Chapter 125 - Her new mission

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Sa loob ng general hall sa loob ng Matsui Villa, nakahanda ang japanese table na pang animan para sa meeting na iyon. Sakto para sa kanilang anim.

Magkatabi si Prin at Cally katapat nila si Zuki at Cobra. Nasa magkabilaang gilid si Cloud at Rob.

Napakunot ang noo ni Cally nang marinig na may nagbebenta ng droga sa opisina nila. Hindi niya akalain na may maglalakas ng loob na gumawa ng kalokohan sa ilalim ng pamamalakad nilang mag-ama. 

"Kaya ko kayo pinatawag, their main target is the artists under MGM dahil sila ang mapera." Paliwanag ni Rob.

"Habang hindi pa talamak ang umiikot sa opisina niyo, kailangan na nating alamin at hugutin ang kung sino man ang 'tulak'."

Hindi na nagulat si Cally kung ang target ay artists ng MGM. 

"pero Dad, kahit na sabihin pa natin na mapera ang mga artist ng MGM, hindi ako makapaniwala na may maglalakas ng loob na magbenta ng droga sa opisina." Hindi na nakatiis na sabi ni Prin.

"Ako din, ang masaklap pa, ginagawa nila ang transaksyon sa White Devil kaya tinanggap ko agad ang misyon nang malaman ko iyon" matalim ang mga tingin ni Rob dahil sa pagkairita.

Nakadagdag sa gulat ni Cally ang bagay na iyon.

Kilala ang White Devil bilang mamahalin na bar. Executives, celebrities ang mga umiinom sa lugar. May mga VIPs na gumagawa ng kalokohan lalo na sa pribadong kwarto pero bawal ang kahit anong klase ng drugs.

"I can locate the culprit in MGM, pero hindi ako makakasiguro na malolocate ko ang taong iyon sa mas mabilis na paraan." Sabi ni Cally na halatang malalim ang pag-iisip.

"Sa tingin ko, isang baguhan ang may sala at ang taong hinahanap natin. Isang trainee o new hired na manager, o kaya naman ay recruit mula sa ibang kumpanya."

Malalim ang pag-uusap nila sa buong dalawang oras kung ano ang gagawin. At hindi matanggap ni Prin ang kinatapusan ng meeting na iyon. 

=====

Nakasimangot si Prin habang nagb-browse sa kanyang laptop. Nakadapa siya sa ibabaw ng kama at patuloy na nags-search kung paano gagampanan ang bago niyang misyon.

"Honey, bukas na iyan. hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Cally.

"Hmp! You don't love anymore." Tuloy lang siya sa pag-browse.

"Bakit mo naman nasabi? I am the most brilliant and doting husband all over the world." Nakadagdag sa pagka-inis ni Prin ang malapad na pagkakangiti ng asawa niya.

"Doting my ass! May doting husband ba na ilalagay sa alanganin ang wife niya? Why did you suggested it?" Naiinis si Prin kapag naaalala niya ang suhestyon ni Cally para makilala kung sino ang 'tulak' ng pinagbabawal na pills o drugs sa opisina.

"Because I am brilliant! You are not alone anyway, Kai is together with you. Lusot pa kami parehas sa parusa dahil isang misyon ang gagawin niya. Don't you like him to be here?"

Inikutan niya ito ng mata 

"I dont! I don't like it dahil kapag mas malapit siya, mas lumilinaw ang mata ko na nagkaroon ako na bato na asawa. Isang lata ng asukal kung magpalitan ng sweetness ang taong iyon at ang Angel niya. Kahit tubuhan ay hindi mananalo sa kasweetan nila. And you think na natutuwa ako na nanonood sa kanila lalo na kung may ganyan akong asawa. Hmp!" Tinuro niya pa si Cally. Inirapan niya ito.

Natatawa si Cally ng lihim. Para parusahan si Prin sa pag-aalala na ginawa nito sa kanya. Naging suhestyon niya na magtrainee si Prin bilang dancer sa MGM. Kasama si Kai.

He is looking forward to see her dance moves na ikinagagalit nito dahil hindi pa naranasan ni Prin ang sumayaw, ang kumanta o kahit na ano.

Pumayag si Rob at ang Daddy niya kaya walang nagawa si Prin. Wala namang ibang pwede na magpanggap na 'spy' kundi silang dalawa lang ni Kai bilang parehas silang may face value. 

Na-inform na niya si Kai pero napamura lang ito sa kabilang linya. Alam niyang tulad ni Prin ay kinasusuklaman siya nito sa ngayon. 

"Honey… why don't you practice right now and let's see how good is your dancing skills." Pang-aasar pa nito.

Tiningnan ni Prin ng masama si Cally. 

"Oh! That look!" napapalakpak pa ito ng isang beses. 

"...I know you really wants to do it, but sorry hindi pa tapos ang isang buwan kaya hindi pa pwede." Dagdag na pang-iinis ni Cally.

Prin "...."

"You know what? You better be ready na maaga kang mab-byudo dahil mamamatay ang misis mo ng maaga dahil sa high blood sa iyo!" Nanggigil sa inis si Prin kaya niligpit niya na ang laptop at tinalikuran niya na ito ng higa.

Niyakap siya ni Cally sa likuran ng natatawa ng lihim. 

"I'm sorry na, Honey. I just wanted to tease you a little bit. I believe you can do it kaya iyon ang naisip ko." 

Natutuwa nga si Cally dahil alam niyang seryoso si Prin sa mga misyon nito tulad na lang ng bagay na iyon. Ayaw nito ang task na iyon pero nagsimula na itong magresearch.