Chapter 118 - Tortured

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sinagot ng lalaki na kausap ni Luna sa grupo ang tawag nito.

"H-hello!"

"On the way na ako. Madami pa kasi akong ginawa kaya ako natagalan. Ilang kilometro na lang ang layo ko. Gusto ko na pagdating ko ay good news ang balita mo sakin! Bye!"

Nakatingin lang kay Prin ang kausap ni Luna. "M-malapit na daw po siya…"

Nagtaas lang ang kilay ni Prin.

"M-master… wala ka ba talagang paaalisin sa'min dito?" Tanong nito.

"Wala." Simple ang sagot ni Prin.

Parang binagsakan naman ng langit at lupa ang pakiramdam ng mga kidnappers nang madinig ng mga ito ang sagot niya. Suko na sila! Ayaw na talaga nila na manatili pa doon ng kasama si Prin.

Ang totoo, napapagod na rin si Prin kahit pa natulog siya sa opisina ni Cally nang tanghali habang nasa meeting ang asawa niya, pero nais niya nang tapusin ang kung ano man ang pangit na ugnayan nila ni Luna.

Huminga ng malalim si Prin.

"Sige, pumili kayo kung sino ang gusto niyong palabasin dito o kaya mag-jack en poy kayo kung sino ang gusto niyong pauwiin na."

Nagliwanag ng sabay-sabay ang mukha ng kidnappers. Natuwa sila ng labis sa sinabi ni Prin at nagsimula nang pag-usapan kung sino ang lalabas sa kanila sa lugar na iyon.

Sa labas, isang sasakyan ang huminto sa mismong tapat ng gusali. Isang nabubulok at luma ang itsura ng warehouse sa labas. Kinakalawang na ang mga yero nito at halos gawin ng basurahan ang paligid ng gusali.

Dating hideout ng grupo ni Mr Sy ang gusali na iyon at doon ginagawa ang mga droga na pinapakalat ng grupo nito sa iba't-ibang lugar sa bansa.

Naunang huminto ang sasakyan ni Luna sa tapat ng abandonadong lugar. Nakatigil ang mga sasakyan sa di-kalayuan ang grupo ni Cally nang mapansin nila ang babae.

"Master, may humintong kotse, isang babae ang napansin namin na sakay" pagbibigay-alam ni Zuki.

"Get her!" Utos ni Cally. Malakas ang kutob niya na si Luna na naman ang tinutukoy nito.

Nag-lipstick muna ng pula si Luna bago niya naisipan na tuluyang bumaba ng sasakyan. Pakanta-kanta pa siya na papasok na sana nang biglang harangin ng isang lalaki.

Hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit.

"Sino ka?" Nabigla na tanong ni Luna. Hindi naman siya sinagot ng lalaki na tao ni Zuki.

"Boss Zuki, hawak ko na siya." sabi nito habang hawak ang isang earpiece na nakakabit sa tenga nito. Hinila siya nito papalayo ng kaunti.

"Bitiwan mo ko!" Sigaw ni Luna dito at nagsimula siyang mataranta. Hindi naman nagtagal at nagsipaglapitan sa kanila ang grupo ni Cally.

Halata na hindi mapalagay ang anyo ni Luna nang bumaba ng sasakyan si Cally para harapin ang babae. Tulad ng dati lumakad ito papalapit sa kanila nang hindi nagmamadali dahil gusto nitong magbigay ng kakaibang impresyon.

Napalunok si Luna nang basta siya ihagis sa harap ni Cally. Una niyang nakita ang makintab na sapatos nito hanggang sa iangat niya ng paunti-unti ang paningin. Halos tingalain niya na ang mukha ng lalaki na walang makita na kahit anong emosyon.

Nagsimulang kabahan si Luna. Kumakabog ang dibdib niya habang nasa harap si Cally.

Umupo si Cally para pantayan ang mukha niya at hinawakan sa baba ng mahigpit ang babaeng gustong-gusto niyang saktan simula pa noon.

"Hindi ko akalain na buhay ka pa. Good news! Dahil sigurado na iisipin mo na hindi mo ako nakilala sa buong buhay mo." Mahina pero matigas at may pagbabanta ang pagkakabigkas ni Cally sa nais niyang sabihin.

Pailalim kung tingnan siya ni Cally. Halata na nag-aapoy sa galit ang mata nito habang hawak ang baba niya ng mahigpit.

Halos hindi na niya maramdaman ang baba niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito.

"C-Cally.." usal ni Luna na nakangiwi. Hindi siya makakilos ng maayos.

"You don't deserve to call my name on a first name basis!" Singhal nito sa kanya bago ibinalik kay Zuki ang atensyon.

"Call Mayor Villanueva!" Utos ni Cally.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa asawa ko. Well… Congratulations! Dahil sinagad mo ng sobra ang pisi ko sisiguraduhin ko na wala ng Mayor Villanueva." Titig na titig ito sa kanya.

"P-please…" ang tanging lumabas sa bibig ni Luna.

Ilang saglit lang napansin nila na bumukas ang yero na pintuan ng warehouse.

"Kids, on your post!" Alerto na utos ni Zuki sa sampung kasama habang papabukas ang yero.

Agad na umalerto ang mga tao ni Zuki at inabangan ang paglabas ng kung sino. Ilang saglit lang, lumabas ang isang kidnapper ni Prin at sinunggaban agad ito ng grupo ni Zuki. Hinawakan sa likod ang magkabilang kamay.

"Nasaan si Miss Prin?!" Tanong dito ng tao ni Zuki.

"N-nasa loob… kanina pa namin siya gustong paalisin pero tinotorture niya kami ng ilang oras." Naiiyak na kwento nito.

"Ginutom niya kami, Pinakanta, pinagawa ng kwento at kung ano pa"

Zuki and his kids "...."

"D-dalhin niyo na lang po ako! kahit saan pa po basta malayo lang sa kanya!" Parang baliw na hiling nito hanggang sa dumapo ang paningin nito kay Luna.

"Boss, kanina ka pa niya hinihintay kaya ayaw niyang paalisin ang mga kasama ko" tila nanghihingi ito ng saklolo kay Luna.

Hindi maintindihan ni Luna ang mga sinabi ng kidnappers niya.

Nakahinga naman ng maluwag si Cally matapos marinig ang kwento ng lalaki. Parang nagkaroon bigla ng liwanag ang buhay niya matapos marinig sa lalaki ang nangyari.

"Buksan ng tuluyan ang pinto!" Utos ni Cally sa mga kasama at hinila niya si Luna papasok.