalawa?" matamis na tanong niya.

Panay ang tango ng dalawang lalaki habang nakapikit pa ang mga ito.

"Okay… one. Two. Three!" pagkasabi n'on ay sabay na binunot niya ang baril ng dalawang lalaki na nakasuksok sa pantalon nito. Pinukpok niya gamit ang baril sa sentido ang lalaking nasa kanan at sinipa ang nasa kaliwa papunta sa ibang kasama nito.

"Nalintikan na!" reaksyon ng isa.

Kumilos agad ang anim. Tumakbo papunta sa kanya ang isa na hawak-hawak ang balisong nito -- Ang lalaking nang-hostage kay Bella.

Bago pa ito makalapit, hinagis niya sa ere ang isang baril, hinila niya mula sa likuran ang braso ng isa na susunggab sana sa kanya sa likuran at sinipa patungo dito.

Sakto na nag-land sa kamay niya ang baril na hinagis niya sa ere. Nagkatinginan ang mga lalaki.

"Wahhhh!!" galit na nagkasundo sa tinginan ang walong lalaki na sabay-sabay na susunggab sa kanya. Lalapitan sana nila si Prin nang paputukin niya sa kisame ng sabay ang hawak na baril.

"Walang kikilos!" singhal niya. Dumagundong sa buong gusali ang boses ni Prin. Dahilan para sabay-sabay na napatigil ang walong lalaki.

Napalitan ng tila nag-aapoy ang mga mata ni Prin mula sa inosenteng nilalang na kausap nilang ilang saglit lang ang nakalipas.

Sinong mag-aakala na ang nag-iisang babaeng payat at nakabestida ng kulay pink ay kayang-kaya magpatigil sa kanilang walo?

Lihim na umatras ang isa para lapitan ang baril na naiwan nito sa mesa. Nagulat na lang ito ng barilin ni Prin ang binti nito ng walang sabi-sabi o kahit paalala man lang.

"Ahhhhh!!!" hiyaw nito saka napaluhod.

"Nagpaalala na ko na walang kikilos!" para patunayan ni Prin na hindi siya nagbibiro, binaril niya ang nag-iisang lata ng sardinas na nasa ibabaw ng mesa. Tumilapon ang lata at tumama ito sa pader. Nagsipagtalsikan ang sauce sa pader at sa sahig kung saan ito napunta.

Nanghilakbot ang walong lalaki nang makita ang ginawa niya. Kailangan kasi ng matinding sanay para magawa ang tulad ng ginawa ni Prin. Nasaan na ang maamong babae kanina? Ang tanong ng bawat isa sa sarili.

Napalunok na lang ang mga ito at hindi makahanap kahit isang kataga.

"Sinong nag-utos nito?" tanong niya. Matalim ang tingin na pinupukol niya sa walo.

Walang sumasagot kahit isa sa kanila at tila napipi ang mga ito.

Ang lalaking malaki ang katawan ay hindi matanggap na bukod sa nakuha ni Prin ang baril mula dito ay nagawa pa siyang masipa patungo sa mga kasama. Sa liit ng braso at binti ng babaeng nasa harapan at tila mukhang inosente ay hindi niya akalain na kayang-kaya ng babae ang bigat ng katawan niya. Nang una pa nga ay inisip niya na hindi lalagpas kahit sa limang porsyento ng lakas ang kailangan niya kay Prin.

"Sagot!" Sigaw niya. Parang sinapian ng anak ng demonyo ang tingin ng walong lalaki kay Prin.

"Nag-iinit na ang ulo ko sa inyo!" dagdag niya pa.

"A-ang nag-utos s-samin ay si L-Luna V-villanueva." uutal-utal na sagot ng isa.

Sumeryoso ang mukha ni Prin nang marinig ang pangalan ng babae. Napupuno na siya sa babaeng iyon. Mukhang hindi talaga ito titigil hangga't walang nangyayaring masama sa kanya. Hindi ligtas ang mga tao sa paligid at mga nakakasama niya hanggang hindi tumitigil ang babae.

Ang pinagtataka lang ni Prin, akala niya ay nadala na ang babae sa danyos na hiningi ni Cally dito. Nakapagbayad na ang pamilya ni Mayor sa MGM limang araw ang nakalipas kahit nasa ibang bansa pa sila ni Cally.

"Maglalaro tayong siyam dito. Ikaw!" tinuro niya ang lalaki na may kausap sa telepono na sa palagay niya ay si Luna.

"Tumawag ka ng Pizza Delivery dahil nagugutom ako!".

"Y-yes po."

"Huwag na huwag kang magkakamali na kumilos ng masama kung hindi... Alam mo na ang gagawin ko sa iyo!" pananakot niya dito.

"Y-yes! Hindi ako magkakamali" takot na takot na sagot nito.