Masama ang loob niya sa babae. Nagkataon lang na marunong siyang makipaglaban kaya walang masamang nangyari sa kanya. Pero paano kung isa lang siyang simpleng babae?
Malamang na sa ibang direksyon nagpunta ang tadhana niya. Sigurado na naganap ang panggagahasa sa kanya ng walong lalaki.
O kaya naman, noon pa ay may ginawa na sa kanyang hindi maganda si Marvin, baka sinira na nito ang mukha niya, na-bully siya ng masyado sa school dahil sa mga utos ni Luna at kung ano pa kung hindi niya kayang labanan ang sarili.
Paano kung ibang klaseng Prin ang kaharap nito? Isang mahina at simpleng babae.
"Let me tell you this one last time dahil sinagad mo ng sobra ang pasensya ko. I, Prin Matsui is not just a simple student who came to your school!"
"I am a friend, a daughter, a Dark Guard who can protect my husband, a person who'll be the Head Mistress of my Dad's People in the future…"
"Hindi ibig sabihin na porque hindi kita pinapansin ay ganoon na lang ako kadali kung kayanin mo. Hindi ibig sabihin na dahil isang simpleng babae lang ang nakita mo na pumasok sa school, isang langgam lang siya na madaling tirisin."
"What's your point Luna?" tanong niya dito.
"I'm a Mayor's daughter!"
"So what? Your father became a Mayor because of the people. Meaning, mas mataas pa sa 'yo ang nagbebenta ng isda sa palengke"
Nanlaki ang mata ni Luna. "No! I will not accept that!"
"Ninais mo pang pangarapin ang Husbie ko. Too bad! He will never find you pretty..." nahihibang ba ito si Luna? Siya nga ay inabot ng ilang taon bago nagbunga ang paghihirap niya. Gusto niyang pagtawanan ang babae.
"...You even used your body para nga kami mabayaran, maihahalintulad ka na sa pokpok sa kanto. Hindi ka ba nandidiri?"
Nanlaki ang mata ni Luna at hindi matanggap ang sinabi ni Prin. Nagsimula nang mangilid ang luha niya.
Umismid lang si Prin. Nasa ganoong posisyon sila nang lumapit ang isang tao ni Zuki mula sa labas.
"Master, natapos nang imbestigahan ng Commision on Audit ang mga pinadala nating ebidensya. Naglabas na sila ng panukala na dakpin si Mayor ngayong gabi" pagbibigay-alam nito.
Narinig ni Luna ang sinabi nito at kinabahan siya. Bigla siyang hindi napakali.
Tinaasan ni Prin ng kilay si Luna. "See? Without people's money and status, you are nothing, Luna."
"I don't want to see your face ever again, dahil hindi na suntok lang ang aabutin mo sa akin kapag nagkita tayong muli!" huling banta niya dito.
Matapos iyon, lumapit na siya kay Cally at hinila na ito palabas ng abandonadong warehouse.
"Husbie, a-alis na tayo…" bulong niya dito.
Napansin ni Cally na biglang pinagpapawisan ng malamig si Prin. Kinabahan siya.
"What… happened?"
Kagat-kagat ni Prin ang labi at parang kinikilig na hindi maintindihan.
"Na-naiihi na ko… kanina ko pa pinipigil ang ihi ko… Malapit na lumabas." nakangiwi na bulong ni Prin.
Cally "...."
Matapos nito na magbigay ng mahabang litanya at sabihin ang nais kay Luna na parang reyna, bigla nitong sasabihin na naiihi na ito. Nais man niya na matawa, mas nanaig sa kanya na tulungan ang asawa.
Ilang oras na nagpigil si Prin na maghanap ng palikuran. Uminom pa siya ng milk tea at kumain ng pizza at binantayan niyang mabuti ang walong lalaki kaya nag-set siya sa utak na hindi siya hahanap ng palikuran.
Pero tao pa rin siya at may sariling isip ang kidney niya kaya hindi niya na napigilan matapos ang ilang oras.
Nataranta pati si Cally.
"Walang susunod! Bawal tumingin ang lahat!" utos niya sa lahat ng naroon.
Kinuha niya lang ang malaking kumot na nasa likod ng Maybach niya, wet wipes at isang hand sanitizer. Sinamahan niya ang asawa niya sa isang madamong bahagi sa lugar.
Tinulungan niya na takpan si Prin gamit ang kumot. Hindi naman nagtagal at narinig niya ang pag-wiwi nito.
Unti-unting nakahinga ng maluwag si Prin habang naglalabas ng sama ng loob.
"Oh my gosh! That was heaven!" sabi ni Prin nang matapos.
"Don't say those words in front of your husband" makahulugan na sabi nito.
Tinapon ni Cally ang kumot at pinunasan ng wet wipes ang kamay niya. Napangiti si Prin habang ginagawa nito ang bagay na iyon sa kamay niya. Tapos, nilagyan pa nito ng sanitizer ang kamay niya.
"Madumi ang kamay ko."
"It's okay"
'What a perfect husband?'
Matapos ang lahat ay kinutusan siya nito.
"Aw!" nasapo niya agad ang bumbunan.
'Hindi pala siya perfect husband.' agad niyang bawi.
"Parusa ko iyan sa iyo, dahil masyado kang pasaway. Hindi mo man lang ako naisip na tawagan para maisip ko man lang na okay ka"
"Sorry Husbie, I lost my bag." lumingkis siya sa batok nito at inangat ang mga paa paikot sa bewang ng asawa niya.
"Buhatin mo na ang iyong baby panda, let's go home!"