Chapter 119 - Cut off his hands

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nakatayo pa sa ibabaw ng mesa si Prin habang nakahilera ng upo ang pito sa harapan niya.

Spelling Bee ang trip ni Prin sa mga oras na iyon. Iyon ang bago niyang pakulo matapos niyang palabasin ang isang kidnapper. 

Hindi pa sila nagsisimula nang bumukas ang malaking pintuan na yero at nagsipasukan ang grupo ni Zuki. 

Napalingon silang lahat nang marinig ang pagbukas nito. Tila nakakita ng liwanag ang pitong kidnapper nang makita na may susundo na sa babaeng naka-pink na bestida. Bigla silang nagpasalamat. 

Huling pumasok si Cally na hila-hila sa braso si Luna. 

Napalunok si Prin. Sa sobrang enjoy, 

nakalimutan niya na may asawa siyang naghihintay. Bigla niyang nabitiwan ang baril na hawak. 

"H-husbie, kinidnap nila ako! I'm so scared…" sabi niya saka tumalon mula sa mesa. 

Kidnappers "...." 

Zuki and friends "...." 

Halata naman na nakahinga ng maluwag si Cally. Hinagis niya si Luna sa kamay ni Zuki saka nagmadaling lumapit kay Prin. Niyakap niya ang asawa ng mahigpit. 

"You, naughty child! Hindi mo ba alam na masyado akong nag-alala dahil ilang oras kang nawala?" 

Humigpit ang yakap ni Prin sa bewang ni Cally. 

Biglang nilingon ni Cally ang mga kidnappers ni Prin at pinukulan ito ng nakakatakot na tingin. Pinalapit niya ang lalaking bumitbit kay Prin para ipasok ang asawa sa van. Ang lalaking mataghiyawat ang ilong. 

"M-master, napag-utusan lang po ako…" 

"Hinawakan mo sa kung saan ang asawa ko. Putulin ang kamay ng taong 'to!" utos ni Cally. 

Prin "..." 

Lumapit ang tao ni Zuki na bitbit ang katana matapos marinig ang utos ni Cally. Nanlaki ang mga mata ni Prin, ang lalaking mataghiyawat ang ilong at lahat ng kidnappers. Kahit si Luna sa isang gilid ay tinamaan ng takot. 

"No! No! No! Husbie, no need! Hindi na kailangan na putulin pa ang kamay niya" Hindi naman dahil sa binitbit lang siya ng lalaki ay tama ng putulin ang kamay nito, 'di ba? 

Napatigil ang tao ni Zuki sa paglapit. Sa sobrang takot ng lalaking mataghiyawat ang ilong, lumuhod ito malapit kay Cally. 

"M-master! Patawarin niyo na po ako! H-hinding hindi na po ako uulit! Magtatanda na ako basta huwag niyo lang pong tanggalin ang mga kamay ko! Magro-rosaryo ako magdadasal o magpepenetensya ako ng bakal sa likod. H-huwag niyo pong putulin ang mga kamay ko parang awa niyo na po…" halos sambahin na nito si Cally sa paghingi ng tawad. 

"Honey, Okay na ako. No need to do this, okay?" hinaplos niya ang pisngi ni Cally na parang nagpapaamo ng mabagsik na leopard. 

Napansin naman niya na nagbago ng kaunti ang emosyon ni Cally mula sa mga mata nito. Binaba nito ang mukha at hindi napigilan na sakupin ang labi niya. 

Wala nang pakialam si Prin kung maraming tao sa paligid. She missed his kisses kahit pa ilang oras lang silang hindi nagkita. She felt safe and secure in his warm embrace. Kahit pa alam niyang makipaglaban at protektahan ang sarili, iba ang pakiramdam kapag nasa paligid si Cally. Parang nililipad ng hangin ang tapang niya at bumabalik siya sa disi nuwebe anyos na babae. 

Tuluyan na bumagsak ang invisible na pader sa paligid ni Cally matapos siya nitong mahalikan. 

"Ehem! Master!" Tumikhim at hindi na napigilan ni Zuki. 

Sumenyas si Cally para ilapit nito si Luna. 

Tinulak lang nito si Luna paharap sa kanya. Nagbago bigla ang awra ni Prin. Matalim ang titig niya sa babae at hindi niya napigilan na sampalin ito ng malakas sa kanang pisngi. 

"Y-you?! You hit me!" gaganti rin sana ito pero sinapak ni Prin ang babae sa kaliwa. 

Parang natanggal ang kaluluwa ni Luna matapos siyang saktan ni Prin. Nawala ang balanse nito at napaupo sa sahig. Sinapo nito ang pisngi. 

Nilapitan ni Prin ang babae at pailalim na tiningnan. 

"Kulang pa ang pananakit na iyan!" Sabi niya dito.

"Alam mo Luna, hindi ko maintindihan kung ano ang naging atrasado ko sa iyo. Wala akong natatandaan na may ginawa akong mali sa iyo. I only came to your school as a simple student."

"Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nasadlak sa kinaroroonan ko ngayon! I really hate you! Wala na akong maiharap na mukha sa eskwelahan dahil isang sinungaling na ang tingin sa akin ng lahat ng estudyante! And now, I even use my body just to pay five hundred million?!"

Sinampal muli ito ni Prin. Parang nabingi na ito sa sobrang lakas ng pagkaka-sampal niya. 

"You know what? You are so pathetic! Sinisisi mo sa akin ang lahat, gayong ikaw naman ang may kasalanan?"