Chapter 116 - Pizza Delivery

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Inikutan ni Prin ng mata ang lalaking nagsabi na wala ng maisip na joke ang mga ito. 

Maya-maya, dumating ang nagdeliver ng pizza. Halata ang pagtataka sa mukha nito lalo at sa abandonadong lugar ito nagdeliver ng pizza. Hindi maiwasan na mag-isip ito ng masama sa mga lalaking nakaupo at mga mukhang hindi gagawa ng mabuti. 

Hanggang sa dumapo ang mga mata nito kay Prin. Tila dinala ito sa alapaap nang ngitian niya ng pagkatamis-tamis, saka inabutan ng isang libo at limang daan. "Keep the change. Bye bye!" 

"B-boy, please, huwag mo kaming iwan!" sigaw ng isa. 

"Tulungan mo ka.. mi." biglang umatras ang dila nito sa mga huling kataga. 

Tinitigan ito ni Prin ng masama saka ibinalik ang tingin sa delivery boy. 

Nginitian muli ni Prin ang binata "Wala na akong kailangan. Bye bye!" kumaway pa siya dito.

Sumunod naman sa kanya ang delivery boy na umalis ng lugar at parang nangangarap na inaalala ang mukha ni Prin. Pakiramdam kasi nito ay nakakita ito ng anghel sa katauhan niya. 

Sinarado niyang muli ang malaking yero na umaaktong pintuan o gate ng gusali. 

"Hihingi ka pa ng tulong ha?!" nakapameywang na sabi niya sa lalaking halos magmakaawa sa delivery boy. 

"Ha! Iniisip mo yata na nagbibiro ako e!" 

Napaatras ito "M-master, p-patawarin mo ako! Hindi na po ako uulit!" sabi nito sa kanya na halata ang pagsisisi. 

"Dapat lang! dahil pasasabugin ko ang ulo mo sa susunod kapag umulit ka pa!" singhal niya. Parang napipi naman ito dahil sa sinabi niya. 

Umupo siya sa silya, pinatong ang box ng pizza sa mesa at saka binuksan iyon. 

Nilanghap pa ni Prin ang amoy nito at parang natatakam na kinagat. Naglaway naman ang mga lalaki dahil sa ginawa niyang pang-iinggit.

Pinanonood lang siya ng mga ito habang ninanamnam niya ang pagkagat. Halos tumulo na ang laway ng iba sa kanila habang pinapanood si Prin na masarap na kumakain. 

"Nabo-boring ako!" parinig niya. 

"Ahhh… Master, parang awa niyo na… Naubusan na kami ng Joke. K-kanta na lang po ako." 

"Siguraduhin mong maganda ang boses mo. Kung hindi, lalagyan ko ng bala ang lalamunan mo." sabi niya sabay kagat ng pizza. Matalim pa rin ang tingin na binibigay niya dito. 

Napalunok ito at saka nagsimulang kumanta ng "Ipagpatawad mo" By VST and Company. Pinilit ng lalaki na lamigan at gandahan ang boses dahil natatakot ito sa banta ni Prin. 

Nakasimangot siya habang pinakikinggan ito. Maganda naman talaga ang boses ng lalaki na sadyang hindi niya lang gusto. 

"Oooohh, minahal kita agad…" 

"Whoooo!!! More more!!!" nagsipalakpakan ang mga kasama nito matapos na kumanta ang lalaki. 

"Tahimik! Hindi ako nag-enjoy!" singhal at reklamo niya. 

Nagkatinginan ang mga lalaki. Hindi na alam ng mga ito kung paano siya susuyuin. Gusto nang sumuko ng apat na lalaki at magsisi. 

"Ikaw! Tawagan mo si Luna at papuntahin mo dito. Gusto kong makita kung paano niya ako pasasayahin" matalim na sabi niya sa lalaking kausap ng babae sa cellphone. 

=====

Hindi naman mapakali si Cally na nakaupo lang sa back seat ng sasakyan at naghihintay ng magandang balita mula sa mga taong nasa paligid niya. 

Inabot na kasi ng mag-lilimang oras at wala pang nagbibigay ng magandang balita sa kanya kung ano na ang nangyari sa asawa niyang si Prin. 

Nasa tapat sila ng coffee shop kung saan huling dinukot si Prin. 

Hindi siya mapa-kalma at halata na hindi siya maistorbo ni Zuki o ni Xander. 

Nakatingin lang siya sa bintana at parang may nakikita sa kawalan. Napanood niya sa video ang naganap doon sa tapat ng Coffee shop na parang lantang gulay na binitbit si Prin ng dalawang lalaki papasok sa maroon na van. 

Kaya hindi maiwasan na mag-isip siya ng masama. 

Walang mabasa sa mukha ni Cally na alam ng mga kakilala niya na mas nakakatakot sa pagkatao niya. Walang kuma-kausap sa kanya dahil wala siyang gusto na marinig na sagot o salita sa kahit na kanino kung hindi magandang balita. 

Ilang saglit lang, kinatok ni Zuki ang bintana at saka niya pinindot ang buton para bumaba ang salamin. 

"Master, may lead na tayo. Nakita na ang van sa kalapit na probinsiya. Ang isa pang clue, lumabas sa imbestigasyon na mga tao ni Mr Sy na isang drug lord dito sa lugar ang dumukot kay Prin." Paliwanag nito. 

"Zuki!" isang malaki at malamig na boses ang narinig nilang tumawag dito mula sa likuran. 

Lumingon si Zuki, at nakita naman ni Cally mula sa rearview mirror kung sino ang tumawag dito. Si Rob Matsui, Ang Daddy ni Prin.