Chapter 126 - This home is mine!

Name:Love Me, My Prince Author:Feibulous
Kausap ni Bella ang Mommy niya sa telepono isang gabi nang makarinig siya ng katok sa pintuan.  

"Mom, have to go… I miss you so much!"

"Are you sure Honey, that you are doing good kahit mag-isa ka lang?" tanong nito. 

"Yes, Mommy. By the way, I-I have a boyfriend and he is a Taiwanese."  

Napangiti lang ang Mommy niya sa kabilang linya. "The guy named Kai?"

"H-how did you know?" 

"You are my daughter, maaari ba naman na wala akong alam? I am stalking your account… Inaabangan ko nga kung ilang linggo lang kayo e" halatang nanunudyo ang tono ng boses ng Mommy niya.

"Mommy!" namumula ang pisngi niya sa tudyo nito. 

Tumawa lang ang ginang sa kabilang linya. 

"Have to go Ma" paalam niya dito dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. 

Umulit ang katok kaya pinutol niya na ng tuluyan ang tawag. Lumapit siya sa pintuan para silipin kung sino ang bisita niya. Wala siyang makita sa peep hole kaya medyo kinabahan si Bella. 

Binuksan niya lang ng maliit ang pintuan saka sumilip. Dalawang tao ang nasa harapan ng unit niya na hindi niya inaasahan na makita doon. Ang asawa ng Daddy niya at ang anak nito na si Maya. Matalim ang tingin ng ginang na nakatitig sa kanya. 

Dating modelo ang ginang kaya napanatili nito ang pagiging glamorosa, may balingkinitan na katawan at halatang alaga ang kutis. 

Nabigla si Bella na makita ang dalawa doon dahil alam niyang sikreto ang tirahan niya sa pamilya ng Daddy niya. Binuksan niya ng mas malaki ang pintuan at hindi pinahalata na nabigla siya sa mga ito. 

"He-hello po." magalang na bati niya.

"Leave this place!" diretsong sabi at hindi na nagpatumpik-tumpik pa sa kung ano ang kailangan nito sa kanya. 

Nanlaki ang mata ni Bella dahil sa sinabi nito.  "Huh? D-dito po ako nakatira."

Tinaasan siya nito ng kilay. 

"As far as I know, this place is owned by my husband." nanghahamak ang tingin nito sa kanya, si Maya ay tahimik lang sa tabi nito. 

"Get out!" akmang papasok na ito sa loob. 

"No! Please, I am begging you… wala akong malilipatan." pigil niya dito. Nagsimula nang mataranta si Bella. Nasa abroad ang Mommy niya at iniwan siya nito doon sa pangangalaga ng Daddy niya kaya wala siyang ibang matutuluyan kundi ang condo unit lang na iyon. 

Tinulak siya ng ginang dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig. "Get out! Tatawag ako ng guard para paalisin ka dito. This is owned by my husband and basically mine! Hindi ka welcome dito." 

Nagsimulang mangilid ang luha ni Bella. Natatakot naman si Maya na makialam sa gilid. She wanted to help Bella but she was afraid. Hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Nauna lang siya ng ilang buwan na ipanganak sa dalaga

Pailalim siyang tiningnan ng ginang. "Lumuhod ka sa harap ko saka ako magde-decide kung papayagan kita na manatili dito o hindi."

Nakakuyom ang kamao ni Bella, kagat-kagat ang labi at hilam sa luha. Pag dating sa babae ay alam niyang wala siyang laban.

"Do it!" singhal nito. 

"No, she will not!" sigaw ng isang malaki at halatang galit na boses. 

Malalaki ang hakbang ni Kai na lumapit at pinilit siyang itayo. May dalang isang malaking bag ang binata na halatang kauuwi lang nito mula ibang bansa. Nagulat si Bella na makita ito doon. Halos ayaw niyang ipakita ang mukha sa binata dahil nasaksihan siya nito sa pangit na sitwasyon.

Mas lalong hindi nagpapigil ang luha niya. 

"Sino ka para makialam sa problema namin? Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Wala akong plano na kilalanin ka. Ha! No wonder na pinagtaksilan ka ng asawa mo. Look at you, mukhang alaga sa lypo, mas makapal pa ang foundation mo sa mga gumagamit ng chin chun su.  Tumabingi na ang ilong mo na halatang niretoke." pang-iinis ni Kai.

"Y-you!You two, Get out of my house!" galit na galit ito kay Kai. halos mamula na ang mukha nito sa sobrang galit dahil inisa-isa ni Kai ang mga katangian ng ginang.

"Misis, huwag masyadong mainit ang ulo." pang-aasar ni Kai.

Halatang hindi nito nagustuhan na tawagin itong 'Misis'. Si Maya  ay parang na-starstruck kay Kai. 

"Get oooout!" sigaw nito sa kanila. 

"Sure, pero sisiguraduhin ko na babawiin namin ang unit na iyan." sabi ni Kai sa ginang.

Umismid ito. "Ha!Isang boytoy na tulad mo pa ang magsasalita sa akin ng ganyan. Bella, hindi ko akalain na mga ganito ang tipo mo. mukhang taga-iskwater!"

Napangisi si Kai "I'm not bluffing, sisiguraduhin ko na mapupunta kay Bella ang unit na iyan. And I will make sure na ikaw ang luluhod sa susunod" 

Nabigla na lang si Kai nang tumayo si Bella at tumakbo palayo. Tumiim ang bagang niya na sumunod dito. Pagliko ni Kai sa mga pasilyo patungong elevator, nakita niya na kapapasok lang ng elevator ni Bella. 

Nakahinga siya ng maluwag nang makita sa itaas na bahagi ng elevator kung nasaan ang numero, na paakyat ang nobya niya sa floor kung nasaan ang swimming pool.