Chapter 124 - Younger Looking

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Tulog pa rin si Prin nang makarating sila sa Matsui Villa at walang plano si Cally na gisingin ang asawa niya kaya wala siyang nagawa kun'di ang buhatin ito papasok sa Villa. 

Wala namang magkusang loob na tulungan siya dahil si Prin ang buhat niya at hindi kung ano o sino lang. Ayaw nilang maputulan ng kamay dahil kahit dantay lang mula sa iba ay hindi nagugustuhan ng master nila. 

Natagpuan niya ang daddy niya sa hood ng sasakyan nito na naninigarilyo bago siya tuluyang makapasok

'Hmmm something is wrong…' hindi kasi maninigarilyo ang daddy niya kung hindi ito stress at kung walang matinding problema. 

"Dad… may problema ba?" 

Seryoso lang na tumingin sa kanya ang daddy niya saka kay Prin "Ipasok mo muna si Prin, we will talk later" 

Kumunot ang noo ni Cally. 

Gayunpaman, sumunod pa din siya dito. Habang naglalakad papasok ng Villa, malalim ang iniisip niya kung ano ang problema nito. Inilapag niya muna si Prin sa sofa at tinakpan niya muli ito ng jacket. Ang Jacket niya na halos sumakop na sa katawan nito. 

Hindi siya mapalagay kaya lumabas siya agad para hanapin ang Daddy niya. 

"What's the problem?" tanong niya nang makalapit dito. 

"Your mom…" malungkot na simula nito.

Kinakabahan si Cally sa susunod na sasabihin nito lalo at tungkol sa mommy niya ang usapan.

"...looks so much younger than me." 

Cally "..." 

Gusto niyang mabilaukan sa problema nito. So, that is his problem? Because his Mommy looks so much younger? 

"Iisipin ng iba that she is your elder sister. A-and she is now closed with Apolo because they are working with--" 

"Dad! Stop! Seriously, I thought it was the end of the world." He doesn't know how to comfort his dad. Hindi niya kasi alam na may insecurities din pala na tinatago ang isang Cloud Han. 

Humugot ng malalim na hangin si Cally. 

"Dad, I am very positive that Mommy has never loved anyone aside from you kahit pa magmukhang teenager lang siya. And, bakit biglang nasali si Apolo sa picture?" nakakunot-noong tanong ni Cally. 

Si Apolo ang lalaki na nagmahal sa Mommy niya noon. He even kidnapped his mom for a couple of months. Hindi masasabi ni Cally kung mabuti o masama ang lalaki dahil nagawa pa rin siyang iligtas ni Apolo ng sanggol pa lamang siya. 

"They are working on a project. Apolo donated millions para magtayo ng isang small city wherein there is a school, hospital, businesses and other things na gagawin para sa mahihirap. A happy livelihood project. You know how much your Mommy loves these things and she will soon spend most of her time in this project." halatang hindi ito mapakali. 

"Dad, sa dami ng pagseselosan mo, hindi ko inaasahan na darating ang araw na magseselos ka kay Apolo. Ikaw na nga ang nagsabi na mahal ni Mommy ang mga ganitong klase ng gawain but that doesn't mean she will soon be in love with Apolo..."

"Listen, kahit naman mukhang trenta lang si Mommy, hindi ka rin naman magpapatalo dahil mukha kang mas bata ng sampung taon sa talagang edad mo. And even if you do, you have four kids, have a beautiful wife, you are working so hard for your family. Ano pa ba ng hahanapin ni Mommy sa iba?" 

"At saka, bakit ka nga pala nandito? Does your wife needs your embrace right now?" usisa niya dahil lagpas hating gabi na ang oras. 

"Your uncle Rob asked for me. We have a meeting."

"So, nami-miss mo lang si Mommy kaya ka nag-eemote? You oldies needs a honeymoon" sabi ni Cally na iiling-iling at nagpasyang bumalik na sa loob ng bahay. 

Naaliw naman si Cloud na pinagalitan siya ng anak niya. Hindi niya rin maintindihan kung saan nanggagaling ang insecurities niya. Maybe it's a sign of aging. 

Sumunod na lang siya sa anak papasok sa Villa. 

Nang makapasok si Cally sa loob, nakita niya na magkatabi at magkayakap din si Prin at ang Daddy nito kung saan niya hiniga ang asawa. 

"Tara sa general hall." aya ni Rob nang makita sila ni Cloud na pumasok. 

Nakakunot ang noo ni Cally na nagkaroon sila ng biglaang meeting na bibihirang mangyari. 

Sa General Hall kasi ay sound proof, hindi sila maririnig ng mga taong hindi dapat kasali sa usapan. Naroon na si Zuki na hindi sumama para ihatid ang kidnappers ni Prin at ang isa pang tao ni Rob na si Cobra. 

Sinabi agad ni Rob ang pakay. 

"Senator Cruz asked me to investigate a gang in the south. A South Caracass Gang." 

Tumingin ito kay Cally at Cloud. "May Tip na nagbebenta sila ng droga sa opisina niyo. Sa MGM office building." 

Kahit si Prin ay nagulat sa balita ng Daddy niya.