Chapter 122 - Long-Distance Relationship

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Nagdadalawang-isip si Kai kung babalik sa Pilipinas nang hindi pa tapos ang isang buwan na parusa na ginawad sa kanya ni Cally.

Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya magdedesisyon ng sobrang lalim at hindi niya alam ang gagawin.

Nag-aalala siya sa kaligtasan ni Bella pero hindi kaya ng konsensya niya na parusahan si Cally dahil babawiin nito ang parusa niya.

Hindi rin naman maaari na magpadalos-dalos na mag-quit siya bilang Dark Guard. He spent half of his life as a Dark Guard. Para siyang mababaliw na nagkulong sa kwarto.

Kinuha niya ang cellphone at bumungad sa kanya ang wallpaper na picture ni Bella. She's very pretty in that photo. She asked him to took most of her pictures nang magbakasyon ito doon. During those times he believed that taking pictures was part of a boyfriend's duty.

Kaya naman kusang loob siya na kinuhanan ang babae kahit saan pa sila namasyal. Matiyaga siyang kinunan ito ng larawan kahit saan nito gustong magpakuha. Hindi pa nga niya alam ang gagawin ng una but he secretly googled how to take a professional pictures using a smart phone nang magpaalam ito na magpupunta sa palikuran.

Ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang larawan nito sa rainbow village.

Her smile was like a ray of sunshine or a colorful rainbow, kaya hindi siya nakatiis na nakawin ang larawan nito sa cellphone. He touched his phone screen na para bang pisngi ni Bella ang hawak niya. Para siyang nababaliw na napapangiti ng mag-isa.

Nitong mga nakaraan, nag-aaral siya kung paano ilalagay ng maayos ang clip na gawa sa jade sa mahabang buhok ng isang babae. Because he bought something for her habang naboboring siya sa bahay na iyon.

May gagawin pa ba siyang iba bukod sa maglibot-libot? Kaysa naman pilitin siyang makasama ang Lingling na iyon na hindi niya alam kung saan nanggaling. Pinipilit siya ng Mommy niya na samahan ang anak ng kaibigan nito na hindi niya sinunod kahit isang beses.

Binuksan niya na lang ang application ng Twit Twit.

Inisa-isa ang lahat ng moments nila ni Bella. Simula sa unang post niya na picture nang manood sila ng sine at nang panahon na ginawa niya ang account na iyon.

Hanggang sa mga post niya nang mga panahon na nagsisimula na siyang tawagin itong 'My Angel'.

At ang mga huling larawan na na-share niya nang imbitahan niya si Bella doon sa Taiwan. He looked at their pictures kissing in a middle of sunflowers field.

She was so cute wearing a floral dress na pinatungan ng maong na jacket. Her blooming and small face is blended with those flowers.

"Aughhhh!" He couldn't take it anymore!

Honestly, his main problem right now is his relationship with her. Hindi niya alam kung paano hahatiin ang sarili bilang Dark Guard, bilang nobyo nito at bilang taga-pagmana ni Master Chen.

Alam ni Kai na may oras siya kay Bella sa ngayon dahil nagkataon na sabay ang duty niya na bantayan si Prin bilang Dark Guard. Pero paano kung ang susunod na misyon niya ay pumunta sa UK para magsanay at kung ano pa?

They will soon be having in a long distance relationship. Tatanggapin ba ni Bella ang duties niya sa buhay?

Kahit ang kasamahan niya na si Joen ay nasaktan ng labis dahil pinagtaksilan ito ng girlfriend nito. hindi kinaya ng babae na halos nasa Japan lang si Joen at nagt-training.

Nasuntok ni Kai ang unan niya. Ayaw niyang mauwi sila ni Bella sa ganon. Punyetang pag-ibig iyan!

Gusto niyang maghanap ng susuntukin sa mukha dahil parang dumadami yata ang problema niya na hindi niya naiisip kapag kasama ang kanyang Angel.

Napakislot na lang siya nang mag-ring ang cellphone na hawak. His Angel is calling.

Tumikhim muna si Kai. "Hello, My Angel! Kamusta? Nakausap ko na ang tao ni Cally sa Maynila. Natagpuan na nila si Prin at papunta na sila doon para iligtas siya."

Halata na nakahinga ng maluwag si Bella. "Okay lang ba talaga si Prin?"

"Kaya nga huwag ka ng mag-alala. Hindi mo kasalanan kung bakit siya nakuha ng mga lalaking iyon, okay?" Tumingin siya sa relo. May ilang oras na rin nang dukutin si Prin.

"gabi na ah, bakit hindi ka pa matulog? Saka mahal ang tawag sa ibang bansa di ba?"

"Ehh… na.. nami-miss na kasi kita e" sabi nito sa kabilang linya.

Parang dinala sa langit ang buong pagkatao ni Kai nang madinig iyon sa dalaga. Nakalimutan niya tuloy na malalim nga pala ang iniisip niya.

"Hmm… I miss you too" 'kung alam mo lang Bella na hindi nga ako makapaghintay na makita ka.'

Pero hindi niya masabi sa babae na nagkakaproblema nga siya sa mga oras na iyon dahil kailangan niyang mag-focus at mag-isip ng mabubuti kung ano ang tamang desisyon.

"Bella… ngayon na malayo tayo, are you still willing to wait for me?"

"Why not? W-wala ka na bang planong bumalik? Are you... breaking up with me?" Nahalata niya na nataranta ito sa kabilang linya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. what I mean, are you still willing to wait for me? Paano kung inabot ako ng taon bago mo ako makita?"

"At least makikita pa rin kita. Panghahawakan ko kung sasabihin mo sa'kin na babalik ka"

Napangiti si Kai.

"Huwag kang mag-alala because I will find ways na parang 'Bangko de Oro' to see you kahit buwan buwan pa, dahil hindi ko kakayanin na hindi ka makita."

"Ahmm… wait lang!"

Akala ni Bella ay na-mute niya ang tawag. Bigla na lang siyang tumili sa kabilang linya dahil sa sobrang kilig.

Kumunot ang noo ni Kai at napatayo bigla. Muntik na siyang mag-alala pero nakabalik naman agad ang nobya niya sa linya

"Ehem! Nice to hear kung ganoon." Sabi lang nito sa kabilang linya.

They are both smiling na parang tanga sa magkabilang bahagi ng mundo.