Chapter 117 - Story-Telling

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Binuksan ni Cally ang pintuan at lumabas ng sasakyan upang salubungin ang Daddy ni Prin.

"Umuwi ako sa villa. Nang ipahanap kita ay sinabihan ako na nandito nga raw kayo ni Cally at hinahanap niyo ang anak ko na si Prin." Bungad ni Rob ng makalapit sa kanila ni Zuki.

"Boss pasensya na, masyado kasing low profile ang anak mo kaya marami tuloy ang nagtatangka sa buhay niya nang hindi alam ang totoong background niya." Paliwanag ni Zuki.

Tahimik lang si Cally. Nilingon siya nito at tinapik sa braso 

"Huwag kang mag-alala, may tiwala ako kay Prin na hindi basta-basta masasaktan ng kung sino lang ang anak ko." Sabi nito.

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Cally. 

"Uncle Rob, I'm just worried about her. Did you see the video? Binitbit lang siya na parang lantang gulay." Halata sa boses niya na tense talaga siya sa pagdukot kay Prin.

"Go to her. Nasabi na sa'kin na nasa abandonadong warehouse siya sa kalapit na probinsiya." Sabi nito bago tila nag-apoy ang mata dahil sa sobrang galit.

"Zuki, go with Cally. Ako ang haharap kay Mr. Sy dahil mukhang kailangan ko siyang paalalahanan." Halata sa boses ang pagbabanta ni Rob.

"Who's going with you boss?" Usisa ni Zuki.

"His Dad." Simpleng sagot nito na tinuro si Cally saka sila tinalikuran. 

Hindi alam ni Cally kung ano ang plano ng mga magulang nila at ayaw na muna niyang intindihin ang bagay na iyon dahil mas nananaig ang nais niya na makita si Prin.

Bumalik naman sa sasakyan si Cally. "You heard him. Let's go and get my wife!" Sabi niya kay Xander at sa Chauffeur na parehas na tahimik sa unahan ng sasakyan.

Dalawang van naman ang sumunod sa kanila patungong abandonadong warehouse.

=====

Halatang gutom na ang walong kidnappers ni Prin.

"M-master, kung gusto mong umuwi, ihahatid ka pa namin." Hindi na napigilan ng isa na sabihin kay Prin. 

Uhaw na uhaw at gutom na gutom na kasi sila. Talaga namang suko na sila dahil anim na oras na silang hawak-hawak ng nag-iisang babae na naka-bestida na kulay pink na walang kain at inom. Ito ang umubos ng isang box ng pizza na pina-order nito. Hindi man lang sila tinirhan kahit iisang slice ng pizza.

Nagpa-order pa sa 'Grab Delivery' ng milk tea mula sa paborito nitong bubble tea house at isang supot ng marshmallow mula sa 7-eleven. Kaya sa huli, ang nag-iisang babae ang busog sa kanila at lahat sila ay gutom na.

Kung anu-ano pa ang pinagawa nito sa kanila. Nag-dance contest sila at nagbugtungan. Sa ngayon ay inuutusan sila nito na mag-story telling ng pag-ibig ni Christopher de Leon at Vilma Santos.

"Tang-ina!" Hindi na napigilan na magmura ng isa.

"Sino ang nagmura?!" Singhal ni Prin.

"...Narinig niyo ang sinabi ko, makakaalis ang kung sinong may pinakamagandang kwento sa inyo. Kaya hala, Sige na! tuloy mo ang kwento! Walang aalis hangga't hindi dumadating ang boss niyo dito!"

Naiinis na ang lalaki at nanggigigil na tinungo siya. Plano na nitong saktan si Prin at hindi na talaga ito natutuwa. Tila sinapian na rin ng masamang espiritu ang lalaki.

"ahhh!!!"

Tumakbo ito ng nakaamba ang kamay na may hawak na patalim. "Wrahh!!!"

Nagulat na lang ang lahat ng barilin ni Prin ang hawak nitong patalim. 

Napatigil ang lalaki at napasinghap naman ang iba pa. Nagsugat lang ng kaunti ang kamay nito na pinatamaan ni Prin ng bala. Tuluyang binitawan ang balisong na tumilapon sa kung saan dahil sa bigla nito. Kung gaano kabilis na sinapian ang lalaki, ganoon din kabilis itong tinakasan ng kulay.

Napalunok ang lalaki samantalang ngumisi si Prin. "Sinabi ko na, hindi uso sakin ang pagbibiro." 

Napaatras ang lalaki at humalo sa iba pang mga kasama nito.

"gago ka kasi!" Bulong dito ng kasama pero may diin.

"Ako ang magk-kwento sa inyo ng buhay ni Vilma at Christopher De Leon dahil mga walang kwenta ang kwento niyo!"

"May magkasintahan na ang pangalan ay Vilma at Benny. Hindi sinasadya na mabuntis si Vilma ng nobyo na si Benny. Kaya lang, namatay sa aksidente ng motor si Benny. Dito na pumasok ang role ni Christopher. Dahil he is secretly in love with Vilma, inako niya na pakasalan si Vilma. Kaya lang sa buhay-mag-asawa laging may kontrabida, katulad na lang ni Luna!" Kwento niya na sumegway ng hugot.

"Anyway, balik tayo sa kwento... Sa buhay mag-asawa laging may kontrabida, at iyon ang kinakapatid ni Christopher na si Maya. Maya seduces him hanggang sa magkaproblema ang relasyon nilang mag-asawa…"

"...Ang walang hiya! Sumama sa Maya niya papuntang Europe! Ayon nagkandaleche-leche na ang buhay ni Vilma at naghiwalay sila. The end!"

Nagulat na lang si Prin na mukhang nadala sa kwento ang mga kidnappers niya at literal na nagsisipag-iyakan.

"Hindi man lang ba sila nagkita after eight years?" Hindi napigilan na itanong ng isa.

"Ano to? Kwento ng 'My First Love is a Problem Boy?' Nagkita after eight years? Tigil-tigilan niyo ako!" Sabi niya hanggang sa mag-ring ang cellphone ng lalaki na kausap ni Luna at hindi nga siya nagkamali na ang babae ang tumatawag.