Pinahatid ni Cally ang mga kidnappers ni Prin sa pulisya tutal naman ay mas nais ng mga ito na makulong kaysa i-torture ni Prin.
Si Luna naman ay pinahatid nila sa bahay ng mga ito. Mas gugustuhin na ni Cally na nasa labas ang babae para mas maranasan nito ang hirap kaysa kung nasa loob lang ito ng kulungan. Para mas maliwanagan rin ang babaeng kinain ng masamang espiritu na wala itong maipagmamalaki sa kahit na kanino kung walang Mayor Villanueva.
Nasa sasakyan na sila para makauwi nang makaramdam si Prin ng pagod. Pinikit niya ang mata saglit
"By the way Honey, your Dad is here." pagbibigay-alam ni Cally.
Nagising ang diwa ni Prin sa narinig. "My Dad?!"
"Yes, kaya kailangan muna nating dumaan sa bahay niyo dahil siguradong nag-aalala sa 'yo ang Daddy mo." nagtataka rin si Cally kung bakit biglang nagpunta ng Maynila ang Daddy ni Prin. May hinala na siya na may bago itong misyon.
"Sleep for the meantime, mamaya na kita parurusahan."
"Bakit ako may parusa? Muntik na nga ako magahasa, may parusa pa ko?"
"Muntik... magahasa?"
"Ahhh.. ehh…" hindi alam ni Prin kung paano magpapaliwanag sa naganap ng hapon na iyon. Napa-kamot na lang siya sa pisngi.
Nakakunot ang noo ni Cally at naghihintay ng sasabihin niya.
"W-wala namang nangyari sa akin. Luna asked them to **** me. But you see, I am very much okay, walang masamang nangyari sa akin dahil I tortured them instead." tapos napakagat-labi siya habang nakatingin kay Cally. Baka mag-init na naman kasi ang ulo nito.
Alam ni Prin na naturuan niya ng leksyon ang mga kidnappers at nag-iwan talaga siya ng kakaibang impresyon sa mga ito. Iyon nga lang, ayaw pa rin niya na mag-isip si Cally ng masama na may ginawa sa kanyang kabastusan ang walong lalaki.
"Still, may parusa ka pa din, masyado mo akong pinag-alala at hindi ko akalain na nag-eenjoy ka pala na ma-kidnap. Why did you exchanged yourself to Bella? By the way, I asked Kai to go back para masiguro na ligtas ka."
Kumunot ang noo ni Prin. "H-hindi ka ba mapapahamak? Paano kung ibalik nila sa 'yo ang parusa?" tanong ni Prin.
"Okay lang, as long as you are safe. Two heads are better than one." pinaglaruan pa ni Cally ang buhok niya. Inikot-ikot ang mahaba niyang buhok sa daliri nito. Sa pananaw ni Cally, isang babae pa rin si Prin na kailangan ng seguridad.
Parusahan man siya ng matatanda ay ayos lang basta masiguro na ligtas si Prin at ang kaibigan nito dahil alam niyang mahalaga ang babae sa asawa niya.
Pinatong ni Cally ang isang maliit na unan sa ibabaw ng hita niya at tinapik-tapik iyon. "Come here. Alam ko na napagod ka ng sobra sa paglalaro mo kanina."
Sumunod naman si Prin at baluktot na humiga siya sa likod ng sasakyan. Ipinatong niya ang ulo sa ibabaw ng binti ni Cally na may kwadradong unan. Nakaramdam talaga siya ng pagod, lalo nang makita ang asawa niya na biglang dumating para sunduin siya. Parang bula na bigla na lang naglaho ang lahat ng enerhiya niya.
Nang masiguro na maayos ang pagkakahiga ni Prin, pinatong ni Cally ang jacket niya dito. Then, he combed her hair using his fingers kaya nakatulog ito agad. She looked like a little kitten sa ganoong ayos.
Isang pusakal na masyadong nakipaglaro sa mga daga. Tsk! Hindi napigilan ni Cally na halikan sa noo si Prin habang tinititigan niya ang payapa nitong ayos.
=====
Nakipagkasundo lang si Mr. Sy kay Rob na aalis siya nang gabing iyon pero wala sa plano niya ang talagang lumabas ng bansa.
Malaki na ang nagastos niya at kailangan niya iyong bawiin sa pagbenta ng droga. Tumawag siya sa kung kani-kanino para manghingi ng tulong. Tulad nga ng sabi ni Rob, may daan-daan siyang tauhan para protektahan siya. kaya bakit siya susunod dito? Isa pa, marami pa rin siyang koneksyon sa bansa.
Tinawagan niya ang Police Major sa kalapit na probinsya upang hingan ng tulong. Alam niya na hindi siya nito tatanggihan dahil malaki-laki na rin ang kinita nito sa kanya.
"Hello Mr. Sy"
"I need protection. Kailangan ko ng dagdag na tao para lumawak pa ang 'business'." diretsona sinabi niya agad ang pakay.
"Walang problema, magkano naman ang ibibigay mo sa aking porsyento?"
"Twenty percent"
Napa-palatak ito sa kabilang linya. "Mr Sy, kasasabi mo lang na kailangan mo ng proteksyon, mukhang maliit yata ang twenty."
Napapikit si Mr Sy at nanggagalaiti na tinaas sa trenta ang share nito.
"Very good. Rest assured na ibabahagi ko ang tao ko sa iyo. Susunduin ka ng tao ko sa gasulinahan sa pinakabungad na baranggay dito sa probinsya."
"Salamat kung ganon" halatang may inis pa rin na sagot ng intsik.
Ngiting-tagumpay naman ang kausap sa kabilang linya. Milyon na ang kinikita niya dahil sa matandang intsik at ayos lang dahil wala namang maghihinala sa kanya sa mga kasama.